25: Friends with Got7

356 17 2
                                    

-Yeri-

Ilang araw na ang nakakalipas. Ilang araw na kami andito. At kahit na i-deny ko, nami-miss ko na si Jungkook. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil nga doon sa isyu na 'yon.

"I met Mark today," pahayag ni Wendy.

Nakaupo siya sa kama. Nandito kaming lahat at kumpleto kami.

"Yeah at kinikilig siya," sabat naman ni Joy.

Pinalo ni Wendy si Joy atsaka sinamaan ng tingin. Tumawa lang siya, "'Wag kayong maniwala diyan sa babaitang 'yan. Binigyan niya lang ako ng calling card."

"Baka nga ligawan siya," tumawa si Joy.

Nag-make face si Wendy, "Hindi rin."

"Bakit daw sila napunta dito?" Tanong naman ni Seulgi habang nililinis ang kuko niya.

"Concert daw nila dito," sagot naman ni Wendy. Tinitignan niya lang ang ginagawa ni Seulgi.

"Ibig sabihin nandito ang Got7? Atsaka ibig sabihin, nag-leave na sila sa Strong Idol?" Naguguluhan kong tanong.

Nag-shrug lang sila, "Perhaps."

Sandali akong napaisip. Kung magli-leave sila. .

I gasped, "Unnie!" Nanlalaking mata kong tawag sa kanila, "Kung nag-leave sila. . Ang Bangtan at Twice lang ang magkakasama. ."

Natigil sila sa lahat ng ginagawa nila. Natigil si Irene sa pagpa-plantsa ng damit, si Wendy ay napatingin sa akin, si Joy ay tinigil ang pakikinig sa music, si Seulgi naman ay natigil sa paglalagay ng cutics sa kuko niya.

"Andwae. ." Bulong ni Wendy.

Napayuko na lamang si Seulgi at nagpatuloy maglagay ng cutics. Bakit parang wala siyang pake?

"Edi gawin niya kung ano gusto niya. Wala naman kami, atsaka hindi ko pa siya nasasagot." Napairap si Seulgi.

"Nag-away kayo?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay pinagpatuloy ang ginagawa niya. Si Joy ay nagpatuloy makinig sa music, si Irene ay nagplantsa na ulit.

"But Jin and I are in good terms for now," Wendy said, looking scared.

Then I realized something. "Wala namang magagawa ang pagwo-worry. Tama si Seulgi-unnie, wala namang kami." I let out a bitter laugh.

Yumuko na lamang si Wendy.

Nanatili kaming tahimik. Hindi ko na kaya ang awkward atmoshpere at lumabas na lamang. Bumaba ako upang kumuha ng coffee. Meron kasing coffee shop sa 1st floor ng building.

Nagulat ako ng may mabangga ako pababa.

"Bambamboo?" Nasanay na ata akong tawagin siyang Bamboo.

"Booyeri?" Nasanay na rin ata siyang tawagin akong Booyeri.

Galing lang 'no? May tawagan kami. Sweet? Nah. Lagi lang kaming nag-aaway kapag nagkikita kami. Ang huling maayos lang ata naming pagu-usap ay n'ong nag-away kami ni Jungkook.

I make-face to him. "Pwede ba, Bambamboo. 'Wag mo na 'kong tawaging Booyeri?"

"Pwede ba, Booyeri, 'wag mo na rin akong Bambamboo?" Ginaya niya pa ang tono ng pagkakasabi ko.

"Saan ka pupunta?" 'Pag-iiba ko ng topic.

Ngayon ay sabay na kaming bumababa. "Sama ka?" Kinindatan niya ako.

I frowned to him, "Ayoko nga."

Nandito na kami sa 1st Floor. Kinuha niya ang kamay ko at pumasok kami sa mga nagtitinda ng mga bicycles, scooters at mga skateboard.

Winter's Soul || RV x BTSWhere stories live. Discover now