8th Petal: Rosas

961 8 1
                                    

Chapter 18: Rosas



"What makes you so beautiful is you don't know how beautiful you are to me."


Naglalakad na ako sa street namin ng masilayan ko si Crisson na nakatayo malapit sa gate namin.

Lumapit ako sa direksyon niya at napansin kong gulo-gulo ang buhok niya at namumutla.

Medyo nagulat yata siya.

"Ang aga mo yata?" tanong niya sa akin.

Ako yata ang dapat magtanong.

"Maaga ang uwian dahil may faculty meeting." sagot ko habang pinagmamasdan ko siya dahil parang may mali.

"Bakit hindi ka pumasok sa school at anong ginagawa mo rito?" Napalunok lang siya bilang sagot. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya pero pinilit niya pa ring makapunta rito.

"Okay ka lang ba, Cris?" kinapa ko ang noo niya, para siyang takureng pinapakuluan.

"Para sayo." Inabot niya mula sa likuran niya ang dalawang rosas.

Hindi ko inasahan ang ginawa niya. I really love the idea of roses. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Salamat."

"Tatlo dapat yan kaso hiningi nung isang bata."

"Okay lang." ngiti-ngiti kong sagot sa kanya. I wonder where did he got the idea.

Nakapamulsa lang siya at naniningkit ang mga mata niya. My heart is pounding I never felt any of these before.

"Lourixxe.."

Nanghihina siyang lumapit sa akin at bumagsak.











Nasalo ko siya at nakatayo pa rin kaming dalawa pero seryoso ang bigat niya.



"Cris! Hooooy!" Ginigising ko siya pero nagmemake-sounds lang siya na talagang masama ang pakiramdam.

Anong gagawin ko sa kanya. Hawak hawak ko pa rin yung rosas na binigay niya kanina.

"C-cris.. Umuwi ka - na." Hindi pa rin siya kumikilos, I can feel him breathing on my neck, that gives me chills.

"B-bakit ka kasi pumunta rito, may sakit ka naman pala?" Naka-balance pa rin kami dahil na rin matangkad siya. Naiirita na ako.

"Miss na kasi kita." Umurong yung dila ko. Shit ka, Crisson what are you saying.

Okay.

Tama na Yuri. 

Anong gagawin mo niyan kay Cris?

Pati sarili ko kinakausap ko na. Hindi siya pwede sa bahay, although may chances na wala si mama at alam kong may secret passage way ako. Imposibleng hindi nila ako puntahan sa kwarto at hindi nila pwedeng gawing sikreto ito and I can't make any excuses katulad ng 'bakla' si Cris. It so surreal.

"Paano ka ba nakapunta rito?" tanong ko sa kanya. Inalalayan ko na siya maglakad, palayo sa bahay.

"Naglakad." mahina niyang sagot.



So.. lalakarin natin 2 blocks away..

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt