Darkness Thity One: The Real Foe

22.9K 968 329
                                    


Harrix Aeon's POV

"Pupunta tayong North Lime." Bungad ko pagbalik ng bahay, kakakausap ko lang kay Headmaster gamit ang watch.

"Oh? Akala ko balik Academy na tayo?"-west
"Something happened in North, pagkatapos doon tsaka palang tayo makakabalik."

Matapos ang mga sinabi ko ay wala na akong narinig na tugon mula sa kanila. Nag empake na kami at inihanda ang sarili para sa pagpunta sa North, na karugtong lang nitong South.

Hanggang sa sasakyan ay namamayani parin ang nakakailang na katahimikan sa amin, kami nga lang ni West ang naguusap.

Tsh! Nagumpisa to ng may sabihin si Famine tungkol sa traydor traydor na yan! Bigla nalang nanahimik si Summer at parang ang layo ng nililipad ng utak. Hindi bagay sa kanya maging seryoso. Pero napansin ko nga rin, ilang araw nang tahimik si Lay, at mas lumala pa ngayon. Nakakapanibago silang dalawa, hindi lang pala silang dalawa dahil pati si Night, kakaiba. Noon pa man tahimik na sya pero para kasing may hindi tama sa katahimikan nya ngayon.

Ako lang ba o parang may alam silang hindi namin alam ni West? Nakakabobo naman to!

"Anong meron?" Biglang imik ni Summer "Sa North Lime, anong sitwasyon don?" Dugtong nya
"Ah oo, may ano … sakit. May kumakalat na sakit doon at sabi ni Headmaster hindi daw normal."
"Virus?"-summer
"Hindi ako sigurado."

SILENCE. LONG. DEAFENING. SILENCE.

Hanggang kailan kaya ako tatagal sa katahimikang ito?

— — —

Pagdating namin sa North Lime ay sa isang Hospital kaagad kami pinaderetso. Di gaya sa South na sobrang lamig, dito naman ay tropical, maaraw, mahangin kaya presko sa pakiramdam.

"Here's the situation, since last week parami ng parami ang napapasok dito sa ospital because of only one disease. Sakit na hindi namin alam kung ano. Iisa ang symptoms na nakikita namin sa kanilang lahat, naninilaw na balat, malalaking pantal, mababang temperatura ng katawan, may iba pa na inunuubo at sinisipon. Sa unang tingin mukha lang yong cold flu pero matapos ang tatlong araw na pagkakasakit ng pasyente, sumusuka sila ng dugo at namamatay." Paliwanag ni Sir Sheen

"Hindi nyo po ba sila kayang gamutin?"-west
"Napapabagal lang namin ang pagkalat ng virus sa katawan pero hindi namin yon matanggal."-sir sheen

Impossible. Si Sir Sheen ang pinakamagaling na heeler sa buong Sky, paanong hindi nya kaya ang isang to? There must be something or someone really powerful behind this, at possible na isa yon sa Horsemen na hinahanap ni Summer. We need to find it, we must.

"Lay, ayos ka lang?"-west
"Oh anong nangyari?"
"Bigla syang bumagsak!"-west
"She must be affected by the virus, dalhin natin sa isang room dito."-night

Lay's affected by the virus? Pero may ininject si Sir na antibody sa amin bago pumasok ng hospital na 'to.

"I'll take care of her, hanapin nyo ang nagcacause ng virus na ito."-sir

Tumawag ng tulong si Sir at inihiga nila sa isang stretcher si Lay, pagkatapos ay kung ano ano na ang ginawa nila habang dinadala sya sa isang kwarto.

"All of these might be because of Plague, he must be somewhere near. Maghiwa hiwalay tayo at libutin ang ospital na to." Summer said seriously
"I'll go by this floor, Summer and West sa ground floor, Aeon sa Second. Mag ingat kayo."-night

Gaya ng sabi ni Night ay nilibot ko na ang floor na para sa akin. Three floors lang naman ang ospital na to, pinakamaraming tao sa first floor dahil doon yung parang receiving area, dito naman sa second matatagpuan yung Operating Room at ICU, sa third yung medyo konti ang tao dahil puro rooms lang ng patients ang nandon.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon