Darkness Twenty One: His Close Confession

28.5K 1.3K 784
                                    

"Aeon! Aeon!" Pinagpatuloy ko ang pagkalampag sa pinto nya hanggang sa pagbuksan nya ako
"Ano bang problema mo?!"
"Ngayon na natin kukunin kay Ma'am yung itlog, tara na!"

Super excited na kasi si ako, kaya heto at inagahan ko ng konti ang gising. Hindi na nga ako nagalmusal at tinawag nalang agad si Aeon.

"What?! Are you crazy? Wala pa ngang 7 am!" Busangot na sabi nya

Uhh. Okay. Hindi ko lang inagahan ng konti, sa sobrang excited ko 5:30 palang gising na ako. What can I do? First time ko makakita ng dragon egg. Can you imagine that? Dragon egg! Sana paghatch nya kamukha sya ni Toothless. Or like Pete's dragon, Elliot.

[A/n: Waaahhh guys, sino sa inyo ang manonood nung bagong Disney movie, yung Pete's Dragon? Ajuju gusto ko sanang manood pero walang budget. Kawawa naman si ako. Kay walang may pake, share lang.]

"Hehe. Diba sabi nila? Early birds, catches the Dragon?"

Mas lalong tumalim ang tingin nya sa akin, halos mag straight line na yung kilay nya at lumalaki pa yung butas ng ilong nya. Wow ah, bwisit na bwisit kuya?

"Worm yon, hindi Dragon! San ka nakakita ng ibon na humuhuli ng dragon? Aish! Maghintay ka jan, maliligo pa ako!" Then he slammed the door, muntik pang matamaan ang gorgeous face ko. Hmmph!

"Good morning, Ma'am Rein!" All smiles na sabi ko
"Oh? Ang taas ng energy ah"-ma'am

Nandito na kami sa office ni Ma'am Rein para kunin ang itlog. Pinaupo nya kami at pinaghintay sandali, pagbalik nya ay may dala na sya glass box. Na may itlog na nakapatong sa unan sa loob.

"Okay kids, this is the Century egg"-ma'am, inabot nya yun sa akin at ingat na ingat ko naman yung binuhat

"Uhh. Ito na yon?"
"Yeah, bakit?"-ma'am

Well uhh, how can I say this? I'm actually expecting a bigger egg. At yung uhh mas kakaiba? Ito kasing itlog na to, hindi kalakihan. Siguro wala pang isang dangkal ang height nito, at plain white lang ang kulay.

"Aalis na po kami, salamat po" paalam ni Aeon kay Ma'am

Naglakad na kami paalis.

"Wag mo nga titigan yang itlog, kapag ikaw nadapa at nabasag yan. I'll kill you, I swear"-aeon

Dumiretso kami sa cafeteria para mag breakfast, 7:30 palang naman at 8 pa ang first class namin.

"Ganito ba talaga to? Hindi ba masyadong plain, at maliit?" Tanong ko pagkabalik nya dala ang pagkain namin

Pinilit ko kasing sya na ang kumuha ng pagkain ko at ako ang magbabantay sa itlog, malay ko ba kung may kumuha nito?

He looked at me as if I'm the most naive creature here.

"Hindi ka ba nagbabasa ng libro?"-aeon
"Huh?"
"Yung book natin sa Dragon Taming! Nandoon lahat ng information tungkol sa Dragons"
"Sabihin mo nalang, okay?"

Kasalanan ko bang hindi ako mahilig sa books? Mas gusto kong nakikinig kaysa nagbabasa. Inaamag na nga yung mga libro ko sa dorm.

"Ang mga Dragon Egg, maliit at plain white lang talaga sa umpisa. Lumalaki sila at nagkakakulay kapag malapit ng mapisa."

Ganon? Ibig sabihin matagal pa bago ito mapisa. Nag shrug nalang ako at nagumpisa ng lantakan ang carbonara ko, sarap talaga ng luto nila. Yum!

"Sabi rin, dapat daw kinakausap sila ng protector nila, which is us, kasi nararamdaman daw nila yun sa loob. Mas napapabilis ang pag hatch kapag malakas ang bond. At hindi days ang hinihintay para mapisa sila ..." tumigil sya sa pagkain at tumingin sa akin, sakto naman napatitig ako sa kanya. Kas naman, super serious nya ngayon "Kundi yung kahandaan ng protector. Sa protector din nakasalalay ang buhay nila, kapag namatay ka, o ako, patay din sya, pero kapag sya yung namatay, hindi tayo madadamay. Kasi sa protector sila kumukuha ng lakas"

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon