Darkness 26.1: Half Brother

25.2K 1.1K 141
                                    


"Sino … MukhangMasama"
"SiguroNya"
"Asdfghjkl qwertyuiop zxcvbnm"

Aware ako sa mga taong naguusap sa paligid ko pero hindi ko sila masyadong maintindihan, sumasakit kasi ang ulo ko. Pakiramdam ko may nanghampas sa akin ng napakalakas … o meron nga?

"Hmmmmmmm" sinubukan kong buksan ang mga mata ko. Grabe talaga, ang bigat sa pakiramdam.

"Nagigising na sya"
"Humanda kayo"

Pagmulat ng mga mata ko ay nagulat ako sa nasaksihan. Sheeeeeeet! Iba't ibang klase ng mga armas ang nakatutok sa akin ngayon. Konting maling galaw lang at siguradong tegi ako.

"Uhhhh. Anong ganap?" Kinakabahang tanong ko

"Negative. Hindi sya isa sa kanila" sabi ng pinakamatangkad na lalaki. Pagkasabi nya non ay nagsibabaan sila ng mga armas nila. I heaved a deep sigh of relief, okay, hindi ko pa time.

"Sabi ko sa inyo, hindi sya masama" nakangiting sabi nung isang lalaki na kaage yata ni Papa
"Hindi talaga. Good girl po ako. Hehe"

Ano bang ganap dito? Sa ganda kong to, paghihinalaan nila akong masama? Kaloka. Ang ganitong ganda dapat ay pinaghihinalaang Dyosa, hindi masama.

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot. Hala ka. Ano tong nararamdaman ko? Bukol ba this?

"Pasensya na iha. Napalakas yata ang palo ng kasama ko kanina" may pagaalalang sabi nung lalaki
"Bakit nyo naman po ako pinalo?"

May target ba ako sa ulo para patamaan nila ng ganito? Ajuju ang laki ng bukol ko.

"Muntik ka na kasing madamay sa kaguluhan kanina" sagot nya

Kaguluhan? Bigla ko tuloy naalala, yung dahilan kung bakit ako nandito sa Peach Island, yung mga kasama ko … sila Lay!

Naatayo ako bigla sanhi ng kaunting pagkahilo pero kaagad rin naman akong nakabawi.

"Sandali, magpahinga ka muna"
"Hindi. Yung mga kaibigan ko"

Huling kita ko sa kanila, parang galit na galit sila sa isa't isa. Ano na kayang nangyari don? Juice colored! Wala naman sanang nangyaring malala.

"Yung nga ang dahilang kaya ka namin pinalo sa ulo, para ilayo ka sa kanila"
"Ano?"
"Pagusapan natin ito mamaya, pero sa ngayon kumain ka na muna para makabawi ka ng lakas"

May ibinigay sila sa aking pagkain, mabango ito kaya naramdaman ko bigla ang pagrereklamo ng dragon ko sa tyan. Anong oras na kaya at ganito ako kagutom?
Masama daw tanggihan ang biyaya, kaya kahit na nasa ganito akong sitwasyon ay kumain na ako ng wagas. Tao lang naman ako guys, nagugutom rin.

Pagkatapos kong kumain ay isa isa silang nagpakilala sa akin. 14 silang lahat kaya hindi ko rin masyadong natandaan ang mga pangalan nila.

"Ako naman po si Summer Silvan, galing po ako sa Sky Academy. May mga kasama po akong nagpunta dito, yung mga kaibigan ko, lima po kami"
"Silvan? Kaano ano mo ang Headmaster ng Academy?"-Shu

Si Shu ay yung mabait na unang kumausap sa akin, yung nagsabi na mukha naman daw akong mabait. Mukha silang magkaage ni Papa.

"Papa ko po"
"Anak ka ni Dylan?" Kunot noong tanong ni renze

Si Renze ay yung matangkad na masungit, sya yung halatang walang tiwala sa akin kaya tanda ko pangalan nya. Pero in fairness, cute nya. Mukha lang syang matanda sa akin ng konti.

"Mukha naman syang mapagkakatiwalaan anak. At isa pa, tingnan mo sya, magkamukha nga sila ni Dylan" nakangiting sabi ni Reema

Mama sya ni Renze kahit di halata. Ang bait bait kasi ni Rima at ang sarap pa magluto! Palagi pa syang nakangiti di gaya ni Renze. Pero magkamukha talaga silang dalawa, mukha ngang babae si Renze eh. Masungit na babaeng nagmemenopause Haha

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon