5th Petal: Glitters

1K 10 0
                                    



Chapter 15: Glitters


Maaga ulit akong pumasok halata naman sa kanila na nag-tataka. Hindi naman para sa kanila tong ginagawa ko. Bakit ba?

At dumating nanaman ang pinakahihintay ko ang bubuo ng araw ko. NAKANANG!

Kunwari habang nakikipag-usap ako sa isa kong barkada pasimple ko siyang pinagmasdan sa pag-upo niya.

Maya maya pa napansin kong nababagot siya sa pag-hintay sa teacher namin. Nilapitan ko siya para kausapin.


"Musta? Tahimik ka yata." Crisson? Kelan ba nag-ingay yan? >.<

"Okay lang naman, medyo may inaasikaso lang." HAH? A-anong inaasikaso? Lilipat ba siya ng school?

"Ah at ano naman yun?" Naupo ako at sumandal.

"Yung pagsali ko sa Music club."


Hays, hindi naman pala!


"Eh ba't ka pa kasi sumali don? Pwede ka namang mag-chill lang o kaya mag-aral na lang." Bulok na payo ko.

"Mahilig kasi akong kumanta."

"Oh? Kumakanta ka? Sige nga.. Sample nga."

"Sige, ano bang kanta?"

Ano pa bang alam ko maliban sa Green day, Simple plan, Kamikazee at Slapshock. Hehe


"Jimenez." Tinignan niya ako ng maigi, kinakabahan ako.



"May glitters ka sa gilid ng mata."

(-________-")

Loko kasi itong si Kronos, nag-ggliters kasi habang kinakausap ko kanina.


"And I don't want the world to see me.

Cause I don't think that they understand

When everything's meant to be broken.

I just want you to know who I am."


Habang kinakanta niya yun, nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan niya kasi yung mukha ko at parang may inaalis. Di ko alam kung gusto kong tanggalin yung kamay niya. Hindi dahil ayaw ko. Kinikilig kasi ako, nyeta. (=>_<=)

"Baka mapunta sa mata mo."

Pagkaalis niya ng kamay niya sakto namang may dumating na asungot.



"Good morning Lou." Nginitian siya nito parang wala lang ako ah.

"Hi!" bati naman sa kanya. </3

"Nagawa mo ba yung assignment sa chemistry?" Tuluyan na niyang binaling ang tingin niya sa lalaking yon.

"Hindi pa."

"Hirap noh."

"We have our activity today you are group into 6. So go to your respective groups now."

Tinatamad akong tumayo at kumilos. Eh pano ba naman kasi..


"Cris? Tara na." WUY. Tumango ako at sumunod agad kay Lourixxe.

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant