CHAPTER 19.2

276 14 14
                                    

Agad tinignan ni Blake ang cellphone ng marinig na may nag text. Nasa unit sya ni Rynnah, nakahilig ang ulo ng dalaga sa balikat nya habang nanonood. Nag paalam si Ysseal na sa labas ng unit na mag babantay kung kaya't silang dalawa lang ang nasa unit.

Mula kay Santiago ang natanggap na text ng binata na nag sasabing patay na ang taong nag babanta sa buhay ng nobya, wala na silang dapat alalahanin at labas na sila sa pag iimbestiga sa pag kamatay ng tinutukoy nila.

"Love its over" he said

"Hmm?" antok na antok na tugon ni Rynnah na hindi inaalis ang paningin sa pinapanood sa tv

"You're safe now love" he said with assurance "Tapos na ang laban, patay na sya"

Umayos ng upo si Rynnah at hinarap ang nobyo "Who?"

"Yung taong nag babanta sa buhay mo, nag text na ang mga inspector. Ok na lahat love" he smiled and hug her tight. Hindi maipaliwanag ni Blake ang saya na sa wakas tapos na ang panganib sa buhay ng pinaka mamahal. Gabi gabing hindi makatulog ang binata dahil sa pag aalala sa kaligtasan ni Rynnah. Hindi nya nalang pinapakita sa dalaga ang takot na nararamdaman nya sa araw araw dahil gusto nyang iparamdam sa dalaga na magiging ayos din ang lahat para hindi ito matakot. Nagiging matapang sya para hindi mag isip ng kung ano ano si Rynnah.

"P-paano? Pinatay sya?" tanong ng dalaga ng mag hiwalay ang dalawa buhat sa pag kakaakap

hinawi ni Blake ang buhok ng nobya at hinalikan sa noo "Hindi na mahalaga yun, hindi na din dinetalye nila Ziel ang nangyari. Ang mahalaga Love ok na ang lahat" pag kumpirma ni Blake

Ngumiti ang dalaga at tumango. Masaya sya dahil babalik na sa normal muli ang buhay nila. 

"Finally makakapag focus na tayo sa kasal natin, makakapag plano na tayo ng maayos"  nakangiting wika ni Blake. Biglang nag laho ang mga ngiti sa labi ni Rynnah, nakaramdam sya ng kirot sa pag iisip palang na baka ma disappoint nya si Blake "What's wrong love?" he asked.

"H-hindi naman tayo nag mamadali sa pag plaplano diba love?"

Takang kumunot naman ang noo ni Blake dahil sa pag iiba ng aura ng dalaga "Change of plans love?" he asked.

Nag pakawala ng malalim na buntong hininga si Rynnah "I mean, yes we're engaged. Pero hindi naman natin minamadali yung kasal diba love?"

Kahit ramdam na ni Blake na may ibang bumabagabag sa dalaga dahil sa makahulugan nitong sinabi ay nag paka positibo parin sya "Iniisip mo ba na maging mabusisi sa kasal? Dont worry too much love mag hihire tayo ng magaling na wedding organizers para hindi ka mahirapan lalo na't busy ka pa sa school" 

Ngunit hindi nag bago ang reaksyon ng dalaga, "Pero kasi love, tinaggap ko yun offer na sa ibang bansa ako mag ojt diba?"

Batid na ng binata na dito papunta ang usapan "Yes, six months" malungkot na saad nito "Why not let's get married before your OJT?" he asked

"And the board will suggest na ikaw nalang ang mag take over ng posisyon kesa ako" dismayadong saad nito. "I want to stand up for myself love, kahit ngayon lang gusto kong ipamuka sakanila na kaya ko"

"It's just that, hindi ako kumportable na malayo ka sakin" sinserong saad ni Blake

Hinawakan ni Rynnah ang kamay ng nobyo "You trust me dont you? Six month lang love. After six months I will be your Mrs. Alcantara" 

"HIndi na ba talaga mababago yung isip mo? Hindi ba pwedeng dito ka nalang . . . sa tabi ko?" he asked

"Love please? Kahit ngayon lang, yung para sakin naman." she begged.

Dear Present #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon