CHAPTER 1

469 73 19
                                    

"Bish kung about sa fashion ang i tayo natin?" Tanong ni Gabby sa kaibigang si Rynnah, nasa bahay sila ngayon ni Gabby at abalang nag bra-brainstorming para sa kanilang thesis

"Pero mas okay parin siguro ang food baby, kasi primary need ng tao yun. Mas papatok parin" suwesyon ni Zhiek

"Kung sabagay, kaya lang kasi for sure marami ng mag iisip ng food businesses" muling komento ng nobya ni Zhiek na si Gabby "Ano sa palagay mo Bish?" Muling tanong ni Gabby ngunit parang walang narinig ang dalaga at patuloy lang ito sa pag tap sa ballpen nya. "Bish?" Sabay yugyog ni Gabby sa kaibigan

"Ha? A-ano yun?" sa wakas na tanong ni Rynnah ng bumalik sa kasalukuyan ang pag iisip. Mag simula pa kanina ay hindi na sya mapakali buhat sa natanggap na picture, una nyang duda ay si Carrie o ang ina nitong si Anika, dahil ito lang ang may motibo. Pero hindi pa sya nakakasigurado dahil baka naman prank lang iyon.

"You're spacing out bish. Anong problema?" tanong ng kaibigan

"W-wala naman bish" maang ng dalaga

"Hey, im your friend okay. Alam ko kung okay ka o hindi" saad ni Gabby

Bumuntong hininga ang dalaga, nag dadalawang isip sya kung kailangan nya pa bang sabihin ito dahil hindi naman sya nakakasigurado na totoong banta sa buhay nya ang natanggap na babala

"Ano kasi bish, I-i received something sa locker ko" panimula ng dalaga

"Omg? Engagement ring na ba yan?" pag putol ni Gabby sa kaibigan

"N-no" mabilis na sagot ni Rynnah "here" kinuha nito ang natanggap na picture na inilagay nya sa bag, sabay abot nito sa mag nobyo

Kinuha iyon ni Gabby at sabay sila ni Zhiek na tinignan ito.
Napatakip sa bibig si Gabby gamit ang kaliwang kamay sa pag ka bigla

"May nag babanta sa buhay mo?" Tanong ni Zhiek "matagal na ba to?"

"Kanina lang pag pasok ko, ngayon ang unang beses na makatanggap ako ng ganyan" saad ni Rynnah

"Alam na ba to ni Blake?" Tanong ni Gabby, umiling si Rynnah bilang sagot. Ayaw na nha sannag sabihin iyon sa nobyo dahil ayaw na nyang mag alala pa ito at makadagdag sa iniisip. Batid ng dalaga ang sobrang pagod at stress ng binata sa opisina kung kaya't minabuti nya na huwag munang sabihin ito hanggat hindi pa sya sigurado na banta nga ito sa buhay nya o baka may nan tritrip lang sakanya sa school.

Kumunot ang noo ni Zhiek at nag isip "may suspetsa ka na ba?" tanong nito

muling huminga ng malalim si Rynnah "wala naman akong naka away. Ang huling tao lang naman na naka samaan ko ng loob ay si Carrie"

"Tingin mo ba magagawa ni Carrie to?" tanong ni Gabby

Maging sya ay hindi sigurado dahil kahit papano ay naging kaibigan nya si Carrie at alam nya na wala sa kapasidad nito ang gumamit ng ganitong taktika kung kaya't ayaw nyang mag bintang "siguro, baka, pwede. Hindi ako sure, at saka kung sya bakit naman ngayon lang? Ang tagal na nyang wala at ang tagal na nating walang balita sakanya"

"Kailan mo balak sabihin kay Blake to?" Muling tanong ni Gabby

"Kapag sigurado ko ako, baka mamaya nag oover reacting lang ako at mamaya trip lang pala to." saad ni Rynnah

"But bish, mag iingat ka ha" paalala ni Gabby sa kaibigan

"I will, saka safe naman sa condo maraming bantay. Pero ang inaalala ko lang, kung totoo to baka damay ang buong pamilya ko." Isa pa ito sa kanina pa pinag iisipan ng dalaga, kung prank lang ito ay bakit kasama pa ang mga magulang nya sa picture at parang ginegeneralized silang buong pamilya dahil sa salitang Lopez na nakasulat sa likod ng larawan, kung maaari naman na pangalan nalang nya ang isulat doon.

Dear Present #Wattys2016Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora