9th Petal: Weak

733 6 0
                                    

Chapter 29: Weak

Dalawang araw na ang lumipas. Hapon at mainit sa balat ang araw pero patuloy pa rin akong naghahanap. Madalas na rin akong tumatambay sa Police Station para malaman kung may nasagap na ba silang impormasyon kung nasaan na si Yuri.

'Dalawang araw na wala ka pa rin. '


Ngayon lang ako natakot sa maaaring nangyari sa kanya.

Naglalakad ako sa kalsada para makahanap pa ng mapagtatanungan. Hawak ko ang medyo nalukot niyang litrato saking mga kamay.

Nagsimulang kumulog at hindi ko napansin na nagdilim pala ang mga ulap. Bumuhos ang malakas at mahanging ulan. Nagsipulasan ang mga tao at huli ko ng namalayan na nabasa na pala ako at mukha akong ewan na nakatulala sa kawalan.







"Pare, magkakasakit ka naman sa ginawa mo." Sabi ni Johann na binuksan ang ref dahil kumukuha ng pagkain.

Nilapitan niya ako sa sofa dito sa bahay nila, ramdam ko ang pagpatak ng tubig sa buhok ko pati ang mga malalalim ko ng mata. Hindi ako napapagod. Pagkatapos na pagkatapos ng ulan hahanapin ko pa rin siya.

"Tinutulungan ka naman namin. Magpahinga ka naman pre." dagdag niya na kinainis ko bigla.

Sa unang pagkakataon naramdaman kong hindi na galing sa buhok ko ang basa kundi sa mga mata ko na.

"Pahinga? Hindi ko na alam kung nasaan na siya. Hindi niya kayang mag-isa kung nasaan man siya ngayon. Hindi ko na rin alam kung saan na ako dadalhin ng paa ko malapit lang sa kanya. Tapos sasabihin mo magpahinga ako?" Nanginginig na ang boses at mga kamay ko.

Natahimik si Johann kaya ibinaling niya ang tingin kay Rick na umiinom ng kape.

Wala ni isa man sa aming tatlo ang nagsalita. Tanging malalakas na patak ng ulan lang ang maririnig.

Biglang binasag ni Rick ang katahimikan ng sabihin niyang..



" A-alam ko kung nasaan siya."

Natigilan kami ni Johann sa sinabi niya. Kumunot ang noo ni Johann.

"Sino?" kanya.

"Si Yuri." Tinignan niya kami sa mata, bigla kong naintindihan ang gusto niyang sabihin.

"Nasabat ako ng nakalaban nating gang dati. Hindi nila matanggap na napahiya sila dahil sa atin ng huli natin silang makasagupaan. Inambangan nila ako at muntik na nila akong patayin dahil tinatanong ka nila, hindi ko nasabi pero may nabalitaan silang may kasintahan ka kaya..." natigilan siya nakita niyang tumigas ang panga ko sa pag-amin niya.

Nanlaki ang mga mata ko at hinigpitan ang kamao ko. Lumapit ako sa kanya at kinwelyuhan siyang agad.

"ANONG SINABI MO! BAKIT KAILANGAN MADAMAY SI YURI! WALA KA BA TALAGANG UTAK GAGO KA! HA!" bumwelo ako at sinuntok ko siya ng isang beses sa pisngi.

Tumilapon siya sa mga display nila Johann tumama ang likod niya sa isang maliit na kabinet. Wala akong pakialam.

Susugurin ko na siya ng pumagitna si Johann.

"Jo! WAG KANG MANGINGIALAM KUNG AYAW MO ULIT MASAKTAN SAKIN!!"

Hinigpitan ni Johann ang hawak sa akin. Pilit ko siyang pinapalo para bitawan ako umusog siya at tinulak ako palayo mula kay Rick.

"TAMA NA!" pulang-pula ang buong mukha niya nangingitim na rin ang noo niya.

Hindi ko mapigilan ang galit ko. Alam naman pala niya at siya naman pala ang dahilan kung bakit nawawala si Yuri. Paano kung may masamang nangyari sa kanya lalo na't hawak pala siya ng mga sira ulong gang.

"Hindi ko naman alam na ganyan pala ang gagawin nila eh. Patawarin mo ko Cris. Pinagtanong-tanong ko na rin siya sa mga tropa ko at alam nila kung saan siya dinala." Umuusog si Rick papalayo sakin.

"WALA KANG KWENTA! NAPAKADUWAG MO!" galit na galit kong sinabi sa kanya. Sinuntok ko ang pinto nila.

Sinisigurado kong mapapatay ko siya ngayong oras na 'to pero kailangan niya munang kumanta kung nasaan si Yuri.





#BRYACYuriandCris (Official hashtag)

THANK YOU FOR READING

FOLLOW ME AT BBANSI

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon