33: Realization

372 13 4
                                    

-Jimin-

Ilang araw ko na ring hindi nakita si Seulgi. Nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya.

I'll give you two months..

Ang gulo! Ang gulo gulo talaga.

Noong makita ko siya ay naramdaman ko upit ang tibok ng aking puso. Pero alam ko sa sarili ko na si Kei na ang mahal ko.

Napailing na lamang ako at lumabas ng unit namin. Naglakad-lakad ako at nakita ko si Kei na naglalakad papunta sa akin.

"Hi Jimin." Bati niya sa akin. Niyakap niya ako at hinawakan ang kamay ko. Holding hands kumbaga.

Naglakad-lakad kami habang magkahaway ang aming kamay. Nagpabili siya ng kung anu-anong pagkain at nakakainis na rin.

"Jimin, bili ka nito~"

"Jimin, dito tayo!"

"Jimin, french fries!"

Nakakainis. Si Seulgi, hindi naman siya ganito ka-demanding. Ako pa ata laging nagde-demand kay Seulgi eh.

Hindi ko lang masabi sa kanya na nakakainis na ang ugali niya dahil baka magalit siya. Ayoko rin naman siyang ginagalit.

"Babalik na kami sa South Korea."

"Eh di maganda, wala nang manggugulo sakin."

"Hala. Grabe ka naman."

Tumingin ako sa dalawang taong nag-uusap. At nanlaki ang mata ko.

Jaebum and Seulgi?

Nakaramdam ako ng galit. What the heck? Kelan pa sila naging ganyan ka-close?

Binilhan pa ni Jaebum ng cotton candy si Seulgi! Tss. Ako dapat ang gumagawa niyan sa kanya.

Pero naalala ko, pinakawalan ko na pala siya.

Hindi ko napapansin na sinusundan ko na pala sila. "Yah, Jimin! Ano ba? Akala ko ba date natin 'to?"

"Sino ba kasing nagsabi na date natin 'to?" Mataray kong sagot sa kanya.

"Fine!" Tumalikod siya at lumakad papalayo.

-Seulgi-

"Are we dating?" Napatigil ako sa pagkain ng cotton candy nang tanungin niya iyon

Napakunot ako ng noo. "I guess?" Napangiti naman siya doon. "Friendly date."

Nag-ikot ako ng tingin. Kung ano ang maari naming gawin.

May nakita akong playground at dali-daling tumakbo papunta doon. Sumakay ako sa duyan at nagduyan agad ako.

Masarap kasi sa pakiramdam kapag nagduduyan ako. Basta, masarap lang sa pakiramdam.

"I never knew you could be this childlish." Natatawang sambit ni Jaebum. Umupo siya sa katabing duyan at nagduyan rin.

"Childlish ka diyan! Nami-miss ko lang ang kabataan ko." Inirapan ko siya habang tinuloy ang pagduduyan ko.

"Di ba pwedeng nagjo-joke lang ako?"

Hindi na lamang ako sumagot.

"Kamusta ang buhay mo?"

"Eto, buhay pa rin." Sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Nice. Akala ko patay ka na eh." Tumawa siya ng mahina. "-Patay na patay sa akin."

Bigla akong natawa sa sinabi niya, "Asa ka naman 'no."

"Hay nako, Seulgi. Ewan ko kung manhid ka ba talaga o nagpapanggap ka na hindi mo alam." Mahina niyang sabi ngunit sapat na para marinig ko.

Akala naman niya hindi ko napapansin?

"Anong akala mo sa akin, tanga? Ramdam ko rin naman na may hidden desire ka sa akin. Ang obvious kaya," sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Medyo napatingin siya sa akin. "Sorry."

"Loving me is not wrong. Don't say sorry."

Nakita kong napangiti siya, "That's why I like you, Seulgi. Napaka-maunawain mo."

I heard him sighed, "Pero alam ko namang wala akong pag-asa. Dahil alam kong may iba ka nang gusto."

Ramdam niya rin pala na may iba akong gusto.

"I should say sorry to you." I said, feeling guilty.

"No, no. It's okay. ."

Tumayo na ako para maglakad pero dahil may pagkatanga ako ay muntik na akong malaglag. Mabuti na lamang ay nasalo agad ako ni Jaebum.

Tumingin siya sa akin ng matagal at unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin.

Tinulak ko siya at tumayo ng maayos.

"Ah. . Uuwi na ako."

-Jimin-

Narinig ko lahat ng pinag-uusapan nila. Lahat-lahat.

So may gusto pala si Jaebum?

Nakita ko silang malapit nang maghalikan. Kaya naman tumalikod na ako at naglakad papalayo.

I realized something. .

I'm jealous.

I'm still in love with her.

**
Naki-wifi lang dito sa probinsya! Wahahahaha.

Last two chapter :(

Winter's Soul || RV x BTSWhere stories live. Discover now