4th petal: Downfall

717 6 0
                                    

Chapter 24: Downfall

1 week later...

Sabado ng hapon. Napakalakas ng ulan sa labas, damang-dama ko ang patak ng ulan sa bubong at bintana.

Hindi ko mapigilang malungkot kapag naaalala ko kung paano na lang ako baliwalain ni Cris.

Nang dahil sa commited ako sa kanya naging depende ang halaga ko sa ibang tao. He made me special then POOF everytime he ignores me parang ang laking kawalan everything shatters to pieces.

Bumabalik lang yung pakiramdam ko na walang iintindi at walang may pakialam kung buhay ako.

Nag-sketch ako hanggang sa maubos ang kalahati ng notebook ko. Some of my sketches became gloomy.

Bumigat ang pakiramdam ko.

Nakarinig ako ng kaluskos sa bintana ng kwarto ko. Napabalikwas ako para silipin.

Bumungad ang basang-basa na puting t-shirt ni Cris dali-dali siyang pumasok mula sa hindi ko naka-lock na bintana.  May ipinatong din siyang bag na may hulmang gitara sa gilid ng lamesa ko. 

Kumalabog ng konti ang suot niyang sneakers na putikan.

"Anong ginagawa mo rito? " Tinalikuran ko siya at inayos ang pull-over kong suot.

"Sorry. " I don't hear sincerity.

"Ayaw muna kitang makausap. " Hindi ko pa rin siya hinarap. Pinapakiramdaman ko ang kilos niya. Nakatayo pa rin.

"Ano bang gagawin ko para- - " naputol ang sinabi niya ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Tumambad si Mama. Hindi ako nagulat noong una pero naalala kong nandito nga pala si Cris sa kwarto ko.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya at kumunot ng noo.

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Where stories live. Discover now