CHAPTER 15

269 18 16
                                    

"Bang" putok ng baril na syang bumalot ng takot sa kanina ay masayang paligid.

Nag takbuhan ang lahat para iligtas ang sarili.

Parang awtomatiko naman na ihinarang ni Blake ang katawan kay Rynnah para protetahan.

Hindi ininda ni Rodriguez ang balang tumama sa braso nya lalo na ng mapansin ang muling pag kasa ng baril ng taong bumaril sakanya

"Lopez!" sigaw ni Rodriguez "putangina! Yung babae sa kanan!" wika ni Bei pag tukoy sa isang babae na pinang galingan ng putok ng baril

"Bang" muling putok ng baril, ngayon ay buhat ito sa mga lalakeng nasa kaliwa na kanina pa minamanmanan nila Rodriguez, pinatamaan ng isa dito ang babaeng bumaril sakanya. Natamaan sa kamay ang babae dahilan para mabitawan nito ang baril na hawak

Agad tumakbo ang babae at humalo sa mga tao na tarantang tumatakbo sa paligid para makatakas

"Septor! Ayos ka lang?" tanong ni Cashh

"Habulin mo yung babae bilisan mo!" utos ni Rodriguez na hindi iniinda ang sakit "tangina mo Ocampo wag kang maawa sakin! Iganti mo ko sa babaeng yon! Masakit tong tama ko gago!" bulyaw ni Bei. Hindi mapakaling sumunod naman si Ocampo, kung kaya't agad na hinabol nito ang babae kasama si Abad

Dahil na din sa pag ka bigla ay atat na lumapit si Santiago at Milla

"Bebang! Ayos ka lang?" tanong ni Santiago

"Gago ikaw kaya barilin ko dyan! Dalhin mo ko sa hospital!" sigaw ni Rodriguez na ngayon ay napapangiwi na sa sakit ng sa wakas ay maramdaman nito ang tama ng bala. "Milla kayo nang bahalang mag imbestiga dito, yung mga tao pakalmahin nyo mga punyeta sila masyadong OA di naman sila yun tatamaan ng bala!! Arrggh!" parang tangang singhal ni Bei. Nag halohalo na ang pag ka pikon, irita at sakit na nararamdaman nya.

"Lul! Braso lang yan mabubuhay ka pa, ikaw ang OA e" saad ni Milla, sa totoo lang ay sanay naman na si Septor magalusan o matamaan ng bala. Dahil bago sya naging isang senior inspector ay ilang bala na rin naman ang sinuong nya.

"Paki mo? Ikaw natamaan? Arrggg masakit! Inapi nila yung braso koooo kinginames nung babaeng yon malaman ko lang sino yun!" muling singhal ni Bei

"Una mong alamin kung sino yung mga lalakeng iginanti ka" wika ni Milla

Agad sinipat ng tingin ni Rodriguez ang kaninang pwesto ng mga lalake ngunit wala na ang mga ito. Isa rin sa pinag tataka nya ay kung bakit sya iginanti ng mga ito, sigurado sya na hindi nila ito kasamahan o kakampi, peeo pamilyar sakanya ang mga itchura ng mga lalaki. Ngunit bakit parang talagang puntirya nila ang babaeng nag tangka sakanya, parang alam na alam ng mga ito ang pag sipot ng babaeng yun sa venue

"Oo pero bago sana tayo mag chismisan e dinadala na ko sa hospital noh? Santiago konting awa naman dyan!"

"Awa" malambing na wika ni Santiago

"Cooking shit ka! Pag ako gumaling paparanas ko sayo tong balang nag landing sakin!" singhal ni Rodriguez

"Jukjuk lang naman, oh halika na dalhin na kita sa hospital baka umimpis yang kabilang braso mo, kawawa naman hindi na pantay sa isa" biro ni Santiago sa kabila ng patuloy na pag agos ng dugo sa braso ni Rodriguez

"Ah talaga ba?" Sarcastic na saad ni Bei "Pakyu masakit na talaga, tara na!"

Tinanguan ni Santiago si Milla, hudyat ng pag papakita ng tiwala sa iiwang kasamahan. Inakay naman ni Santiago si Rodriguez para dalhin na sa hospital.

Dear Present #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon