4: JungRi

808 24 1
                                    


February 10, 2006

-Yeri's Point of View-

"Jungkookiee~" Malakas na sigaw ko nang makita ko siya sa labas ng SM University. May dala siyang dalawang plastic bag. Bumili na naman siguro 'to ng pagkain. "Anong pagkain 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Hm. . . Lugaw. I-I don't know kung kumakain ka nito. Pero, ito kasi ang favorite kong kainin tuwing winter. Lagi ko lang nakikita 'to sa daan at sabi nila masarap daw. Filipino ata ang nagtitinda." Paliwanag naman niya.

Umupo na kami sa isang bakanteng table at umupo. Kinuha ko ang isang mangkok ng lugaw. "Para siyang kanin na may laway." Nandidiring pahayag ko, "Pasensya na Kookie. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pagkain. Okay lang kung tteokboki na lang sana. . . P-pero I'll give it a try." Kinuha ko ang kutsara at sumubo ng madami.

Tinitigan niya lamang ang mukha ko na tila bang hinintay niya ang reaksyon ko.

"Wow, Jungkooook~ ang sarap!" Binilisan kong kumain. Natatawa na lang siya sa sinasabi ko. Kaya gusto kong kasama si Kookie eh, napaka-bait. Kailanman, hindi niya ako ginalit.

"Yeri. U-uh. . ." Eto lang ang problema niya, mahiyain siya. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Lagi kong sinasabi sa kanya na 'wag na siyang mahiya sa akin. Pero, ewan ko nga ba dito sa lalaking 'to.

"W-what?"

Parang nahihiya pa siyang sabihin kung anuman ang sasabihin niya.

"Jungkook, ilang beses ko na bang sinabi na 'wag ka nang mahiya sa akin. Ilang years na din kitang kaibigan. Pero hanggang ngayon, napaka-mahiyain mo pa rin," sambit ko sa kanya. Napakamot siya sa batok niya.

"Ano kasi, Yeri. . M-may bagong bukas na Amusement Park malapit lang dito. . . G-gusto sana kitang yayain para pumunta doon. Since. . libre lang 'to dahil kakabukas lang. Papayag ka ba?" Napangiti ako sa sinabi niya. Ang cute niya talaga!

"A date?" I exclaimed.

"H-huh?"

I rolled my eyes at him. Every sentence that he will say, nags-stutter siya. "A date! We're going on a date!"

"U-uhm. . ."

"When?"

"N-ngayon sana. ."

"Now!" I exclaimed, "Omygod! What are you waiting for? Let's go!" Hinila ko na ang kamay niya. Nagpapahila naman siya. "Saan ba 'yun?" I asked him.

Nauna siyang maglakad. Sinusundan ko lamang siya. And then, nakita ko ang napaka-laking ferris wheel. Mga ilang lakad lang, nandito na agad kami. Medyo nagulat pa nga ako dahil ang kaunti lamang ng tao. Tinignan ko ang orasan. 8:00 PM pa lang.

"W-wait, Kookie. Text ko lang si mom."

Mom, baka gabihin ako. I am going to check the newly-open amusement park!

Hinawakan kong muli ang kamay ni Jungkook. "Tara na!"

_____

Una muna naming sinakyang rides ay 'yung roller coaster. Hinanda na bago umandar ang roller coaster. Una muna ay mabagal. Medyo kalmado pa ako noon. Mabagal pa lang talaga pero kinakabahan ako. Pababa na 'yung roller coaster. . .

Napasigaw ako. Jusko po! Bumabali-baliktad na kami! Napahawak ako sa braso ni Kookie. "Kookie! First time in five years ko lang nasakyan etong roller coaster."

"Ano? Hindi kita marinig?"

Tuwang-tuwa si Jungkook. He's having fun! Pero ako, sukang-suka na ako. Someone please help me!

Natapos na rin ang 'joyous ride' na 'yun.

"Jungkook! Akala ko talaga mamatay na ako." Napahawak ako sa dibdib ko. Tumawa lamang siya.

Naghahanap pa kami ng mga rides. Ayoko na ulitin 'yung mga ganun. 'Yung nakakahilo, nakakasuka at 'yung nakaka-atake sa puso.

"Sa ferris wheel na lang tayo or kain muna tayo?" aya ko sakanya.

"Kain muna tayo." Good thing may bilihan ng mga pagkain dito. "Kaso wala akong pera eh. Akala ko naman kasi ay libre 'to."

"Libre kita!" Hinila ko siya papuntang bilihan ng pagkain. "Anong gusto mo?"

"Popcorn na lang."

"Pabili po! Dalawa nga pong popcorn."

Pagkakuha namin ng pagkain, naglakad-lakad lang kami. Nag-usap usap tungkol sa mga bagay-bagay. Medyo matagal din kaming nag-uusap. Ako lang talaga ang madaldal sa amin. Minsan nga ay tango lang ang sagot niya. Nakakatuwa siyang pagmasdan. Namumula rin 'yung tenga niya at ang mukha niya. Siguro, iniisip niyang date namin 'to. Friendly date.

"Hindi mo pa nakakalahati 'yang popcorn mo. Hindi tayo pupuntang ferris wheel kapag 'di mo pa ubos 'yan," ubos na ubos ko na ang popcorn. Siya, halos hindi niya pa nababawasan. "Maupo na muna tayo."

Nandito kami ngayon sa malawak na lugar. Ewan ko nga ba kung parte pa rin 'to ng amusement park. Ang ganda! Para kang nasa probinsya. Puro puno at damo lang ang makikita mo. Walang kahit ano. May mga nakita pa ako mga alitaptap na lumilipad-lipad.

Napatingin ako sa taas. Stars. I love them. Every single one of them. They do help many people but they don't appreciate it. Madami na kasi tayong mga kagamitan para ma-locate ang mga location like GPS. I just don't understand why but when people is lonely, they are always in their rooms. If I am lonely, I would go outside and look at the stars. Nare-relax ako. Parang naki-clear ang mga iniisip ko. Gumagaan ang loob ko. Minsan nga ay naghahagilap pa ako ng pwede kong makitang constellations.

Sa lalim ng iniisip ko, natapos na ni Kookie ang pagkain niya.

"Oh! Tapos mo na pala 'yang popcorn mo. Tara na sa ferris wheel!" balik na naman ako sa pagiging hyper ko.

Sumunod siya sa akin. Medyo madaming tao rin ang nakasakay. At pumila na kami.

______

Ang ganda. Kitang-kita ko kung ano ang nasa baba. At kitang-kita ko ang mga stars.

"You know, I really love ferris wheel." Sabi ko habang nakatingin ako sa itaas, "Ferris wheel is like a cycle of life. When I am at the top, I feel like I can reach something. Or I feel like I have reached something. When I am at the bottom, it reminds me of how life is not always happy. Life has ups and downs."

Napangiti siya sa sinabi ko. "I am so amazed of you. Of how you talk. Parang andami mo nang pinagdaanan sa buhay." Ngumiti ako sa kanya. "Alam ko namang malawak ang pang-unawa mo. . ."

Napakunot ako ng noo. "What do you mean?"

"Sa totoo lang, nahihiya ako sayo dahil. . . ang yaman-yaman niyo. Private trainee ka pa ng SM University. Samantalang ako?"

"Ano bang pinaparating mo..?"

"Binayaran ng mama mo ang Bighit Entertainment para lumipat ako ng school doon ng hindi na nago-auditon," he said. "Alam mo namang ayaw ng mama na magkasama tayong dalawa, 'di ba? Dahil 'mahirap' lang daw ako."

"So, you are leaving SM?" He nodded. I sighed, "I understand you and mom."

"Yeri, I'm sorry."

"N-no, it's okay. You're my friend. You should decide for your own self. Alam ko namang alam mo ang tama sa mali. Besides, alam kong magkikita pa rin tayo, right? Magde-debut ka, ha? Galingan mo!" ngumiti ako sa kanya,

"Thanks. . for being a supportive friend."

"When are you gonna leave?"

"U-uh. . . actually, Yeri. . N-naayos ko na lahat. Nag-leave na ako kanina. H-Hindi ko lang nasabi sa'yo."

My eyes widened, "W-what?!" Yumuko lang ang ulo niya, "N-no, I-I understand. . ."



"Before you leave at SM University. . . let us cherish this last moment. ." I said and then hug him.

**

Winter's Soul || RV x BTSWhere stories live. Discover now