CHAPTER 3

385 68 41
                                    

Inutos ni Rodriguez na umuwi na si Rynnah at Blake at umakto ng normal at wag ipahalatang natatakot. Sinunod naman ito ng dalawa, kalmado lang na umuwi ang mga ito na parang walang nangyari. Pina pwesto ni Bei ang grupo ni Insp. Santiago para humalili muna sa pag babantay.

Batid din ni Rynnah na may grupong ipinadala si Rodriguez para sa safety nya kung kaya't kumalma na rin sya.

Mukang walang balak galawin sila Alcantara at sadyang si Lopez lang ang puntirya ng grupong naka ingkwentro nila. Yan ang tumatakbo ngayon sa isip ni Bei, at muka ding wala namang balak saktan ng mga ito si Lopez. Ngunit sa kabilang banda palaisipan din kung bakit naman nila tinatakot ang dalaga. Ayaw pakasiguro ni Rodriguez kung kaya't kabilin bilinan nya sa grupo ni Santiago na maging alerto. Kampante naman si Bei sa mga taong ipinadala nya. Isa si Insp. Santiago sa limang sinama nya sa polo club. Isa ito sa mga loyal na tauhan nya kung kaya't malaki ang tiwala nya.

Agad nag tungo si Bei sa quarters parang pakantahin ang isa sa mga binuhay nyang spy.

"Nag salita na ba yan?" tanong ni Rodriguez kay Insp. Abad

"Hindi pa maam" sagot ni Abad sabay suntok muli sa isang hawak na spy

"Kahit patayin nyo ko hindi ako mag sasalita" nakangising pag mamatigas ng spy

"Ahh ganun ah" muling sinuntok ni Insp Abad ang Spy

Itinaas ni Rodriguez ang kanang kamay at pinatigil si Abad

"Tanga, sinong may sabing papatayin ka namin?" ngumisi ito at lumapit sa Spy "pamilya mo ang papatayin ko Espinosa" wika ng dalaga. Agad na trace ng Insp. na may hawak ng data base ang identity ng hawak na spy

"P-pano mo nalaman ang apilyido ko?" nawala ang nginit ng spy nang bangitin ni Rodriguez ang apilyido nya

"Renz Espinosa, tanga ka ba? Syempre ginoogle kita. Idol kita e" nang iinis na ngumisi si Bei

Natawa naman si Abad sa turan ni Bei.

"Bibigyan kita ng panahon para mag isip. Mag sasalita ka o madadamay pamilya mo?" pananakot ni Bei

"Labag yan sa batas, akala mo matatakot mo ko?" pag mamatigas ng spy

"Tulak ng droga yung tatay mo, mag nanakaw nanay mo. Anong labag sa batas?" kalmadong saad ni Bei "Yung kapatid mo . . ."

"Wag! Wag mong idadamay yung kapatid ko!" agad na saad ng spy

"Syempre hindi, mabait na bata yun. Nag aaral ng mabuti. Pero, ano kaya kung malaman nya na yung idol nyang kuya, e kriminal? Nako baka mag rebelde yun . . . tsktsk tapos maging kagaya mo din sya" pang aasar ni Bei "Ikaw din, masasayang pagiging matino ni Joshua Espinosa" pag tukoy ng dalaga sa kapatid ng spy "Bibigyan kita ng pa panahong mag isip" pag ulit ng dalaga

"S-salamat" wika ng Spy, ngunit ilang segundo lang ang lumipas ng muling mag salita si Rodriguez

"Okay tapos na ang panahon, nakapag isip ka na ba?" painosenteng tanong ng dalaga. Hinawakan pa nito ang baril at pinakitang nililinisan upang takutin ang spy

"Isang babae ang nag utos samin. Hindi namin sya kilala ng husto pero may edad na ang babaeng yun" saad ng spy.

Lumapit si Bei sa lamesa at kinuha ang isang picture. Nang makuha ang larawan ay muli itong nag tungo sa spy "ito ba?" tanong ni Bei at ipinakita ang picture ni Anika na isa sa suspect nya.

Dear Present #Wattys2016Où les histoires vivent. Découvrez maintenant