Chapter 7: Suitors

26.3K 768 103
                                    

  
Trey's POV
  

Hindi ako makapaniwala na may pagtingin para sa akin si Izzy. Matagal na niyang nililihim at hindi niya lang daw kayang sabihin dahil sa nahihiya siya.

Hindi kaya lumuwag na naman ang turnilyo sa utak niya?

Kung totoo man, bahala siya sa buhay niya. Malaki na ang pinoproblema ko kay Ash. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa isang 'yon. Huwag na siyang dumagdag pa kamo.

"Kuya, alis na ako." Pagpaalam ko sa kapatid ko. Hindi niya ako maihahatid ngayon at magtataksi na lang dahil nasira raw ang head lights ng kotse niya. Binangga raw ito ni Katelyn kagabi.

Sarap talagang sabunutan ng bruhang 'yon. Mabuti pa siya kamo nakapagmaneho na ng kotse ni Kuya eh samantalang ako hindi ko masubu-subukan dahil natatakot daw siya na baka mabangga ko. O 'diba't nadisgrasya pa ng hitad?

Dahil sa kagagahan ng Katelyn na 'yon, heto't magtataksi ako ngayon. Medyo pahirapan pa naman maghanap minsan. Pero okay na 'yon kaysa sumakay ng dyipni o bus. Hassle na masyado. Mabuti binigyan ako ng pamasahe ni Kuya. Ngiting-ngiti pa ako dahil nang humingi ako ng extra-money ay nag-abot din siya. Pakunswelo na rin daw niya dahil iniwan niya ako kagabi sa Mall.

"Thinking about me while smiling?"

"Ay anak ka ng tipaklong!" Napasigaw at napatalon ako sa gulat nang pagsara ko ng gate ay biglang may sumulpot sa tabi ko.

"Papatayin mo ba ako sa takot?!" Bulyaw ko kay Izzy. Humingi naman siya ng paumanhin.

"What are you doing here?" Mataray na tanong ko sa kanya.

Umagang-umaga pa lang ay sira na agad ang araw ko. Sa dinamidami ng tao sa subdivision namin, siya pa talaga ang makikita ko. Sabagay, magkaharap lang ang aming mga bahay. Kalilipat lang nila riyan kahapon. Sila ang nakakuha ng property ng mag-asawang negosyante na lumipat na ng ibang bansa kamakailan.

Gulat na gulat ako kahapon nang makita ko siyang tumutulong sa pagbubuhat ng mga gamit papasok ng bahay. Lumabas kasi ako para magtapon ng basura at sumilip-silip kung sino ang bagong lipat. Nang makita ko si Izzy, agad akong napatakbo sa loob ng bahay namin. Nakita rin niya ako at tinawag pa pero hindi ko na siya pinansin.

This is not a good sign. Balak ko sanang iwasan si Izzy at madali lang gawin iyon sa school dahil hindi rin naman kami magkaklase. Pero parang malabo atang mangyari dahil ito nga't magkaharap lang kami ng bahay.

I'm doomed.

"Ihahatid na kita." Nakangiting saad niya.

I felt weird. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nakangiti sa akin.

"At bakit mo naman ako ihahatid aber?" Humalukipkip ako sabay taas ng isang kilay sa kanya.

"Ang sungit mo talaga kahit kailan. Ganyan ka ba magwelcome ng new neighbors mo?"

"Hindi ako magwewelkam ng asungot na kapitbahay." Giit ko. "Now, if you'll excuse me." Inismiran ko na siya at nilagpasan. Wala akong oras makipaglokohan sa kanya at baka maleyt pa ako sa klase.

Nakailang hakbang pa lang ako nang hulihin niya ang braso ko. Binitawan niya agad ito at mabilis akong hinarangan.

"Anong problema mo na naman?" Kapag hindi ako nakapagpigil, kukuritin ko na talaga siya sa singit.

"Sabay na tayo. Pareho lang naman tayo ng school eh." Pahayag niya at ngumiti ulit.

Pakiramdam ko nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan. He don't need to do that! He looks so creepy right now.

"I can go to school alone. Hindi ako bata para ihatid mo pa. Isa pa't hindi tayo close nu. Umalis ka na nga sa dinadaanan ko."

"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo."

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon