32: Last Date

337 16 0
                                    

-Yeri-

Bumaba ako saglit upang magpahangin. Hindi ko na rin kasi nakaya ang sobrang tahimik na atmosphere sa unit.

Wala na akong time pang mag-ayos. Gusto ko lamang ng sariling time para sa sarili ko. Lately, I've been stressed out.

Hindi ba't masyado pa akong bata para maranasan lahat ng 'to? Lahat ng pangba-bash nila? Minsan, nagsisisi din ako dahil ito ang pinili kong buhay. Mahirap pala, ano?

Guilty ang nararamdaman ko ngayon. Sinisi ko si Jungkook sa mga nangyari sa akin kahit na kasalanan din namin 'tong parehas.

"Yeri," napatalon ako nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nakita ko si Jungkook na nakangiti sa akin.

Tatayo na sana ako upang lumayo sa kanya ngunit pinigilan niya ako. Hinarap niya ako sa kanya at. . Sobrang lapit ng mukha namin.

"Yeri, please. ."

I shook my head. Kahit na nagi-guilty ako, hindi ko pa rin palalampasin 'yung pagkakataong pinagtanggol niya si Yein sa akin.

"Akala ko ba umuwi na kayo? Atsaka d'un ka na kay Yein! Tutal, siya naman ang pinagtatanggol mo, 'di ba?" Triny kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ngunit wala itong bisa.

"Yeri, I'm sorry. ."

"Sorry!? 'Yan na lang ba alam mong word na sabihin sa akin?" I said, bitterly.

Niyakap niya ako. "No. There's more."

Hindi ako nakasagot.

"I love you." Namula ang mukha ko sa sinabi niya.

Does he really mean it?

"Yeri. . Oo, tanggap ko na. . Tanggap ko na na hindi ka pa pwedeng mag-date. Pero please, Yeri. ." Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin, "Please let me be your date this night."

Hindi pa rin ako sumagot.

"Yeri?"

"Yah, release me first!"

Tumawa siya bago niya ako pinakawalan. "Do you really want to date me?" I asked.

Tumango naman siya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya. Tumakbo kami sa isang lugar na alam kong magugustuhan niya.

Ito ang kung saan siya lumaki.

--

"Naalala mo pa ba 'to? Eto 'yung pinaglalaruan natin at muntikan ko nang mabasag," masiglang sabi ko at kinuha ang lumang vase at ipinakita 'to kay Jungkook.

'Yung bahay nila ay wala nang gustong tumira. Nakakatakot din kasi 'to.

Pero wala naman sigurong multo dito 'di ba?

Tumawa siya at pinagmasdan ang vase na hawak ko, "Ah oo! Grabe! Ako pa nga ang napagalitan sa'yo eh!"

Lumakad kami papuntang silid-tulugan. Sobrang dumi na nito oh! Tsk tsk.

"Oh, nandito pa pala ang paborito kong unan," kinuha ni Jungkook ang maduming unan at pinagpag 'to.

"Eto naman sa akin!" Kinuha ko din ang malaking unan. Hindi pa rin ito nagbabago.

"Sandali, linisin kaya natin 'to?" Suggestion ko.

Tumango lamang siya at kumuha ng walis. Ganun din ang ginawa ko. Kumuha ako ng walis at nagwalis-walis.

Naramdaman ko na may malambot na unan na tumama sa akin. Tinignan ko kung sino ang pumalo sa akin at si Jungkook ito.

"Yah!" Binitawan ko ang walis at kinuha ang unan at pinalo sa kanyang bewang.

At doon nagsimula ang pillowfight namin.

Napahawak ako sa aking ulo, "Grabe ka, mamalo, Jungkook! Ugh."

Nilapitan niya ako at kiniss niya ang ulo ko.
"Hoy lalaki ka! Ba't mo ako kiniss!" Pinalo ko siya at sinamaan ng tingin.

"Sabi mo masakit 'di ba? Kaya kiniss ko!" He chuckled.

"Anla!" I jokingly slapped him.

"Ow." Napahawak siya sa pisngi niya, "Hoy! Ang sakit kaya! Kiss mo naman!" Tinuro niya ang parteng namumula.

Hala, ang sakit ata. Namumula eh.

I tiptoed and give him a kiss on his cheeks.

Namula ako ng todo.

"Y-ya, maglinis na lang kaya tayo." Kinuha ko ang walis at nagsimulang maglinis.

Nang maglinis kami at makalahati namin ang bahay, may narinig kaming boses ng bata.

Napahawak ako sa braso ni Jungkook.

Uy, biceps. Dejoke lang.

Pero seryoso, takot na takot ako ngayon!

Palapit ng palapit ang boses. Napaurong kami ng napaurong.

Hanggang sa makita namin ang isang aninong papalapit sa amin. Napaupo kami at napayakap ako kay Jungkook.

"Omma!" Napasigaw agad ako.

Pinikit ko ng madiin ang mata ko. Medyo matagal din akong nakayakao kay Jungkook. Kaya naman binuksan ko ang isang mata ko.

Nakita ko si Jungkook na pinipilit na huwag matawa.

Tumayo na ako at may bata nga talaga. Nakipag-apir pa siya kay Jungkook, "Ang galing mong umarte!" Nag-okay sign siya sa bata.

Napatingin ako kay Jungkook ng masama. "You plan all of this!?"

Tumawa siya at namula na naman ang mukha ko.

Argh, Jungkook!

--

Naglalakad-lakad lang kami ngayon. Wala na kasi kaming magawa pa.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya.

He glanced at his wristwatch. "11:45."

Tumango na lamang ako at tinignan siya.

"Kapag 12:00 AM na, balik na siguro tayo sa dati. Maghihiwalay na tayo ng landas."

Masakit mang isipin. Ngayon lang ako naging masaya. At siya ang kasama ko.

Ngayon ko lang na-realize na siya ang happiness ko.

Is it too late?

"Pero I hope, someday, mapapatawad mo na ako."

Tumango ako. "Pinatawad na kita. . Jungkook." Yumuko ang ulo ko, "Kaso bawal pa tayo."

Ngumiti siya ng malungkot, "Okay lang. Maghihintay ako. ."

Hinawakan niya ako sa aking balikat at hinalikan ako.

Full of love. Of care. .

And I will sure miss him.

Thisis our last date. . And I'm going to cherish it.

"It's 12:00."

Unti-unti akong lumayo sa kanya.

"Goodbye."

**

Winter's Soul || RV x BTSWhere stories live. Discover now