3rd Petal: Possesions

762 6 0
                                    

Chapter 23: Possesions

It's been three days wala pa rin akong balita kay Cris.

Hindi ko maintindihan kung
May naging problema kami. And if he's planning not to talk to me for a month just to kill me- it will work.

Ganito pala kapag nakikipag-relasyon I thought its just all about happiness and butterflies in stomach. Silly me.

Pinuntahan ko rin sila Rick and Johann para itanong si Cris because I think they are his closest friends.

Wala rin silang balita at naging busy din sila sa school nila.

For now, sasamahan nila ako sa bahay nila Cris.



Nagtanong kami kay Eloisa na kasalukuyang nagdidilig sa labas nila. She's not cheerful na hindi naman usual.

"Nay, si Cris nasaan? " tanong ni Johann.

Umiling muna si Manang Eloisa bago sumagot.

"Nawawala siya. Hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. "

Nagkatinginan si Johann at Rick.


"Baka lumayas nanaman yun dahil magulo nanaman sa kanila. "

Nakayuko si Rick habang palabas na kami ng subdivision nila Cris.

"Kawawang Cris. " bulong ni Johann.

Natulala na lang ako ng walang alam sabihin.

Sa hindi kalayuan nakita ko ang figure ni Cris. Figure niya na kabisadong-kabisado ko na sa mga panahong kasama ko siya.

"CRISSON! "


I don't do screaming much. Hindi ko napigilan ng malaman kong siya nga iyon.

He doesn't look much wasted. Tinitigan niya lang ako sandali. I hold his hand.


"Oh san ka nanaman galing? "Diyan lang. " sinabayan namin siya pabalik sa kanila.

"Diyan lang sa kanto. " Rick mimic.

"Cris, Okay ka lang? Anong problema?"

I'm trying to comprehend.

Hindi niya ako sinagot.


"I've been sick worried! " sabi ko at binitawan ko ang kamay niya.

"Lourixxe wag ngayon pwede! " sumagot nga siya pero hindi ko nagustuhan.

"Bakit hindi mo sabihin sakin ang problema? "

"Punyeta! Lahat na lang kayo puro sakit ang dala! " iritadong-iritado siya sa hindi malaman na dahilan.


"Pre, naiintindihan ka namin. Magiging okay din yan. " Pinapa-kalma siya nila Rick


"Iuwi niyo na nga yan! " tinalikuran niya kami.

"Marami lang siyang iniisip ngayon hayaan niyo na muna. " nakatulala na lang sila kay Cris na palayo ng palayo.

"Ginawa niya na ba iyon dati?"

Tanong ko.

"Ang alin? Yung pag-layas niya. "

"Oo. Saan siya pumupunta? "

"Mas malala siya dati. Talagang isang buwan siyang hindi bumabalik. Hindi namin alam kanino siya nakikitira. Wala rin siyang sinasabi sa amin. "

"Akala ko pa naman nagbago na siya dahil nakilala ka na niya. " yumuko si Johann at sumindi ng sigarilyo.



Kinabukasan pagkatapos ng klase hindi pa rin siya pumasok. Naging normal at walang kabuhay-buhay.

I'd sketch his face for his features has been portrayed inside my head.



Naglalakad ako palabas ng campus ng may biglang humablot ng gitara ko. Kinabahan ako pero napawi iyon ng makita ko siyang ulit.

Gusto ko mang magalit hindi ko magawa. Marami akong gustong itanong sa kanya pero baka magalit nanaman siya.

"Uuwi ka na ba? " napaka-cold ng boses niya.

"Oo. "

Okay ka lang ba?
I've miss you so much.
Sobra akong nag-aalala para sayo.



Pero hindi na lang ako umiimik.

Nakasunod lang ako sa kanya.

"Kamusta school. " tanong niya.

"Okay lang. "

"Bakit ganyan ka sumagot?  Inaano nanaman kita?" nagsalita siya sa tono na parang walang pakialam sakin.

"Wala. "

Tumigil kami sa paglalakad at nagtinginan ng matagal.

Gusto niyang magalit nanaman pero hindi niya nagawa.

"Umayos ka nga. " this time naiinis na ako sa ugali niya.


Humakbang na siyang muli pero tumayo lang ako at nagbabalak umatras.

Nababastos ako sa ginagawa niya.

"Oh?  Anong arte to? Pinuntahan na nga kita ganyan pa asta.

"Anong nangyayari sayo? Saan ka nagpunta? Nag-alala ako sayo hindi ko alam kung may nagawa akong mali- -"

"Wala kang pakialam. " literal na wala nga siyang pakialam na tumayo sa harapan ko.


"Put*ngina. " sabi ko. Kinuha ko ang gitara ko sa kanya. Pero inagaw niya iyon.


Walang katao-tao.

Alam ko namuo na ang tensyon sa kanya pero hindi ko inasahan ang ginawa niya.
Winasak niya ang gitara ko.


"No! " pinilit kong agawin iyon sa kanya unti-unting nababaklas ang ulo ng gitara at natanggal ang mga string hanggang sa mawakwak ito.


"Ito yung kinababaliwan mo ngayon?  Hindi ka nakikinig sakin at basta mo na lang ako iiwan? " namumula ang buong mukha niya.

Lumayo ako ng konti, umiling ako, nagkuyom ng palad.

Namuo ang luha sa mga mata ko. Nadidismaya ako hindi ko na siya maintindihan.



"Hindi mo man lang ako tinanong kung ano ng nararamdaman ko? " ngumiti ako ng may pumatak na luha sa mata ko.



The world became crappy again as I start to walkaway from him.

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Where stories live. Discover now