5th Petal: Close

723 25 1
                                    

Chapter 25: Close

"Minerva! Tawagin mo si Vince may nakapasok dito sa bahay!" nakikisabay ang boses ni mama sa ulan at kidlat.

"Ma! No, he's my boyfriend." Hinarang ko ang sarili ko kay Crisson.

"Boyfriend?.." kumunot ang noo niya, I saw her forehead wrinkled too.

"Why do you even need one? Bakit kailangan niyang umakyat sa bintana mo at basagin ang mga gamit sa ibaba? Hindi ka ba marunong pumili, Yuri?" galit ang mga mata niya. Palagi naman siyang ganyan hindi niya ako tinatanong kung ano na bang nangyayari sa akin kung kamusta sa school tapos ngayon papakialaman niya ako? She actually lose her self in the process.

"Dahil kailangan ko ng atensyon." pagsagot ko sa kanya.

Pagkatapos kong magkapag-aral aalis na ako dito. Oo, iiwan ko siya.

"Tumigil ka, Yuri!" Pumasok na siya sa loob ng kwarto ko at hinigit ako sa braso.

"Umalis ka dito o tatawagin ko ang mga guard sa labas!" pagbabanta niya kay Cris na hindi pa rin gumagalaw sa harap ng bintana.

Wala man lang ba talaga siyang gagawin?

Dumating si Vince na nagmamadaling pumasok sa kwarto.

"Ma'am nasaan ang akyat-bahay?!" tinuro ni Mama si Cris kaya agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay.

Tinitigan siya ni Crisson.

"Teka, kilala kita." bulong ni Vince.


"Ilabas mo na yan at ipa-ban dito sa village natin!" Tuluyan na silang lumabas sa kwarto kaya naiwan kami ni Mama.


"Boyfriend? Mukha siyang basagulero at barumbado!" she rage in anguish pero nagawa ko pa rin siyang sagutin.

"Ma, you don't know anything about him!" kinalas ko ang kamay niya at hinabol sila Crisson.


Pagkalabas ko ng bahay nakita kong nag-usap pa ng konti si Vince at Crisson. Lumabas ako ng gate at pilit na gustong abutan si Crisson.


Akala ko ba ayaw mo na siyang makausap? I miss him so shut up.

Hindi niya alam na sinusundan ko siya kaya 

"Crisson!"

Tumigil siya kaya huminto rin ako. Rinig ko ang pag-tibok ng puso ko.




"Anong nangyari nitong nakaraang araw?" panimula ko kay Crisson na may kaunting distansya mula sa kanya.

Nakaupo kami sa tuyong konkreto habang pinagmamasdan ang pagbaba ng araw.

Niyapos niya ang buhok niya at tumingin sa baba.

"Dumating yung tatay ko.."

"Anong nangyari?" Tinitigan ko pa siyang mabuti para mag-sabi pa sa akin.


Ngumisi siya at yumuko. "Ang gulo, Yuri.... Ang gulo-gulo na." ginulo niya ang buhok niya.


"Hindi ba nila naiisip na nahihirapan din ako. Sino ba talaga ang walang kwenta ako o sila?" nagsalubong ang mga kilay niya pero hindi pa rin ako magawang lingunin.


Mahabang katahimikan. Pinagmasdan namin ang tahimik na paglinaw ng ulap mula sa naganap na pag-ulan kanina.



"Hinanap kita nag-alala ako sayo." tugon ko.


"Alam ko." tipid naman niyang sagot. Gusto ko pa sanang dugtungan niya ang sinabi niya.


"Namiss din kita." Nagkasalubong ang mga mata namin kaya nakita ko kung gaano kalalim ang mga mata niya. Palagi namang malalim ito pero yung ngayon dahilan na yata ng sobrang pagod.


"Sorry." Ramdam kong nadidismaya nanaman siya sa nangyari. Sinisisi nanaman niya ang sarili niya.


I sighed. Lumapit ako sa kanya to fill the inches between us.


"Wag ka na mag-sorry. Naiintindihan ko pero sana nasabi mo rin sa akin ang mga bagay  na bumabagabag sayo. Hindi ka nag-iisa Crisson and I'm not just a girlfriend pwede mo rin akong sabihan." tumango lang siya na talagang nakikinig.


"Kaya mong malagpasan ang lahat dahil kung gaano karami ang pasakit na ibinibigay ng buhay sa atin ganoon ka rin magiging malakas." pagpapatuloy ko 

"Kailangan kong ipakitang malakas ako sa mundo. Kahit tinatapaktapakan na ako ng nararamdaman ko minsan." Hinawakan ko ang braso niya para malaman niyang nandito ako para makinig.


"Yes, matapang at malakas ka. Lahat naman kami alam yan pero minsan mas makakabuting ipakita mo rin yung kabutihan mo sa ibang tao atsaka.."


"Kahit ganyan ka..." I paused.


"I still love you no matter what." Inayos ko ang nagulo niyang buhok.


Nagtama ang paningin namin.


We never kissed before pero I felt the passion when I saw his eyes ignite while I can see my own reflection on his own eyes.


I gulped.


Hinawakan niya ang mukha ko at inilapit sa kanya. In seconds, nag-dampi ang labi namin.


I take in his heavy and strong breathes amidst in our kiss.


Nilayo ko na ang mukha ko. Ramdam kong namumula ang pisngi ko ngayon.


"A-Ang ganda yata ng bagong gitara na binili mo. Sana hindi ikaw ang makasira." natawa ako kunwari at hindi makatingin kay Cris.



"Iniiba mo lang usapan eh." pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.


.

"Akala ko itatanggi mo ako sa ermat mo." nagiging isang guhit ang mga mata niya.


At sa sandaling iyon nabalot ulit ng kasiyahan ang paligid pati pakiramdam ko.


"Hindi ko gagawin iyon hindi kita itatanggi kanino man."


These words kept flowing from my mouth. Kanina lang gusto kong magalit sa kanya pero wala e. Natalo nanaman ng puso ang utak.


Marami pa kaming napag-usapan at marami ring tawanan ang naganap ng maayos ang lahat sa aming dalawa ni Cris.


Akala ko magiging ayos pa rin ang lahat sa bawat araw na makakasama ko siya pero nalaman kong hindi ng dumating ang araw na iyon.




Authors Note: Hi! Everyone kung hanggang ngayon binabasa mo itong BRYAC if ever na hindi ka tinatamad can I receive votes? Thanks haha. Highly appreciated konti na lang matatapos na itu. <3 Sana comment na din ^_^

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Where stories live. Discover now