8th Petal: Losing Grip

749 6 0
                                    

Chapter 28

Pinaghanap-hanap namin siya kahit saan. Ngunit magkahiwalay ng Mama niya.
Kasama ko si Rick at Johann na tumutulong din sa akin.

Ramdam kong masama ang loob ng Mama ni Yuri dahil kahit ano pang sabihin ko sa kanya ay ayaw niya pa rin akong paniwalaan at alam ko naman iyon.. na hindi niya ako mapagkakatiwalaan lalo na sa anak niya. Ang kaisa-isang natitirang pamilya niya.

Una, pinagtanong namin siya sa mga bahay sa subdivision. Nagpaprint ako ng mga litrato niya para mas madaling malaman ng tao ang itsura niya. Pero kahit isa walang nakakita.

Naupo ako sa bakanteng lote habang tirik na tirik ang araw at tagaktak na ang pawis ko. Napaka-init ng panahon pero wala pa rin akong aaksayahing oras. Hindi ako mapakali  sa pag-aalala sa kalagayan ni Yuri o kung nasaan man siya.

Napatitig ako sa pinaprint kong litrato niya. Nakasimangot siya halatang hindi rin marunong ngumiti gaya ko at wala ring pakialam sa mundo. Akalain ko ba naman na magiging kami lalo na may pagkaparehas ang ugali namin. Naalala ko yung una kong halik sa kanya..

Miss ko na siya at nag-aalala na ako ng sobra. Ano ng nangyari at nasaan ka Yuri?






Lourixxe

Ginising ako ng napakalamig na buhos ng tubig. Bumalik ako sa kamalayan ko at hindi ako maigalaw ang mga nangangalay na mga kamay ko. Nilingon ko ang paningin ko pero wala akong makita at marinig kundi puro tawa ng mga babae.

Nakaramdam ako ng sampal sa mukha na halos mapirat ang pisngi ko.

"Hoy! Gising na yung bruha!"

"Oh? Sa'n?"

May tumutok na nakakasilaw sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko.

Naaninag  ko ang anino ng limang tao sa harap ko. Medyo namukhaan ko ang babaeng nasa gitna nila. May pahaba siyang peklat sa pisngi. Ang katabi naman niya nakatali ng magulo ang buhok at masamang nakatingin sa akin ang iba pa.



"S-sino kayo?" nanginginig kong tanong.



"Hindi mo kami kilala pero kilala ka namin. May malaking atraso si Crisson sa amin at ikaw ang magbabayad."

Kinakabahan ako sa susunod na gagawin nila. Damang-dama ko ang pintig ng puso ko.

Anong kinalaman ni Crisson dito? At bakit siya kilala ng mga ito?







Tumatangis ako habang iniinda ang sakit ng mga pagpalo sa hita ko.

Puro sugat ang buong katawan ko. Hindi ko na ito magawang maigalaw. Pagod na pagod na ako.

Pangatlong araw na nila akong pinapahirapan ng paulit-ulit, binubuhos nila ang galit nila sa akin.

Naliligo ako sa pawis at lagkit. Hinding-hindi na ako komportable. Hinatak ako ng isa sa buhok at inilublob ang buong ulo ko sa isang drum na may malalim na laman ng tubig.



Nagpupumiglas na ako dahil hindi na ako makahinga. Walang humpay na tawanan ang naririnig ko.



Itinapon ako sa isang tabi. Nanlalambot, nagugutom at nanghihina.


"Napagod ako sa hayop na 'yan!" sigaw ng isa.


Dinadamdam ko ang mga nangingitim kong mga pasa sa braso at tuhod pati na rin ang mga hiwa ng blade. Hindi tumitigil sa pagpatak ang luha ko.

Ilang araw pang ganito sigurado akong dito na ako mamamatay.

Ma? may ginagawa ka ba para mahanap ako? O wala ka pa rin sa sarili mo?

Crisson? Nasaan ka na? Bakit kilala ka nila at may kinalaman ka ba sa nangyayari sa akin? Hinahanap mo ba ako o baka napabayaan mo nanaman ako.

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Where stories live. Discover now