CHAPTER 21

221 17 10
                                    

"Miss Rynnah" bati ng secretarya ni Blake.

Ngumiti naman ang dalaga sa babaeng kaharap "Nasa loob ba si Blake?" tanong ni Rynnah pag tukoy sa kung nasa opisina ba ang nobyo. Nakailang tawag na ito kay Blake ngunit hindi sumasagot ang binata. May usapan sila na susunduin sya ng binata ngunit mukang nakalimutan na ito, unang beses na maka kalimot si Blake ng lakad nilang dalawa. Ngunit inisip nalang ni Rynnah na baka busy lang talaga ang nobyo kung kaya't hindi na naharap na sunduin pa sya

"W-wala po maam, orientation po kasi ngayon ng mga mag iintern sa company. Nandoon po si Sir Blake" tiim na sagot ng sekretarya

Napanguso naman si Rynnah sa sinabi ng kausap dahil wala syang naaalala na nabangit ito sakanya ni Blake. Iniisip ni Rynnah kung nag kita kaya ulit si Carrie at Blake ngunit nag kibit balikat lang sya at inisip na sa dami ng mag oojt sa kumpanya nila Blake ay hindi na siguro nito mahaharap pa na isa isahin kausapin ang mga intern.

"Kanina pa ba nag start yung orientation?" tanong ni Rynnah

Chineck naman ng sekretarya ang isang ipad "Opo maam, kanina pa po baka pabalik na din po si Sir Blake nyan" saad nito

Muling sumilay ang mga ngiti sa labi ni Rynnah ng marinig na malapit ng bumalik ang nobyo, malapit na syang umalis ng bansa kaya mas lalo nyang sinusulit ang oras na makasama si Blake dahil paniguradong mamimiss nya ito.

"Sige, mag hihintay nalang ako sa office nya" masayang saad ni Rynnah

Nag aalangan naman ang sekretarya kung kaya't mabilis nitong pinigil si Rynnah "A-aahhh kasi maam Rynnah medyo magulo pa po dyan" saad nito

Napahinto naman sa pag lalakad ang dalaga at hinarap ang kausap "Huh? Bakit?" 

"Ahh, may inaayos po kasi" 

Ngunit nag kibit balikat lang ang dalaga at tuluyang pumasok sa opisina ni Blake, tumambad sa dalaga ang dalawang lalake na nag aayos ng isang bagong desk malapit sa may pintuan. May distansya naman ito sa lamesa ni Blake na nasa may bintana, ngunit ang ipinag tataka ni Rynnah ay kung para kanino ang isa pang lamesa na inaayos ng mga ito.

"May makiki share sa office ni Blake?" tanong ni Rynnah

"Hindi ko po alam Miss Rynnah, pero inutos mo yan ni Sir Blake kanina nung tumawag sya" sagot ng kausap

"Tapos na rin po kami dito maam" wika ng isa sa nag aayos ng table

"Ahh sige, iwan nyo nalang muna ako dito" puno parin ng pag tatakang wika ni Rynnah.

Nang makalabas ang mga tauhan ay agad nilapitan ni Rynnah ang table na iniaayos kanina ng dalawang lalake. Binusisi nya ito kung kayat maging ang mga drawer nito ay pinakeelamanan nya. Ngunit walang anumang gamit doon na may pangalan manlang kung sino ang gagamit ng table na yun.

Hindi na mapakali si Rynnah sa pag hihintay kay Blake, kanina pa sya palakad lakad sa opisina at patuloy na iniisip kung sino ba ang pwedeng maki share sa opisina ng nobyo.

Napalingon ang dalaga ng mag bukas ang pinto ng opisina

"And this is my office, and here is your desk" patuloy na saad ng binata na hindi agad napansin ang prisensya nya "L-love" gulat na sambit nito ng makita si Rynnah na nakatayo malapit sa desk nya. Agad itong nilapitan ni Blake at nakangiti namang humalik si Rynnah sa pisngi nito "I-im sorry medyo na late ako, p-pero susunduin na sana kita" 

"It's okay, alam ko na busy ka" sabay sulyap ni Rynnah sa pamilyar na babaeng kasama nang nobyo na pumasok sa opisina. Kahit ibang iba na ang pustura nito ay hinding hindi nya makakalimutan at hindi sya pwedeng mag kamali kung sino ito "Hi Carrie" pilit na bati nya

Dear Present #Wattys2016Where stories live. Discover now