CHAPTER 23

472 19 13
                                    

Kasama ang mga magulang na si Kristina at Rara na syang mag hahatid kay Rynnah sa airport, matagal tagal din bago sya muling makakabalik ngunit sigurado naman ang dalaga na ano mang oras na gustuhin ng mga magulang ay maari naman syang dalawin ng mga ito. Kagaya ng plano nya noon sa Paris nya binalak mag OJT kung saan naroroon ang main offices ng ilan pang mga tanyag na luxurious brand like Louis Vuitton na ngayon ay nasa top list ng Most expensive, Hermes na nasa pangalawa at ang Chanel na nasa pang apat. Nag pasa din sya sa mga ito ng letter ngunit hindi nag a-accommodate ang mga ito ng intern pero swerte parin ang dalaga ng i accommodate sya ng La' Belle ang pangatlo sa listahan ng mga luxurious brand ng handbags, shoes and accessories na tamang tama at tugma kung saan linya ang kumpanya nila. 

(A/N: Walang La' Bella pauso ko lang yun, at kung meron man nag kataon lang. Totoo yung rank nun mga company na sinabi ko pero Mouawad yung pangatlo at nasa Dubai base yung main office non. Pero yang tatlo sa Paris na talaga sila. Ok? Tuloy!)

Naging ka trabaho ng amang si Rara ang ngayong CEO at may ari ng kumpanya na si Fabian Labelle ng minsang mag labas ng linya ng bag ang mga Lopez with the collaboration of La' Belle, at dahil nadin naging ka eskwela at kaibigan nila ng asawang si Kristina ang Pinay na napangasawa nito na si Colyn kung kaya't naging madali para sa mga ito ng mag lunsad ng line na L&L bags sa Lopez Collections. Ang La' Belle ay isang kumpanya na minana pa ni Fabian at pinag salin salin lang sa henerasyon. 

Sa opisina ng anak ni Mr Fabian Labelle mag iintern ang dalaga, para narin mas madali maka cope up ang dalaga kapag hinawakan na nya ang bagong line na sakanya i tuturn over. Sinubukan ng i search ni Rynnah ang pansamantalang magiging boss at katrabaho ngunit mukang mailap ito sa media dahil madalas na ang kapatid na babae lang nito ang nakikita nyang kasama ng mag asawang Fabian at Colyn sa larawan. May makita man syang  pictures mula sa paparazzi ay naka hoodie o di kaya ay pasakay na ito ng sasakyan at minsan ay nakatalikod kung kaya't hindi nya manlang maaninag ang rehistro ng muka nito.

"Hindi ka manlang ba pupunta si Blake dito sa airport para ihatid ka?" tanong ng inang si Kristina

Umiling ang dalaga "Busy nay sa office"

"Nako? Uunahin nya pa ba yun e paalis ka na nga?" wika ng ina

Napayuko si Rynnah sa turan ng ina, ang totoo ay umaasa sya na baka ihatid manlang sya ni Blake. Ngunit maging tawag ay hindi na nagawa ng binata sa sobrang pag ka busy. "Ok lang nay, kagabi naman mag kasama kami na nag celebrate" wika ng dalaga kahit ang totoo ay nag talo lang sila ni Blake kagabi. Ayaw sanang isipin ni Rynnah na baka kaya mas busy ang binata ay dahil baka nagawa pa nitong dalawin sa hospital si Carrie o baka nakalabas na ito at mag kasama ang dalawa sa opisina. Ayaw man ng dalaga ay sumasagi sa isip nya ang mga problemang iiwan nya sa Pilipinas

"Maganda na mag karoon sila ng mga sarili nilang Priority at masanay na sa industriyang papasukin nila" saad naman ni Rara

Hinampas ni Kristina ang asawasa sinabi "Ano bang priority ha Daddeh? Ilang buwan nalang at ikakasal na yung dalawa, aba dapat lang na kahit gaano ka busy e priority parin ang anak natin. Kagaya mo priority mo ang pamilya, priority mo kami ng anak mo" saad nito

"Mahaba pa ang panahon mommy . . " pag sisimula ni Rara ng putulin ito ng asawa

Muling hinampas ni Kristina ang braso ng asawa "Ano bang mommy! Mammeh yun daddeh, ano ba yan balik na nga tayo sa Bheiybhie Koe! Nakakainis naman e"

Bumuntong hininga ang asawang si Rara "Alright mammeh . . ."

"Kung maka change ng callsign kala mo teenager kayo ah"  kunot noong saad ni Rynnah

Pinitik naman ni Kristina ang noo ng anak "Wag ka ngang mangeelam bata ka"

"Aray naman nay" saad ni Rynnah na hinawakan ang noo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Present #Wattys2016Where stories live. Discover now