CHAPTER 19.1 (Alpha's revelation)

194 17 15
                                    

Alas tres ng madaling araw, nag sindi ng sigarilyo ang dalaga habang nag hihintay sa isang eskinita na dadaanan ni Rissa. Siguradong sigurado sya na dito tutuloy ang kanina pa inaabangan, dahil sa makailang beses na nya itong na tyempuhan dito noong bago pa nya malaman na ang dalaga ang pumupuntira kay Lopez. Matagal ng may nalalaman ang dalaga patungkol sa kapatid ng Septor sadyang tyumempo lang na kabilang si Rissa sa grupo ni Bryze.

Agad nyang tinapon ang sigarilyo at tinapakan ito ng mamataan na paparating na ang kanina pang hinihintay at bahagyang nag tago sa isang poste na tanging nag sisilbing ilaw sa napaka dilim na daan. Napahinto si Rissa ng makaramdam na may ibang tao sa paligid

"Sino yan?" tanong nito habang hawak hawak ang bahagi ng kamay na natamaan kanina ng baril. Nalagyan na nya ito ng benda ngunit patuloy parin ang pag dugo nito dahil hindi maayos ang pansamantalang nilunas nya. Matapos ang engkwentro ay nag palipas muna ng oras si Rissa dahil alam nya na hahanapin sya ng amo na si Bryze dahil sa ginawa nya kanina. "Sino sabi yan?" takot na tanong nito dahil kung kalaban ito ay hindi sya handa lalo pa't hindi nya magagamit ang kamay.

Meow sabay labas ng isang pusa, nakahinga naman ng maluwag si Rissa "Pusa lang pala, kinabahan ako don" saad nito sa sarili. Muli nyang pinag patuloy ang pag lalakad ng bigla nalang syang nakaramdam ng kirot sa binti, nagulat nalang sya ng umagos na ang dugo dito, "Silencer" humahangos na bigkas nito, lumabas buhat sa pinag tataguan ang dalaga na gumamit ng baril na may silencer. Bubunot pa sana ng baril si Rissa ngunit huli na ng sipain sya ng malakas ng babaeng kaharap. Pinilit iniangat ni Rissa ang ulo buhat sa pag kakasubsob sa lakas ng sipa sakanya para kilalanin kung sino ang babaeng bumaril sakanya "I-ikaw?" saad nito

"May ibibilin ka ba?" tanong ng dalaga ng bigla nitong hablutin ang buhok ni Rissa.

"W-wag, wag mo kong patayin. Susuko ako" takot na takot na pakiusap ni Rissa

"Ano namang mapapala namin kung sumuko ka?" saad ng dalaga sabay sampal kay Rissa na syang naging dahilan kung bakit nabangasan ito.

"K-kilala kita" pilit na sambit ni Rissa kahit hinang hina na sya sa lahat ng patong patong na sakit na nararamdaman.

Gigil na nilamutak ng dalaga ang muka ni Rissa "Malamang kilala mo ako, alam ko naman na kilala mo na kaming lahat na tumutugis sayo" tumayo ang dalaga at ikinasa ang baril na hawak saka itinutok kay Rissa "Dapat lang na mamatay na ang gaya mo, huwag kang mag alala susunod na ang amo mo na pumatay sa kapatid ko!" 

"W-wag!" habol hiningang pag mamakaawa muli ni Rissa "Hindi si Bryze ang pumatay kay Yvonne" 

Nanlisik ang mga mata ni Ysseal sa narinig, matagal na nyang gustong malaman kung sino ang pumatay sa kapatid nya. Ngunit nito lang sya nag karoon ng lead na may malaking tao na humaharang para tuluyang maibasura ang kaso ni Yvonne at napag alaman nya na si Bryze ito.

Lumuhod si Abad at mas lalong itinutok ang baril sa ulo ni Rissa "Sino?" tanong nito "SINOOOOO!?" sigaw nya

"Ang kapatid nya" walang prenong sagot ni Rissa

Mas lalong nang galaiti si Abad sa sinagot sakanya, mas lalo nitong idiniin ang hawak na baril sa ulo ni Rissa "Pinag loloko mo ba ko? Si Beverly?! TANGINA KA AH!" gigil na wika nito

"Matagal pinag takpan ni Bryze ang kaso" palunok na saad ni Rissa "M-myembro si Yvonne ng grupo namin"

"SINUNGALING" agad na putol ni Ysseal

"Noong araw na yun. . ."  ngunit bago pa tuluyang makapag salita si Rissa ay kinalabit na ni Ysseal ang baril na syang tumapos sa buhay ni Rissa. Ayaw nyang maniwala, ayaw nyang makinig mas gugustuhin nyang alamin ng kanya ang totoong nangyari.

Tumawag si Ysseal sa isang network at nag tip na may pinatay saka nya binigay ang address. Iniwan ni Ysseal ang katawan ni Rissa at saka tuluyang umalis sa lugar na iyon. Hindi sya pwedeng basta mag padalos dalos at kailangan nya pang mas lawakan ang isip patungkol sa bagay na ito.

Saglit syang huminto sa isang lugar para sunugin ang gloves at simcard na ginamit.

---

Sa kabilang banda ay hindi parin makapaniwala si Bei sa sinabi ng kaibigan

"Lalabas na ako ng hospital" saad ng septor

"At tapos ano? Susugurin mo yung kapatid mo para tanungin?" singhal ni Santiago "Mag isip ka nga"

"Ilabas mo ko Ziel" walang emosyong saad ni Bei "Kung totoo nga na ang kapatid ko ang gumawa nito, hindi sya abswelto sa kasalanan nya." tuloy tuloy na wika nito 

Bago pa man makasagot si Ziel ay tumunog ang phone nito "Hello?" sagot ni Santiago sa cellphone. "Anong room? Sige pupunta ko" sabay baba ng tawag

"Sino yun?" tanong ni Bei

"Si Milla, nailipat na daw si Vyo sa kwarto pero si Diaz critical parin" wika ni Ziel "Pupuntahan ko muna si Vyo"

"Sasama ako Ziel" pilit ni Rodriguez

"Huwag na, kailangan mo ng pahinga" sagot ni Santiago

nagulat ang dalawa ng pumasok ng kwarto ang nag mamadaling si Cashh, agad nitong kinuha ang remote ng tv sa kwarto ni Septor. Maging si Cashh ay nagulat sa napanood habang nag hihintay sa nurse station kung kaya't agad syang bumalik sa kwarto ng septor

"Ano bang problema mo?" tanong ni Santiago

Binuksan ni Cashh ang tv at inilipat sa channel ng balita. "Panoorin nyo to" saad nya

Nagulantang si Rodriguez at Santiago sa balitang napanood

"Sya yung babae" saad ni Bei

"Sinong pumatay kay Rissa?" sabat ni Ziel

"Sinong Rissa?" tanong ni Bei

"Yang babaeng yan na pinangalanan ni Mrs Lopez. Myembro sa grupo ng kuya mo"sagot ni Santiago

"Ziel ilabas mo na ko ng hospital na to!" ma awtoridad na utos ng Septor.


----

A/N:

Yes Chapter 19.1 kasi may .2 pa! Ganyan naman, hindi makuntento sa 1 lang. Charowts! :)))

Goodnight


Dear Present #Wattys2016Where stories live. Discover now