Darkness Four: Ambush

45.6K 1.9K 457
                                    


Dedicated to @unicornlad

~•~•~•~•~•~


Matapos kong marinig ang mura ni Night ay ramdam ko na talaga ang mabilis na pagbulusok namin pababa. Waaaaahh mamamatay na ba ako? Wag naman sana ganito, baka mamaya magka durog durog ang katawan ko sa pagbagsak namin. Aba syempre gusto ko maganda parin ako kahit naka burol na noh!

"Kailangan na nating makalabas!"-aeon

Malamang, alangan namang mag stay pa tayo sa pabagsak ng ship?! Gusto ko sanang sabihin yon kaya lang ay baka magalit pa sya at iwan ako rito, o kaya ipapatay ako sa mga knights kasi diba Prinsipe sya.

Sinubukan kong tanggalin itong seat belt gaya ng ginagawa nila pero halos mapa iyak ako dahil ayaw makalas.

"Na stuck!" Pagpapanic ko
"Ako ng bahala, humawak kayo sa akin!" Kalmadong sabi ni Crush

How can he be so calm in situations like this?
Pero bakit naman namin sya hahawakan? Anong magagawa nya? Aish

"Summer?" Inilahad nya sa akin ang kamay nya kasi may kalayuan sya sa upuan ko at hindi naman ako makatayo dahil nga sa pesteng seat belt.

Masama bang kiligin sa ganitong pagkakataon? Kasi kung hindi, kinikilig ako! My gosh, holding hands kami ni Crassssss~ landi.haha Dito na ba mag uumpisa ang love story naming dalawa?

Ginawa ko naman ang sinabi nya and the moment my hands landed to his, nakaramdam ako ng kakaibang kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. Pero hindi yung kuryente na kagaya ng sa mga nagmamahalan kapag nagkakadikit ang balat nila, kasi ito, literal! As in nakuryente talaga ako ng slight, tapos medyo nahilo ako at nagdilim ang paningin ko. Pakiramdam ko napupunta ako sa ibang planeta, umiikot ang paningin ko! Shit, ito ba ang pakiramdam ng mga damit sa loob ng washing machine?

Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko at kinagat ang ibabang labi ko, masusuka yata ako! Wag naman sana, kung magkataon eh nakakahiya sa tatlong kasama ko. Maya maya lang ay naramdaman kong bumagsak ako sa lupa, ang pwet ko. Huhu. Pagdilat ng mata ko ay nasa lupa na nga kami, parang gubat. Hala? Paano kami napunta dito?

"Shit! Ang ulo ko, putspa!" Malakas na sigaw ng kasama ko. Pagdilat ko, ang prinsipe nakahawak sa ulo at nakapikit na parang nahihilo

"N-nasusuka ako" si West naman ay nakatakip ang dalawang kamay sa bibig at nanlalaki ang mata. I feel you, West.

"Yung ship, sumabog" biglaang salita ni Crass kaya napatingin ako agad sa kanya. Nakatingala sya sa langit at parang may pinapanood kaya tiningnan ko rin yon.

Yung ship nga na sinakyan namin kanina, umaapoy at may pumuputok putok pang ilang parts habang bumubulusok sa may di kalayuan sa amin. Mala fire works lang ang dating ah, daig sa sound effects. Nang magcrash ang sasakyan sa lupa ay lumikha ito ng malakas na pagsabog, halos tangayin nga ako ng hangin na dala ng impact.

"Yung ship ko" maiiyak na yata si West

Tumayo naman ako at pinagpag ang jeans ko tsaka lumapit sa kanya.

"Condolence, West" I said while patting his back
"Tss" Napalingon ako sa Prinsipe, maka-tss wagas? "Papaltan mo nalang kay Sir Dylan. Maglakad na tayo" bored na sabi nito
"Papunta saan?"
"Sa Academy malamang. Bakit, gusto mo pa bang mag stay dito?" Pamimilosopo nya, wow ahh?
"Baka ikaw gusto mo, sarap lang din ng pagkakaupo mo jan" pag ganti ko

Kaagad naman syang tumayo at pinagpag ang suot, mukha ngang medyo hilo pa sya dahil muntik ng matumba.

"Tara na nga!" Sigaw nya at pinangunahan ang paglalakad, na sinundan ni Night at West

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon