CHAPTER 6

333 63 9
                                    

Nasa isang tagong resto ang ina ni Rynnah na si Kristina. Kakaunti lamang ang nag pupunta sa naturang kainan kung kaya't ito ang napili ni Kristina na lugar kung saan nya kakatagpuin ang inupahang tao para bantayan ang anak.

Halos kinse minuto na syang nag hihintay ngunit hindi parin dumadating ang Insp.

Ilang taon na din simula ng pinasundan nya ang anak sa isang katiwatiwalang P/Insp. Nag simula ito ng ipakilala ang dating banda ng anak na No U-turn sa isang mall. Mayroong isang di kilalang lalake ang nag abot sakanya ng paper bag, inakala nya noong una na regalo ito ng tagahanga para sa anak at pinaabot lang sakanya. Ngunit nakalimutan nya itong ibigay kay Rynnah. Nang buksan nya ang laman ng paper bag ay nag lalaman ito ng isang damit na duguan, nakilala nya ang damit na iyon. Ito ay isa sa damit ng anak nya noong sanggol pa lang dahil sa markang naka burda na RXALopez sa laylayan ng damit. Habang kalakip ang ilan sa mga larawan nya noon. Mga panahon na wala pa sya sa puder ng mga Go, at hindi pa nya alam na kapatid nya si Sarah Lovely na ina ni Zion. Bawat larawan na iyon ay buhat sa mga alaalang dapat pala ay tinapos na nya muna ng hindi basta basta ibinaon sa limot.

Isang kasalanan na maaring ang anak nya ang mag bayad sa kasalukuyan.

"Mrs. Lopez" bati ng binatang kakarating "pasensya na ho kayo at na late ako. Nag pa sub pa po kasi ako sa kasamahan ko" saad ng binatang Inspector

"Anong balita Cashh?" tanong ni Kristina, pag tukoy sa pag babantay nito sa anak

Pinili ni Cashh na wag na munang banggitin sa ginang ang tungkol sa mga bagong nag babantay kay Rynnah Lopez hanggat hindi pa sya nakakasiguro kung sino ang kumuha sa mga ito

"Bukod ho sa pananakot noong nakila Ferrer ang anak nyo ay wala pa naman pong bago" saad ng binata

Sa dalawang taong pag babantay nya kay Rynnah Lopez ay ang pananakot pa lamang sa bahay ni Gabby Ferrer ang unang hakbang ng mga nag tatangka sa dalaga. Mistulang pinag hahandaan talaga ito. Hindi nya matukoy kung pangingidnap ba ang pakay kay Rynnah, dahil kung gayon ay sana noon pa nito ginawa ng mga nag tatangka.

"Sigurado ho ba kayo Mrs. Lopez na walang kaaway ang pamilya nyo?" tanong ni Cashh, ilang beses na nyang tinanong ito sa ginang ngunit palaging tikom ang bibig nito. Naisin man nya na kalkalin ang ilan sa mga impormasyon patungkol kay Kristina ay hindi nya magawa dahil pili ang mga files nito.

"Wala Insp. Ocampo, kilala ng pamilya nyo ang pamilya ng asawa ko at ikaw mismo alam mong walang kaaway ang Lopez" saad ng ginang

"Pero ang mga Apostol po . . . hindi ako sigurado" matalim na saad ni Cashh Ocampo

Hinawakan ng ginang ang kamay ng Insp. "Cashh, nakatanggap ako ng sulat na duguan." pag iiba ng ginang sa usapan sabay abot ng isang card kay Ocampo "pero anim na numero lang ang nakasulat, ano ba yan? Code ng html? Birthday? Tatayaan sa lotto?"

Tinignan ni Cashh ang card "date" simpleng saad nito

"H-ha? Inaaya ba akong makipag date? Nako seloso ang asawa ko Cashh hindi pwede!" sagot ni Kristina

"Date ng launching ng bagong product line ng kunpanya nyo Mrs. Lopez, at sa susunod na linggo na ho iyo" seryosong saad ni Casshh

"Pati ba ang asawa ko ay idadamay nila dito?" tanong ni Kristina

"Hindi ho ako sigurado. Pero invited ho ang pamilya ko sa event na yan, at ang alam ko ho ay yan din ang araw na bibigyan na ang anak nyo ng posisyon sa kumpanya nyo, dahil pag ka graduate ni Rynnah ay sya na ho ang mag hahawak ng bagong line ng proyekto. Hindi ho ba nasabi sa inyo ng asawa nyo?" tanong ni Cashh.

Ang totoo ay nabangit ito sakanya ng asawang si Rara pero hindi naman sya nangengeelam sa pag papatakbo ng asawa sa kumpanya.

"Cashh bantayan mong mabuti ang anak ko ha" pag kuway saad nalang ng ginang

Napa ngisi si Cashh ng maalala ang itchura ni Septor Rodriguez

"Marami ho kaming nag babantay sakanya, siguradong sigurado ho ako na mababantayan sya. Lalong lalo na ngayon" saad ng binata hindi man direktang tinukoy si Rodriguez ang syang kadahilanan ng mas kinapanatag ni Cashh

"Kung kailangan kong dagdagan ang bayad sabihin mo lang" saad ng ginang

"Hindi na ho" pigil ni Cashh ng mapansin na kumukuha ng isang envelope na mukang may lamang pera ang ginang "paano ho kailangan ko ng mauna. Tatawag tawagan ko nalang ho kayo para sa balita" paalam ng binata

Tumayo na ito at bahagyang nag masid sa paligid, nang masiguradong walang nakasunod sakanya ay agad nag tungo ang binata sa motor na dala. Nag suot ito ng helmet at mabilis na pinaharurot ang motor.

Si Cashh Ocampo ay mula sa mayamang pamilya. Lingid sa kaalaman ng ama nang nag training sya para maging isang pulis ng magtapos sa college na may kursong Engineering; sa kagustuhang buksan muli ang kaso ng pag kamatay ng ex girlfriend at sya ang humawak nito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi sya maka tyempo dahil mukang may malalaking tao sa likod nito, dahil masyadong pinag tatakpan ng pulisya.

Sa ngayon ay pinag sasabay ni Cashh ang pag tulong sa kumpanya ng ama at ang pag aaral habang binabantayan si Rynnah Krixel. Hindi naman nag hinala ang ama sa pag kuha muli nito ng kursong Business Management bagkos ay mas pumabor pa ito para maging in line ang pinag aralan nya sa pag hahawak ng oil company nila.

Cashh Ocampo ang tunay na pangalan ng binata. Taliwas kila Septor Rodriguez na gumagawa ng ibang identity sa kada misyon. Sya naman ay sariling identity ang ginagamit, ngunit ang katauhan bilang Inspector ay iba ang pag kakakilala sakanya. Marahil ito ang isang dahilan bakit hindi sya nakilala ni Rodriguez, dahil iba ang pangalan nya bilang Inspector.

Para sa binata mas madali na ang alyas bilang pulis ang itago at mas hindi kahinahinala kung totoong pangalan at identity ang ilalantad sa misyon.

"Tss, mukang may kailangang matutunan sakin si Rodriguez" wika ng binata sa sarili

Dear Present #Wattys2016Where stories live. Discover now