Darkness Forty Five: Miracle

19.1K 664 155
                                    

Kindly play Safe and Sound by Taylor Swift while reading this part. Dagdag feels lang.

* * * * *

“To save the future, we must unlock the past.”

* * * * *
SUMMER DIARHNEY'S POV

"Come back to me, please, I need you."

Sa paglalapat ng mga labi namin ay naroon ang pag asa kong magmulat siya ng mata at sabihing isang malaking joke lang ang lahat, dahil umaasa ako na kahit ngayon lang, magkatotoo ang ending ng lahat ng fairy tales na nabasa ko. That when the Prince kissed his Princess, she'll open her eyes and their Happy Ending happens.

Pero walang dumating na magic, walang spark na nangyari, hindi siya nabuhay.

Lalong bumuhos ang masaganang luha sa mga mata ko upon realizing his death. I killed him, I killed the man I love, I killed the only one who stayed and never stopped believing. I killed my Prince.

Oo nga pala. This is reality, happy endings don't exist, no one lives happily ever after. Yes he's a Prince, but I'm no Princess to save him. I'm just me, simply Summer.

"You're indeed not a Princess, because you're more than that. Hope for the light, and it shall come."

Nagpalingon lingon ako sa paligid dahil sa boses na narinig ko. That little voice is so familiar, saan ko nga ba narinig yan?

"What do you mean? And who are you?" I asked even though I am not seeing anyone talking

"You can still save him, save your Prince."

* * * * *

ELAYSHA YULA'S POV

Amidst the chaos, in the middle of all these hopeless people trying so hard to fight for their lives, for their freedom. A bright powerful light emitted not so far from me. Upon feeling that power, one name crowd my thoughts.

Summer ...

Napatakbo ako palapit doon at wala pang ilang segundo ay nasa harap ko na ito, all thanks to my vampire skills.

What the heck is this?

Sa sobrang liwanag niyon ay literal na napatigil ang lahat, ang patayan, ang sakitan, lahat. Hirap man ay nilabanan ko ang liwanag at pilit tiningnan ang nasa likod nito.

Sabi na eh. Si Summer, at Aeon!

Lumulutang sila sa ere at napapalibutan ng isang napaka lakas na liwanag, umiikot ito sa paligid nila na para bang ipo ipo na kapag sinubukan mong pasukin ay tatalsik ka. Ilang sandali pa ay lalo kong naramdaman ang presensya ng malakas na kapangyarihan ni Summer.

Summer, anong ginagawa mo?

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay kumakawala ang kapangyarihan ni Summer? Na anytime ay lalabas ito sa sarili niyang katawan. Masama ang kutob ko sa ginagawa niya.

At hindi nga ako nagkamali, mula sa katawan ni Summer ay nag umpisang lumabas ang puro niyang enerhiya at lumipat diretso kay Aeon.

"Summer!"

Sa pagkakataong ito ay di ko na napigilan ang sarili kong sumigaw pero ng akmang tatakbo na ako palapit doon at dalawang malakas na bisig ang pumigil sa akin.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon