CHAPTER 4

348 68 27
                                    

Nakabusangot si Rodriguez na nakaupo sa likuran ng sasakyan habang binabaybay ang daan papuntang eskwelahan, kagaya ng dating gawi ihahatid ni Blake si Rynnah, nakapwesto din ang mga tauhan ng dalaga na ikinalat sa iba't ibang pwesto.

Act normal yan ang utos ni Bei kila Rynnah, naalis na rin ang bagabag ng mga ito at nag simula na silang maging kampante.

Palinga linga naman ang naka ngising si Blake buhat sa salamin na sinusulyapan si Bei.

"Tangna mo Alcantara subukan mong ituloy yang tawa mo bibigwasan kita" banta ni Rodriguez

"Anong trip mo?" tanong ni Blake habang pinag mamasdan ang porma ni Bei buhat sa salamin

"Aish! Tangna ni Riva, sa dami ng identity bat ganito!" paninisi ni Rodriguez kay si Riva na hindi naman nila kasama.

"Pero alam mo, walang mag dududa na kamag anak ka ng nanay ko dahil sa kilos, pananalita tapos sinama pa yang get up mo" dagdag ni Rynnah

"Anong trip ng nanay mo Lopez!? Bat nya naisipang maging ganito?" nag titimping saad ni Rodriguez.

"Grabe ka, noon lang . . . iba na sya ngayon ng very very slight" depensa ni Rynnah

"I'll pick you up later, bye love" sabay halik ni Blake sa noo ng dalaga at saka bumaling kay Bei "paki ingatan si Rynnah, salamat Rodriguez"

"Aish! Sino ba nag pauso ng jowa ipapatumba ko kay Santiago!" kunot noong saad ni Bei at saka bumaba ng sasakyan.

Inilabas naman ni Blake ang tawang kanina pa nya pinipigilan. Para syang namamalikmata nang makita si Bei kaninang umaga. Dahil para sya dupe ng nanay ni Rynnah

Biglang nag bago ang rehistro ng expression ni Rodriguez pag ka baba ng sasakyan. Dahil mag sisimula na ang pag papanggap nya. Muka sa maangas na pulis na ngayon muntangang estudyante

"Tara na insan" aya ni Rynnah sakanya. Na briefing na nya ang dalaga patungkol sa identity nya

Nag lakad ang dalawa papunta ng gate ng eskwelahan. Namataan ni Bei si Milla na isa sa guard na nakabantay sa mga pumapasok. Napangisi si Bei sa bilis ng galaw ng mga tauhan nya. Kampante sya na nakakalat na din sa loob ng eskwelahan ang ilan sa mga kasamahan ni Milla.

"Saan tayo pupunta insan? Direcho pasok na ba tayo? O direcho labas pauwi na? Nakakatamad mag aral e" saad ni Rodriguez na hinahabol ang mabilis na nag lalakad na si Rynnah

"Sa locker muna, nandun sila Gabby. Ipapakilala kita" saad ni Rynnah. Umakto ang dalawa ng naayon sa napag kasunduan

Nag lakad sila patungo ng locker area. Pinag titinginan naman ng mga taong nasa hallway ang bagong salta na si Vern Apostol.

Nang makarating sa locker room ay agad nilang nakita si Gabby at Zhiek

"Pffft" pigil na tawa ni Zhiek

"Kinginang yan Ford, lunukin mo yang tawa mo kung ayaw mong masikmuraan." inunahan na agad ni Bei si Zhiek

"Pffttt" halos lumobo na ang pisngi ni Ford sa hangin na pinipigilan nya, konti nalang ay lalabas na talaga ang tawa nya

"Lunukin mo yang tawa mo, isa" babala ni Rodriguez

Tinignan naman ni Gabby ang pinsan mula ulo hanggang paa "Bat ganyan ka . . ." ngunit bago matuloy ng dalaga ang sasabihin ay agad syang pinutol ni Rynnah

"Si Vern Apostol pala, pinsan ko. P-pamangkin sya ni nanay, dito na nya itutuloy yung senior year nya" saad ni Rynnah

"Huh?" Takang tanong ni Gabby "ahhh, I see" saad nito ng maintindihan kung anong ginagawa ng pinsan "im Gabby, nice to meet you Vern" kunwaring pakilala ng dalaga

Dear Present #Wattys2016Where stories live. Discover now