28: Kcon Event

371 18 0
                                    

-Irene-

Matapos ang insidenteng nangyari kagabi ay parang dalawang oras lang ang tinulog ko. Wala akong mukhang maihaharap sa BTS, lalo na kay Taehyung, bukas.

Ginawa ko lang naman 'yun dahil kelangan. Alam kong napaka-cliche ng ginawa ko, pero ayoko namang masira lang ang pangarap niya.

Katulad ng ginagawa ng karamihan, hindi ko na sila papansinin.

Nang bumaba ako ay nagulat ako at nakita ko ang apat na nasa lamesa na agad. Nakayuko sila at parang natutulog.

"Bakit kayo bumaba agad?" Tanong ko sa kanila.

Iniangat nila ang ulo nila, "Hindi ako makatulog," tanging sagot ni Seulgi.

"Ang aga kong nagising," pagdadahilan pa ni Wendy.

"Hindi rin ako makatulog," napahawak si Joy sa kanyang ulo, "At masakit din ang ulo ko."

"Hindi rin ako makatulog." Ang sabi ni Yeri.

Tumango na lamang ako at nagluto na ng maari naming kainin.

"Ano bang oras ang event?" Tanong sa akin ni Yeri.

"Mamayang hapon," hinanda ko na ang mga gagamitin sa pagluto, "Maligo muna kayo habang wala pang tao sa CR."

"Mauna muna ako," bagot na sabi ni Joy. Naka-slouch siyang tumayo at parang down na down siya.

"Ankng nangyari d'un?" Tanong ko sa kanila.

"Nakita niya daw si Sungjae kahapon ng umaga. Aba, ewan ko. Sabi niya nakita niya n'ung umaga, pero hindi pa siya nagigising noong umaga," paliwanag sa akin ni Yeri.

"So? Bakit parang pasan niya ang mundo?"

"Aba, ewan ko unnie. Tanong mo sakanya." Sarkastikong sagot ni Yeri.

__

-Joy-

Narinig kong pinag-uusapan nila ako. Kung bakit parang may problema ako.

Naikwento ko nga kay Yeri na nakita ko si Sungjae kahapon. Umaga.

Sa totoo niyan ay ako ang naunang gumising kinaumagahan.

Napabalikwas ako sa kama ko. Ugh. Ang saral na ng tulog ko eh. Bigla ba namang mag-alarm 'tong phone ko?

Nag-unat unat muna ako bago chineck ang bawat kwarto. Tulog pa sila.

Tinignan ko ang orasan. 4:00 AM palang pala.

Gusto ko na sanang matulog kaso nawala na ang antok ko.

Bumaba ako at may narinig akong bulungan.

Napakunot ang noo ko, binuksan ko ang pinto at nakita ko si Sungjae at si So hyun.

"We're over. Tapos na ang WGM. I can be yours. ." Malambing na sabi ni Sungjae.

Parang nanakit ang puso ko. So all this time, hindi naman pala niya ako mahal?

I let out a bitter laugh.

Bakit nga ba niya ako magugustuhan? Napaka-assuming ko eh.

"Oh, that's good-"

Hindi ko na sila pinakinggan. Pumasok na lamang ulit ako sa kwarto at doon nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Winter's Soul || RV x BTSWhere stories live. Discover now