Twin Petal

770 5 0
                                    

Crisson



WILD FANGS isang kilalang sorority clan ang dumukot kay Yuri. Pinuntahan namin ang hide-out nila. Siguraduhin lang ni Rick na nandito si Yuri dahil kung hindi wawasakin ko ang mukha niya. Kahit anong mangyari babawiin ko si Yuri.



Hindi kapansin-pansin ang hide-out ng mga babaeng ito, hindi gumagana ang kalapit na dalawang poste.

Walang bantay sa labas. Nauuna na ako sa paglalakad malapit na ang distansya ng makarinig ako ng maingay na hiyawan ng mga babae.

"Cris.. pinagtutulungan nilang upakan si Yuri.." dilat na dilat na sinabi sa akin ni Johann na nakasilip sa siwang. Hinigpitan ako ang hawak sa kamao ko at agad na pumasok sa loob ng lungga nila.

"Sandali Cris!"

Bumagsak si Yuri sa sahig. Humandusay ang nanghihina niyang katawan. Gulat na gulat ang apat na mga haliparot na babae.

"Isara mo yang pinto!" utos ko kay Johann, nagsilapitan sa akin ang apat.

Yumuko ako at ngumisi. "Sinong gusto niyong mauna?"




JOHANN
Hinarangan ko ang pinto pagkasabi ni Crisson. Galit na galit siya ngayon at alam kong hindi na siya mapipigilan na makapanakit muli.

Naiwan sa labas si Rick dahil dinededma pa rin siya ni Crisson sa nangyari. Alam kong pagkatapos nito ay malaking problema ang magaganap sa pagkakaibigan namin.

"Sinong gusto niyong mauna?" ngumisi si Crisson. Hindi dahil sa tuwa kundi napakadelikado.. napakadelikado ng ngiti niya.

Gaya ng inaaasahan hinigit niya sa buhok ang babae na may mahabang peklat sa pisngi sa pagkakaalam ko si Diah iyon anak-mayaman siya pero nag-rebelde kaya naimpluwensyahan di ng mga kasama niya ngayon. Marami na rin siyang nakalaban na mga sorority clan at sa tingin ko hindi siya tatapang ng ganyan kung walang naka-suportang ibang fraternity sa grupo nila.

Tumilapon si Dia sa sahig. Ang sumunod agad na sinuntok ng mabigat na kamay galing kay Cris, nawalan ito ng malay. Tumayo si Diah at sinakyan si Cris sa likod kaya ibinagsak ni Crisson ang likod niya sa sahig.

Nakatayo lang ako dito hindi dahil wala akong magawa kundi hindi ako pumapatol sa babae.Hindi kagaya ni Crisson na walang pinipiling kasarian sa pakikipaglaban. Malas lang nila dahil siya ang nakabangga nila dahil hindi na bago kay Cris ang manakit lalo na sa mga babae.

Papunta sa direksyon ko ang dalawa pang miyembro nila. Hindi ko inaasahang hampasin ako ng kahoy sa mukha ng isa. Naramdaman kong nalapnos ang mukha ko pero hindi ko pa rin sila magawang labanan.

Mabuti na lamang lumapit si Cris, kinaladkad silang dalawa sa buhok. Nakakaawa man silang tignan siguro talagang nararapat lang sa kanila yan.

Inagaw ng pansin ko si Lourixxe na nakahandusay sa sahig. Sinesenyasan niya akong lumapit sa kanya. Tumakbo agad ako papalapit. Pulang-pula ang mga lumalim niyang mga mata, gulo-gulo ang buhok niya at nakakapanlumo ang mga pasa niya sa braso at... may hiwa siya sa ibang parte ng katawan. P$$%%## ang mga babaeng ito anong pinag-gagagawa sa kanya!

"Tulungan.. mo ako.." namimilipit ang boses niya. Lumuluha ang mga mata niya.

"CRISSON!" sigaw ko dahil may kakaiba akong napansin kay Lourixxe, nawalan siya ng malay.

Bigla kaming nakarinig ng ingay sa labas. Nagkatinginan kami ni Cris.




Lumapit ako kay Yuri at niyapos siya sa mukha, nakita ko lahat ng bakas ng katarantaduhan nila sa kanya. Kinarga ko si Yuri sa bisig ko. Panatag na ako na katabi siya.


"Hindi pa ako tapos sa kanila pagbabayaran nila ito." Hinalikan ko siya sa noo.


Nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak kaya kinutuban akong mga lalaki ito.

Minadali kong binuhat si Lourixxe para kahit siya man lang ay maitakas pero huli na ang lahat ng makita kong nakahandusay na sa sahig si Johann na walang malay. 


Susunod na nangyari, bumagsak ang katawan ko sa lupa at nanlabo ang paningin ko. Nakarinig ako ng tawanan at mga marurusing na sapatos sa harapan ko.


"Kamusta? Crisson." mayabang na asta ng isang pamilyar na boses.

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Where stories live. Discover now