Chapter 17: Consider

20.3K 620 87
                                    

Trey's POV

Good thing that Mikael and me are in the same college department. Classmates kami sa iilang majors at ganon na rin sa ibang  minors. We had almost the same vacant time din kaya palagi kaming magkikita at magkakasama for sure.

College is really different from high school. Aside from the spelling and pronounciation (if you can state the obvious), it is more challenging, more serious and more matured daw.

Hindi naman siguro naglalaro ng pambata ang isang college student anu.

But behind those things, being on college is more exciting din (according to Ash and kuya Rence).

And oh! Speaking of them, nag-away sila kanina. Not that nagbugbugan talaga. More like, nagbangayan. And you know what the reason is?

Oh my gosh! You will think na para silang mga abnormal o isip-bata. Kasi pinag-awayan lang naman nilang dalawa kung sino ang maghahatid sa akin sa unang araw ng eskwela.

Funny, right?

Or ako lang ang natawa.

Whatever!

So 'yon, nagbangayan sila. But in the end, they agreed na sabay na lang daw nila akong ihahatid.

Napaisip ako. Ano bang problema kung bakit pa nila kailangang magbangayan? Para ihahatid lang eh. Ang weird nilang magbestfriend ha. Really.

Baka sa unang araw lang din 'yan. What if kapag naging busy na sila lalo na't varsities? Paniguradong hindi na nila ako maihahatid.

Hay naku, may mga kalog talaga sa utak.

Itinext ko na lang si Mikael kung nasaan na siya. Yes, I had a contact number of him. I'm so happy na kahit dalawang linggo pa lang kaming magkakilala ay naging malapit na kami agad sa isa't-isa.

Ilang beses ko na kaya siyang inayang magmall at gumala kung saan-saan. Once, nakapunta pa siya ng bahay. He also met my bungangerang yaya. And I must say that they are already close na.

Hindi naman pala boring kasama si Mikael just like what he said na kaya wala siyang naging kaibigan noon because he looks boring daw. Mukha lang siyang tahimik because on his looks. Pero kung makikilala mo lang talaga siya, napakasaya niyang kasama. Siya 'yong tipo ng taong totoo sa sarili.

Katulad ko parin pala siyang pranka at hindi talaga siya nahihiyang magkwento. Maybe he's comfortable with me. Ako rin naman eh. That's why naging magbestfriend kami.

Yes we are already bestfriend. My instinct was right. Pwede na ba akong maging si Madam Auring?

Ay ang bobo ko. Manghuhula pala siya. Is just an instinct and it's natural for a human to have an instinct. Eh ang hayop nga magaling dito.

But wait, bakit naman ako napunta riyan? Pssh.

Ilang segundo ay nagreply siya. He stated in his message na nasa pasilyo na siya kung saan matatagpuan ang magiging classroom namin for our first subject.

Sa second floor iyon ng isang building at malapit lang dito. Agad akong tumungo roon and I saw him standing outside the classroom.

"Hi Mik!" I greeted him.

"Hi Trey." He responded. Ngumiti siya. Ang kyut talaga.

"Why are you still here? Bakit hindi ka pa pumapasok?" Tanong ko sa kanya.

Napayuko siya. "Kinakabahan kasi ako Trey. Nahihiya rin ako sa mga magiging kaklase natin." Sagot niya na ikinunot ng noo ko.

"Bakit ka naman kinakabahan? Duh! Tao rin sila nu. Hindi ka naman nila kakainin."

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon