His Point of View

33.1K 1K 264
                                    

Let's take a look on the other side, on another perspective. Let's hear his point of view.

* * * * *

“In the absence of light, darkness prevails.”

* * * * *

DARK SALVATORE FORRESTER'S POV

They say evil isn't born, it's made. And that we are all born with the potential of good and evil, and with the gift of free will.

Kung noon mo sasabihin sa akin yan, sasang ayon ako. Dahil ang mga karanasan mo lang talaga sa buhay ang makakapag sabi ng kung ano ang kahahantungan mo, ang mga pinagdadaanan mo at ang mga taong nakapaligid sayo ang hahasa sa kung anong klase ng tao ka. Pero liban doon, ikaw mismo sa sarili mo rin ang makapipili ng landas na tatahakin mo. Nasa sayo ang desisyon.

Pero kung ikaw iyong klase ng tao na tulad ko, alam kong tataliwas ka rin sa pangungusap na yan.

Ang kasamaan ay nabuhay kasabay ko, wala akong pagpipilian. Sila ang pumili ng landas na tatahakin ko, sila ang nagbigay sa akin nito.

Paglaki natin, magkakasama parin tayo ah?”

Di ko maitago ang matamis na ngiti sa mga labi ko sa ala ala ng aking kamusmusan, ang kabataan kung saan kasama ko pa sila, ang aking mga kapatid.

Oo naman! Tapos paglaki natin ako na ang pinakamagaling na Knight ng Sky! Ikaw naman Flame ang magiging Headmaster ng Academy! At syempre si Dark ang King!”

Hinding hindi ko malilimutan ang napaka siglang boses ni Axel sa tuwing paulit ulit niyang sinasabi na gusto niyang mapabilang sa Royal Knights, gusto niya raw kasing maging malakas para ma-protektahan kami ni Flame.

Tutuparin natin ng magkakasama ang mga pangarap natin. Hihi. Gusto ko talaga sa Academy~”

At ang walang sing lambing na boses ni Flame na walang sawa kong pinakikinggan. Ang natatanging tinig na nakakapag pasaya sa akin, sa amin ni Axel.

Bakit? Para makita mo ulit ang hambog na yon?”

Tandang tanda ko pa na madalas akong mainis sa tuwing ikukwento niya si Frost, isa sa mga kaklase namin sa Academy. Noon pa man ay mahahalata na ang kakaibang koneksiyon sa kanilang dalawa.

Alam mo kambal? Mabait naman si Frost, inuunahan ka lang talaga ng selos! Hahahah

Nagseselos talaga ako, nasanay kasi akong ako, si Axel at ang pinsan naming si Von lang ang lalaki sa buhay ni Flame.

Oo nga kambal, mabait si Frost! Pati si Charm, at si Sky, at si Johanne, at si Jeanne! Mabait silang lahat!”

At sa tuwing nagtatandem na kayo sa pagkumbinsi sa akin sa isang bagay, lalo pa't nakadikit na sa mga mukha niyo ang napakaaliwalas na ngiti at makinang na mga mata. Wala na akong nagagawa kundi ang ngumiti rin at sumang ayon.

Tanging si Axel at Flame lang ang nakakapag pasaya sakin, ang tanging liwanag na nagsisilbing gabay ko sa kadiliman.

Akala ko ako na ang pinaka maswerteng tao sa Sky, paanong hindi? Prinsipe ako, may mapagmahal na mga kakambal, maalagang Tiyo at pinsan, at mga mapagkakatiwalaang kaibigan. Ano pang kulang? Ano pa ba ang makakasira nito?

Hanggang sa dumating ang araw na sana ay di nalang nangyari. Isang malagim na pangyayari ang nagdulot hindi lang sa Sky kundi sa buong Magic World na makalimutan ako at si Flame.

Bagong taon noon ng dumating ang isang propesiya mula kay Kalisa, hindi raw kami maaaring lumaki ng magkakasama. Dapat kaming maghiwa hiwalay dahil kamatayan ang idudulot ng aming pagsasama, labis na kadiliman. Kaya't kasabay niyon ay ginawa nila ang isang napaka lakas na mahika.

Wala ni isa sa mga kaibigan namin ang naka alala.

Si Flame, na nakalimot sa nakaraan, ay napunta sa Mortal World at pinaniwalang doon siya ipinanganak.

Si Axel, na gaya ng lahat ay nakalimot rin, ay nanatili sa Sky at pinaniwalang siya ay isang ampon na Prinsipe.

Habang ako, na patuloy na nakaka alala, ay ipinadala sa Underworld.

Hindi ko lubos maisip na ang perpekto kong buhay ay mababaligtad.

Masyadong unfair, bakit kailangang manatili ng mga ala ala sa akin samantalang sa iba ay parang di ito nangyari? Kinuha nalang din sana nila ang memorya ko.

Simula rin ng araw ng aking pag iisa ay ang pag silang ng isa ko pang katauhan.

Nagkamali sila sa katagang hindi pinapanganak ang kasamaan. Because it is in the depths of our souls, waiting to be unleashed, you just have to face it.

Hindi ako masama, kundi siya, ang isa pang bersyon ko.

Maraming pagkakataon na gusto ko ng sumuko, na hayaan nalang ang kasamaan na balutin ang buong pagkatao ko. Pero hindi, dahil may pag asa pa.

"Salamat."

Hindi man ako nagawang maalala ng lahat, nagpapasalamat naman ako at sa wakas, may isang nakakita ng mga ala alang napaka tagal kong pinanghawakan at ipinag laban.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon