CHAPTER 22

290 20 18
                                    

Halos kumpleto na ang mga gamit na dadalhin ni Rynnah para bukas sa pag alis nya. Nasa bahay sya ngayon ng mga magulang dahil nag papatulong ito sa ina mag impake upang wala syang makalimutan.

"Dito ka ba matutulog?" tanong ng ina

"Hindi nay, uuwi ako kasi ipag luluto ko si Blake. Pero bukas ng umaga nandito na ko" saad ng dalaga dahil gabi pa naman ang flight nya. Napatigil si Rynnah sa pag sasalansan ng mga damit at tinitigan ang ina sa ginagawa, "Nay may tanong ako" 

Tumigil din si Kristina sa ginagawa at tinignan ang anak na mukang seryosong seryoso ang muka "Wag branches ng chemistry ha. Nako!" pangunguna ng ina

Ngumuso naman si Rynnah sa ina "Hindi naman yun, seryoso nga nay!"

"O ano ba yun?" tanong ng ina

"Hindi ka ba na threaten nung bumalik si Tita Quinn dati na baka maagaw nya sayo si daddy?" tanong ni Rynnah patungkol sa dating ex ng ama na ngayon ay malapit na tao sa buhay nila

"Hindi noh! Ang fretuh beybhie ko kaya duh!" malaki ang kumpyansang saad ni Kristina

"Aish! Seryoso nga! Nakakainis naman e, dapat si Ninang Skye nalang tinanong ko" maktol ni Rynnah

Mahinang binatukan ng ina ang anak "Bat ba mas magaling ka pa sakin? Feelings mo ba ha? Feeling ko yun diba!"  singhal ng ina

"Oh sige ganito nalang nay, anong na feel mo nung bumalik ka ng pinas tapos si Tita Quinn din bumalik ng pinas? Anong na feel mo nung nag sama sama nanaman kayo ganon?"  sunod sunod na tanong ng dalaga na atat na atat sa isasagot ng ina.

Sandaling nag isip ang ina at inalala ang nangyari noon "Hindi naman sa na threaten ako, kasi una hindi ko naman sure anong ibig sabihin ng threaten"  panimula ng ina.

Sinamaan naman ng tingin ni Rynnah ang ina "NAY SERYOSO NA KASI!" maktol nito

Muling binatukan ni Kristina ang anak "seryoso naman ako!"

"Dali na kasi nay"

Bumuntong hininga ang ina at sumeryoso, ngumiti ito na parang inaalala ang nakaraan "Hindi naman sa na threaten ako, pero nainsecure ako. Kasi tignan mo naman ang Tita Quinn mo at ako, pakiramdam ko wala naman akong panama don. Kinukumpara ko lahat ng bagay sa kanila noon at yung meron kami ng tatay mo. Normal lang naman siguro yung naramdaman ko kasi mahal ko ang tatay mo, pero hindi naman nag tagal yung insecurity ko na yun dahil araw araw na pinaramdam ng daddy mo yung assurance na wala akong dapat ika insecure" nakangiting turan ng ina

Ngumiti din si Rynnah na parang nabunutan ng tinik sa dibdib, pakiramdam nya tuloy ay nagiging unfair sya kay Blake dahil wala naman itong ginagawang masama pero kung ano anong iniisip nya

"Salamat nay" turan ng dalaga at yumakap sa ina

"Anong problema Rynnah?" tanong ng ina ng maramaman ang bigat na kinikimkim ng anak sa sarili

Hindi umalis si Rynnah sa pag kaka yakap sa ina "Natatakot po kasi ako Nay"

"Bakit?"

"S-si Carrie po kasi, bumalik na po sya. Natatakot po ako"

hinaploas ni Kristina ang buhok ng anak upang aluin dahil sa pag hikbi nito "Mahal ka ni Blake anak, pang hawakan mo ang pag mamahal na yun para pagkatiwalaan sya" saad nito "Normal ang nararamdaman mo, pero kung ipagpapatuloy mo na ganyan baka naman yan ang maging dahilan para mag ka problema kayong dalawa"

"Opo nay, hindi na po. Kampante po ako na hindi sisirain ni Blake yung tiwala ko" saad ni Rynnah

hinawakan ni Kristina ang balikan ng anak at iniharap sakanya. Nakasalampak silang dalawa sa sahig kung kayat pantay lang ang paningin nila. Inilapit ng ina ang muka sa anak at tinitgnan sa mata. Umiling si Kristina "Mag tiwala ka pero kahit kailangan wag kang makakampante, ang lahat sa mundo ay pansamantala lang. Walang nakakaalam ng susunod na mangyayari." sinserong saad nito

Dear Present #Wattys2016Where stories live. Discover now