Chapter 1: Ashtray

51.1K 1.3K 134
                                    

Trey's POV

Excited akong pumasok sa bahay para ipaalam sa mga tao ang good news na natanggap ko ngayong araw. Sobrang saya ko dahil sa wakas, nakapasok ulit ako sa with honors.

My parents was very disappointed in the last grading. I wasn't able to maintain my grades. Hindi ako nakapagfocus dahil sa kakanood ko ng mga Korean Drama Series. Naimpluwesyahan kasi ng mga kaklase kong naadik doon.

I really felt guilty. They expected me to do great consistently. Mataas ang expectation nila sa akin. Nakakapressure pero gusto ko namang maging proud sila sa akin. So I regain myself. Refrain from watching those stuff for the mean time. Nagfocus ako sa pag-aaral. And luckily, I got the reward.

"You're here." Si Kuya na kabababa lang ng hagdan.

"Hi Kuya!" Nakangiting bati ko sa kanya.

"Mukhang masaya tayo ngayon ah?"

Bago pa ako makasagot sa tanong niya, may asungot na tumawag sa pangalan ko.

"TREY!"

When I saw him, mabilis na nagbago ang timpla ng mood ko. Bakit nandito na naman ang taong usok with matching abo na 'to?

"Hi!" Aniya habang nakangiti.

"Hi-hi-yin mo mukha mo!"

Naiinis na binalingan ko ng tingin ang kapatid ko.

"Bakit nandito na naman 'yan? Wala na ba siyang pwedeng puntahan? Hindi naman tambayan itong bahay natin, right?" Tinuro ko pa ang bwisit na lalaki.

"Hey, calm down. I'm always been here. Am I not allowed here anymore?" Ash asked in a little sarcastic tone. Indicating an obvious fact.

"Ikaw ba ang kausap ko? Hindi 'di ba? So shut up!" Asik ko sa kanya. Sumasabat eh.

"Huwag ka ngang ganyan Trey. Ngayon na nga lang ulit nakapunta si Smoke dito, sinusungitan mo pa." Pahayag naman ni kuya.

Anong ngayon lang? Eh dalawang araw lang naman siyang hindi nakapunta rito. I wish he would not come anymore.

Argh! Naiinis talaga ako diyan sa Smoke na 'yan. Weird name. Ewan ko ba kina Mr. and Mrs. Montecillo kung bakit kinuha nila ang pangalan ng lalaking 'yan sa klase ng negosyo nila. Tabacco business.

Smoke Ash Montecillo.

Usok na, abo pa. Nakakatawa.

I prefer to call him Ash than Smoke. Ang pangit naman kasi pakinggan ng huli. Kasing pangit ng vibes niya.

"Grabe. Ang suplada. Meron ka ba?" Natatawa naman niyang tanong.

Mas lalo akong nainis. Tumingin ulit ako kay kuya.

"Ang ganda na sana ng mood ko ngayon. Nasira lang dahil may kalat na 'di kaaya-aya sa paligid. Makaalis na nga at baka kung hindi ako makapagpigil, susunugin ko 'yan hanggang sa maging abo." Pagpaalam ko. Bago umalis, inirapan ko muna si Ash. Dumeretso agad ako ng kwarto at nagbihis.

Nagpapadyak na naupo ako sa kama. Napabuntong-hiningang binagsak ko ang katawan dito. Dahil may usok sa paligid, magkukulong na naman ako rito para iwasang makalanghap.

It's been years since I have this kind of hate towards Ash. Nagsimula 'yan nang maging magbestfriend sila ni Kuya at madalas bumisita rito sa bahay. He started making jokes to me when he noticed how soft I am. Mahinhin daw akong magsalita at maarteng gumalaw. Ang pinakahilig niyang gawin ay bigla na lang akong gugulatin. Dahil sa magugulatin din ako, sisigaw ako ng pagkatinis-tinis. It makes him laugh very hard.

Hindi naman siya sinasaway ng kapatid ko dahil isa rin iyong mapang-asar. Sa tuwing nakikita niya ako, hindi pwedeng wala siyang banat. Kahit pa umiyak ako, parang wala lang sa kanya. Hanggang sa nakasanayan niya na.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon