1st Petal: Distinct Worlds

7.5K 99 1
                                    

JUNE 3, 2013 8:45p.m.

Maingay, magulo at nagkakagulo ang mga naghihiyawang tao. Sinisigaw nila ang mga taya nilang tao.

Dumudugo at humahangos na ang binatang baguhan sa beterano na nyang kalaban.

"... kaya mo pa ba Crisson? Pagpalain ka sana sa susunod mong kalaban hehe." Usad ng may edad ng lalaki sa harap ng disi-otso anyos na lalaki na na may hiwa at pasa na ang mukha.

Binugahan siya nito ng usok habang binibilang ng mama ang mga pera sa kanyang kamay.

"Manahimik ka na lang at isalang mo na ang kalaban ko." Tumayo na itong muli sa ika-apat na pagkakataon muli nanaman siyang makikipag-bunuan.

Sinindihan niya pa ang isang sigarilyo sa bibig niya.

"Hoy! Ikaw ulupong! Wag ka na ngang madada diyan. Ikaw ang gugulpihin ko." Tirada ni Rick na sumusuporta sa kaibigang si Crisson.

"Oo na. Magkano ba ang pusta at kanino?" Tanong nito at inihanda na ang listahan.

"Gawin mo ng tatlong libo." Inabot ng binatang nakasalamin na si Johann ang pera.

"O, sige na. Banatan mo na." Hinudyatan na si Crisson nito.

"Pre, kaya mo yan!" Paalala ng barkada bago ito umalis sa harapan nila.

Pumwesto na siya sa gitna.

Nasa harapan na niya ngayon ang dambuhalang makakalaban niya.

"Aba! Pvt@, bakit ang tanda naman na yata ng makakalaban niya?!" Namilog ang mata ni Rick sa sulok. Hinigit niya ang damit ng taga-lista.

"P-pre, bakit nga ba tayo nandito?" Tanong ni Rick.

"Para tulungan si Crisson."

Sinuntok siya ng kalaban at agad siyang tumilapon. Nabawian niya pa ito ng sikmuraan niya at nagawa siyang hawakan sa ulo.

"Anong ginagawa mo? Gusto mo bang wasakin ko lahat ng buto mo?" Nagpapatawang sinabi sa kanya nito.

"Ang daldal mong buwaya ka." Nang-gagalaiti niyang sinabi.

"Aaaaargh!!!!"

Tumilapon nanaman si Crisson sa sahig.

"Napakatapang pero napaka-barumbadong bata." Umalis ito sa harapan nila Rick at Johann.

Naging magulo ang pananaw ni Cris. Hindi na siya makatayo at hinihingal siya ng walang tigil.

"Hoy, tumayo ka diyan!"

"Ano, Kaya mo pa? Kaya pa ba ng katawan mo."

Dinig niya pa rin ang mga taong nakatayo at nakapaligid sa kanya.

'Oo, kung sa pisikal na pangangatawan pero ang pasakit ng kanyang buhay, dehado na.'

|•| | | | | | | | | | | | | | |



Napasilip sa labas ng bintana ng kotse ang babaeng may mapungay na mga mata , tikom ang bibig, at blangkong ekspresyon.

Pinag-masdan niya ang green-white painted na building.

"Goldstein Academy.."

Tumigil na ang sakay niya at lumabas siya ng kampante na na may halong kaba.

Lourixxe


Nagtungo na ako sa loob ng campus at nakita ko ang bulletin board at hinanap ko agad ang pangalan ko.

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Where stories live. Discover now