Chapter 30: Hurt

15.8K 589 224
                                    

Trey's POV

I think it is the right time to talk to him. Hindi na kasi ako mapalagay kung ano na ba ang estado ng relasyon naming dalawa. Dalawang linggo na rin kaming hindi nag-uusap. Pinalipas ko muna ang isang linggo dahil sa midterm examination namin. Pero this time, kailangan ko na siyang makausap at ayaw ko nang ipagpabukas pa ito. Lalo na do'n sa ipinost ni Julia na future husband siya nito?

Ano ang ibig sabihin no'n. Totoo ba 'yon?

Mabuti na lang hindi nito naapektuhan ang pagtake ng exams ko. May tiwala kasi ako sa kanya.

"Sa'n punta mo ngayon?" Tanong ni Summer habang pareho naming nililigpit ang mga gamit. Katatapos lang naming itake ang huling exam.

"S-Sa bahay ng tita ko. Pinapapunta niya kasi ako roon," pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan, pupuntahan ko si Ash sa condo niya. Plano ko kasi na after ng exam ay pupunta ako roon.

"Why?" I ask Summer.

"Wala lang, gusto ko lang sana kitang ayain na kumain sa labas. Ililibre kita ng paborito mong ice cream atsaka ng kwek-kwek." Aniya.

Waaaah! Sayang.

Napasimangot ako. Wrong timing talaga siya oh.

"I want to, kaso nagmamadali ako ngayon eh. Next time na lang." Napasimangot din siya sa naging sagot ko. Gusto ko tuloy pisilin ang mukha niya. Ang kyut eh.

"Sayang naman." Sayang talaga lalo na't ganito ang mood niya. Rare masyado ito para sa kanya. 'Yong usual kasi na Summer ay masungit at snob.

"Sorry." Mas lalo siyang napasimangot. Gosh! Mukhang madadali ata ako neto ah. Bakit ganito siya kakyut? Lalaki siya pero hindi masagwang tingnan sa kanya.

"Ahm sige payag ako pero sandali lang tayo ah. Meron pa naman akong isang oras. It takes me 25 to 30 minutes bago makarating kina tita. So basically, I have approximately 30 minutes pa. So tara na."

"Pssh. Tatanggi pa eh papayag  din naman pala. Nagmamadali ka pa talaga. Ayaw mo lang ata akong makasama eh." Medyo naiinis na wika niya.

"Anong ayaw kitang makasama? Eh bakit kasama kita ngayon, edi sana iniwan na kita." Katwiran ko.

He chuckled. "Nagbibiro lang. Galit ka na agad niyan?"

"Ikaw naman kasi eh." Depensa ko.

"Nag-aaway na naman ba kayo?" Sabay kaming napalingon nang biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Mikael." Tawag ko sa pangalan nito. I smiled at him. "Tapos na exam mo?"

"Bago lang."

"Kami rin. Do you want to join us?"

"Bakit? Ano bang gagawin niyo?" Kunot-noong tanong niya.

"Kakain sa labas, libre ni Summer." Sagot ko. Nagulat siya. "Wow! Galante ah."

"Kuripot nga eh. Akala ko nga sa restaurant niya ako dadalhin, sa labas lang pala ng school. Doon sa nagtitinda ng mga street foods." Birong wika ko. Nang tumingin ako kay Summer nakita ko ang pag-ismid niya. Bakit ang cute ng lalaking ito ngayon?

"Hindi naman kasi ako katulad niyong mga mayayaman." Masungit na usal niya.

"Pfffft. Hala! Nagdadrama siya oh. Hahaha. Nagbibiro lang ako uy."

"Hindi nakakatawa."

"Grabe ka! Ikaw nga kung makapagbiro diyan, wagas."

"Nag-aaway na kayo niyan?" Mikael interfered.

"Hindi! Nag-uusap lang kami." Sabay naming sagot kay Mikael.

"Okay, easy guys. Nagtatanong lang."

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon