Final Pieces of Petals

882 4 0
                                    


Hinintay ko si Lourixxe sa harap ng bahay  nila kasama sila Rick.

Maya-maya pa may dumating na kotse at pumarada sa harap ng gate.

Nasa loob si Lourixxe kagaya ng nakasanayan niya nakalugay ang itim at mahaba niyang buhok.

Nakita kong nagtatawanan sila sa loob ng kotse kasama si Mateo.

Nagkuyom ako ng palad at nang-galaiti agad ako sa galit. Alam kong hindi niya magugustuhan ang gagawin ko pero patawarin niya ako hindi ko na mapigilan ang pagka-asar ko sa lalaking yan.

Pagkalabas nilang pareho ng kotse na hindi man lang ako napansin.. Lalo na siya.

Sinunggaban ko si Mateo.

"Kahit kailan talaga ano?!  Di'ba sinabi ko na sayo wag mong lalapitan si Lourixxe?!"

Hinawakan siya ni Johann at Rick sa magkabila tsaka ko siya binigwasan ng marami.

"Cris!  TAMA NA!  TUMIGIL KANA!"

Hindi ko siya pinapakinggan.

Punong-puno na rin ako sa lalaking ito masyado na siyang bida-bida unang arae na lang na makita ko pagmumukha niya.

Matitikman niya galit ko.

"TAMA NA!"

Sinuntok ako ni Lourixxe. Naalala ko yung gabi na tinuturuan ko siyang manuntok.

Pero matagal na rin pala iyon at sa ngayon galit na galit ako.

Tinignan ko siya ng masama. Pati ba naman siya sinukuan na ako.

Naluluha siya at alam kong hindi niya na nagugustuhan ang nangyayari. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya.

Bigla kong naramdaman yung sakit. Talagang pinabayaan ko din siya. Ang tanga ko p*tangina ko talaga.

Nilagpasan niya ako para puntahan pa rin si Mateo.

Kinuha ko ang kamay niya.

"Please... Wag.. Patawarin mo ko.  Wag mo kong iiwan Yuri. "
Naramdaman ko ang malalamig na luha sa pisngi ko.

Tinanggal niya ang kamay niya pero hinigit ko pa rin ang kamay niya at niyakap siya kahit nakatalikod.

Hindi...
Hindi ko siya papakawalan..

"Cris. Tama na..  Intindihin mo ako. "

Umiiyak siya pero ngayon nakikita ko sa mga mata niya na kaya na niya..

Kaya na niya kahit wala na ako sa tabi niya na tapos na talaga kami.

Ako.. Hindi.

Tinanggal niya ang mga kamay ko.

At iniwan akong nakatulala.
Naiwan nanamang mag-isa.

Ha! Ano bang bago?

Pumunta akong mag-isa sa tulay. Iniwan ko sila Rick at Johann binantaan ko silang masasaktan ko din sila kung papakialaman nila ako sa mga susunod kong gagawin.

Nakatayo ako kaharap ang malalim na ilog. Lunurin na lang sana ako kasama ang mga hinanakit na pilit 'kong itinago sa mga tao, maipakita lang na matapang ako na siga ako pero totoo wala akong kwentang tao. Mapagpanggap. Sadista. Makasarili.

Isa..
Dalawa..
Tatlo..

"Hindi mo gagawin yan. You are better than you know. " narinig kong umalingawngaw ang boses niya sa isip ko.

"Ayaw ka na daw niya makita, siguro anak, mas makakabuti iyon para sa inyong dalawa.. pero wag ka mawalan ng pag-asa dahil kung kayo talaga, magkikita pa rin kayo sa huli. Sigurado yun." naalala kong ipinarating sakin ni Minerva.

..............






#BRYACYuriandCris (Official hashtag)

THANK YOU FOR READING

FOLLOW ME AT BBANSI

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Where stories live. Discover now