CHAPTER 7

379 65 21
                                    

"Bebe ko!!!!!!" matinis na tawag ni Riva ng makita si Rodriguez na nag lalakad sa hallway, katabi nito si Santiago habang asa likod nila sila Milla, Abad, Romero at Diaz. Kalalabas lang ng mga ito sa kwarto kung saan sila nag meeting at talagang sasadyain nila si Riva sa opisina nito na nasa kabilang dulo lang.

Walang tao sa paligid dahil restricted area ang pangatlong palapag ng gusaling ito

"Bebang nandyan na yung targer paputukan mo na" bulong ni Ziel Santiago kay Septor.

Matalim na tinignan ni Rodriguez si Matthew Riva, habang abot tenga naman ang ngiti ng binata ng makita ang dalang inspector.

Tinantya ni Bei ang pwesto ng papalapit na si Riva maging ang layo at kung saan tatama ang bala.

Agad bumunot ang dalaga ng isang glock 19 na baril.

Nanlaki ang mga mata ni Riva ng ikasa ni Bei ang baril. Pinikit pa nito ang isang mata na wari inaasinta si Riva

"Bebe koooo!!! Oii a-ano yan ha" utal at kabadong saad ni Matthew Riva

"Bang!" tunog ng baril, hindi na pinag kaabalahan pang lagyan ng silencer para damang dama

Napatakip si Riva sa tenga, napapikit pa ito at talaga namang halos mag habol ang hininga nya sa kaba

Natamaan ni Rodriguez ang ilaw sa dulo ng pasilyo.

"Bulls!" saad ni Diaz

Dahan dahang idinilat ni Riva ang mga mata "B-buhay pa ba ko?" wala sa sariling saad nito

"Tangna mo Riva!" saad ni Bei at dali daling nilapitan si Matthew "tara don sa opisina mo!"

"Wahhhh bebe ko . . . ano nanamang kasalanan ko? Miss mo ba ako at gusto mo kong masolo?" wika ni Riva

May mga ilan naman na kapulisan ang nag madaling umakyat ng 3rd floor sa pag aakalang napasok ang departamento ng kalaban

"Septor anong nangyari?" tanong ni SP03 Herrer

"May babarilin sana ako kaya lang nag mintis" saad ni Rodriguez habang hawak hawak na nito ngayon ang kwelyo ni Riva

"Tsktsk pag si Maam Rodriguez talaga ang bumira pati si Sir Riva tumitiklop" saad ni Herrer

"Sige na paki ligpit nalang yung nabasag at pakipalitan yung ilaw. Ikaltas nyo kay Santiago" utos ni Rodriguez

"Septor bakit ako?" Alma ni Ziel Santiago

"Ikaw may utos paputukan ko na e" saad ni Bei saka hinila si Matthew

Isa isa namang tinapik nila Diaz, Romero, Abad at Milla ang balikat ni Santiago saka nilagpasan ito at sumunod sa Septor

"O-oi!!! Wag nyo kong iwan. Mga friendship share share naman tayo o!" sigaw nito sa mga nag lalakad papalayo na mga Inspector

"Tipid ako" sigaw pabalik ni Weih Diaz ng di lumilingon

"Di tayo friends wag mo ko damay" sigaw ni Milla

"Wala akong sahod, dinonate ko sa charity" wika ni Romero

"Ysseal! Woi Abad!" tawag ni Santiago sa natitirang Inspector na inaasahan

"Wala akong facebook" saad ni Abad

Dear Present #Wattys2016Where stories live. Discover now