6th Petal: Inevitable

685 10 0
                                    

Chapter 26: Inevitable


Alas-otso ng gabi ng makalabas na ako ng gate galing school. Kahit anong pilit ni Cris hindi ko pa rin bibitawan ang musika.


Kasalukuyan pa rin akong naglalakad sa kalye. Madilim na talaga ang kalangitan lalong wala ng bahid ng umaga.


Pinagmamasdan ko ang anino ko mula sa aninag ng ilaw-poste.

Natigilan ako ng makita kong walang ilaw ang susunod na kalsada.


Dadaan pa ba ako?


Pero kung hindi paano naman ako makakasakay pauwi?


Lumingon ako sa paligid at nakakita pa naman ng mangilan-ngilang tao na nasa labas din kahit hindi masyadong matao ang lugar na ito.

Wala naman sigurong masamang mangyayari kaya agad kong nilampasan ang madilim na bahagi ng kalye.


Nilakihan ko ang yapak ko. Madilim at halos walang makita kaya natatakot ako dahil na rin naalala ko yung dating gabi pero nilakasan ko pa rin ang loob ko.

Nakalagpas na ako kaya nawala na ang kaba ko. 'Ano ba naman ito masyado naman akong ninenerbyos pero sa susunod talaga hindi na ako maglalakad dito.' Bulong ko.



Huminto ang jeep sa kanto at nagmamadali na akong lumakad pa nang may makasalubong akong grupo ng babae na naglalakad salungat sa direksyon ko. Maingay sila na nagmumurahan at biglang natahimik ng makita ako.


Nasa kabilang side sila ng kalye. Hindi ko sila tinignan sa mata dahil alam ko naman na karamihan sa ganyan ay mahilig mag-angas kahit wala kang ginagawa sa kanila.

Talagang ramdam kong saakin ang atensyon nila kaya nahagip pa rin ng mga mata ko yung isa.


Nagkasalubong na kami pero maya-maya pa nakikita ko ang naglalakihan nilang anino sa harap ko na nag ibig sabihin ay sinusundan nila ako.


Paniguradong nasa likuran ko sila kaya nilakihan ko ang mga hakbang ko hanggang sa tumatakbo na pala ako makalabas lang ng kanto.



"Hoy! Taena'n toh! Saan ka pupunta hah?!" sigaw ng isa hindi ko malaman kung ako ang sinasabihan niya.

"Malandi ka! Kala mo matatakasan mo kami!" Ako pala talaga ang punterya nila. They're raging in fear and indeed madness.




Hinihingal na ako sa pagtakbo. Malapit na ako ng may humigit sa buhok ko kaya napa-atras ako at tumilapon sa gilid ng kalsada. Nagsimula akong manginig sa takot.



Naunang tumama ang braso ko kaya napa-pikit ako sa sakit.



Lumapit ang isang naka-short at maputing babae at bigla na lang akong binigwasan sa mukha ng pagkalakas. Muli akong natumba at nandilim na ang paningin ko.


Nakaalis na ang sasakyan ko pa sanang jeep.



"Crisson..."







Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Where stories live. Discover now