CHAPTER 8

338 62 6
                                    

"Septor sabi ni Dante nasa isang restaurant malapit sa condo daw sila Lopez" saad ni Santiago, pag tukoy sa isang tauhan na in-assign para pumalit muna sakanya sa pag babantay "Itetext nalang daw nya exact location"

"Sige." saad ng inspector habang abala sila ni Diaz sa pag pili ng mga baril na dadahil.

"Tingin mo bebang bakit kaya hindi agad sinabi sayo ni Ocampo na kasangga natin sya?" tanong ni Diaz

"Tatanong ko mamaya, wag kang excited." saad na pabalang ng inspector

"Septor, alam ko na exact location. Tara na?" aya ni Santiago

"Woiii bebe ko, alam mo bang pinapatulong din ako ni chief dyan sa misyon nyo?" singit ni Matthew Riva habang mabusisi paring tinitignan nila Diaz at Rodriguez ang mga baril

"Edi wow" walang ganang saad ni Rodriguez

"Kapag nag kataon lagi na tayong mag kasama" wika ni Riva

Tumaas ang isang kilay ni Bei at napatigil sa pag tingin sa baril na hawak "at bakit naman lagi kitang makakasama? Kung sila Santiago nga hindi ko nakakasama dahil may kanya kanya kaming toka"

"Ayeii curious sya! Basta bebe ko. Ikalma mo ng slight makakasama mo na ko lagi" ngiting tagumpay na saad ni Riva

Ngunit hindi na ito pinansin ni Bei dahil kailangan nya ng puntahan si Lopez dahil kinukutuban sya ng masama kahit pa nakasisiguro sya na nandun si Ocampo at mga tauhan nito. Kailangan nyang makausap ang binata para malaman kung anong plano nito. Marami syang tanong dito dahil batid nya na dalawang taon na itong nag mamanman kay Lopez

"Bahala ka sa buhay mo Riva. Kwento mo nalang yan sa bumbilyang nabasag ni Santiago" tinalikuran ni Bei si Riva dahil wala syang gana na pahabain pa ang usapan nila

"Anong ako nakabasag! Ikaw kaya ang bumaril don!" Depensa ni Santiago

"Psh ikaw nag utos tapos mag mamang maangan ka" walang gaang saad ni Bei. Ngunit parang may kung anong pumitik sa utak nya ng may mapag isip isip. Napalingon sya kay Santiago at napansin ng dalaga na nakakunot ang noo nito. Wari'y may ideya ding napagtanto ang dalaga

Nag tama ang paningin ng dalawang dalaga. "Hindi kaya mayroon lang ding nag utos sakanila?" pag tukoy ni Santiago sa tinuturong head ng isang spy na nahuli nila. Isa sa mga tanong na sumagi sa utak nito ay kaya ba hindi pinapatumba at pinamamatyagan lang si Lopez ng tinutkoy na head ng mga spy ay dahil ito lang dib ang utos sakanya? Kung gayon ay mayroon lang ding tao sa likod ng may kaedaran ng babaeng nag uutos sa mga spy sa paligid ni Rynnah.

"Tingin ko din" singit ni Abad "Dahil kung ikaw ang mastermind, mag papakita ka ba sa mga inuutusan mo? Gayong alam mong madali ka lang maituturo ng mga ito? Syempre . . . mag uutos ka lang din sa iba."

Dear Present #Wattys2016Donde viven las historias. Descúbrelo ahora