Darkness Thirty Eight: Falling

19.4K 807 79
                                    


Harrix Aeon's POV

"You must kill her. Kill her before it's too late."

"Aeon?"

"I can."

"Woi!!" Kasabay ng sigaw na yon ay ang malakas na batok ng kung sino, napasubsob pa ako ng konti kaya nabalik ako sa realidad.

"Ano ba?!" Angal ko
"Tulala ka na naman kasi, bro. Nabatukan ka tuloy ni Summer." Tatawa tawa pang sabi ni West
"Inlab na inlab lang? Gandang ganda kaya napapatulala?" Pambibiro rin ni Lay

Sa sinabi nya ay nabaling ang pansin ko kay Summer na nasa tabi ko lang, she's raising her left eye brow habang naka cross arms pa. Nanliliit din ang mga mata nyang kulay pula habang titig sa akin kaya napapangusong nag iwas nalang ako ng tingin.

Naupo kami sa lilim ng puno at nagpahinga ng panandalian. Nandito kami sa fields para mag ensayo, narito rin ang halos lahat ng mga senior students ng Academy at pinaghuhusay ang skills at kapangyarihan nila. Para saan? Sa nalalapit na digmaan, kung hindi man isang digmaan, maaaring isang malaking kaguluhan, ewan basta kung ano pa man yon isa lang ang nasisiguro ko ... Kamatayan, may nakaambang kamatayan.

Wala sa sariling napatitig nanaman ako sa nakapikit na si Summer. Isang buwan na ang nakalipas simula ng makumpleto nya ang Horsemen, at mula non ay wala naman masyadong kakaiba sa kanya. Pula na ulit ang kulay ng mga mata nya, pero ang buhok nya ay di pa ganap na bumabalik sa dati, may strands parin na gray.

Sa bawat araw na dumadaan ay lalong nadadagdagan ang kaba ko, hindi mawala wala sa isip ko yung nangyari sa gubat. Natatakot ako oo, pero sa tuwing tinitingnan ko sya, nawawala ang lahat bg yon dahil naaalala kong sya nga pala si Summer, hindi sya basta basta magpapatalo sa kung ano mang masama na nasa loob nya.

Ipinaglaban ko ang buhay nya kila Kaliza at maging sa ama kong Hari, kaya sana lumaban din sya.

* * *

Flashback
1 month ago

"Dad."

Laking gulat ko ng paglabas ko sa kwarto ni Summer ay bumungad sa akin ang Hari kasama ni Kaliza. Kababalik lang namin ni Summer at wala parin syang malay hanggang ngayon.

"A-ano pong ginagawa nyo dito?"
"You know exactly why we're here, let's talk."

Wala na akong nagawa kundi ang sundan sila, nakarating kami sa office ni Headmaster Dylan pero wala sya dito ngayon. May idea na nga ako kung bakit sila nandito, dahil kay Summer at kung ano mang nangyayari sa kanya ngayon, bagay na gusto ko ring malaman.

"Hindi ka nag-ingat." Panimula ng Hari "Binigyan ka na ng babala ng Diwata but you did nothing."

May ginawa ako. Gusto ko sanang mangatwiran, pero sa mga panahong ganito na sobrang seryoso nya, wala akong nasasabi. Nananatili labg akong tahimik at sumusunod sa lahat ng sinasabi nya, palagi naman.

"Ngayong kumpleto na ang Horsemen, mauulit nanaman ang dati."-dad
"Hindi, hindi kung may gagawin tayo."-kaliza

Anong mauulit? Anong nagyari dati?

"Hindi ko kayo maintindihan." Pag singit ko
"Minsan ng lumabas ang Dark One, Aeon, sa katauhan ni Blaze Salvatore. The former Prinsipe of Underworld, ang kaisa isahang lalaki na minahal ni Sapphire." Mababakas ang kalungkutan sa boses nya, na para bang may naaalala sya.
"Blaze Salvatore? Ang asawa ng kapatid mo?"

Tanda kong may nakita na ako dating larawan ni Prince Blaze, sya rin kasi ang ama nina Princess Flame at Prince Axel, maging ni King Dark ng Underworld.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon