Chapter 6: Confess

30.5K 883 195
                                    

  
Trey's POV
  
  
Isang linggo na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa isipan ko ang ginawa ni Ash. Bawat sandali na hindi okupado ang utak ko ay iyon agad ang naaalala ko.

Hindi ako makapagkonsentreyt sa mga baga-bagay. Kung anu-ano na ang ginagawa kong pang-aaliw sa sarili para makalimutan lang ang nangyari. Nagmumukha tuloy akong baliw.

I tried my best to avoid Ash. Pero kahit anong gawin ko, parang pinaglalapit naman kami ng tadhana. At ang damuho, parang wala lang sa kanya ang nangyari. You cannot see even a hint of shame.

Hindi niya rin ako kinakausap o inaasar dahil mukhang napapansin niya na ayaw ko siyang makausap. But somehow, hinahanap-hanap ko siya. I didn't realized it at first. Pero sa mga nakalipas na mga araw ay unti-unti ko ng tinatanggap na may pagtingin ako sa kanya. At hindi ko iyon matanggap-tanggap.

Kinain ko lang ang lahat ng mga sinabi ko dati na kahit siya na lang ang matirang lalake sa buong mundo ay hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. May pasumpa-sumpa pa akong nalalaman. Ayan tuloy, nagback fire lahat sa akin.

Pagkatapos ng halikang iyon ay para akong natuod. Mabuti na lang kamo ay nakatulog ako sa couch at nagising na na ng bandang gabi. Tumigil din ang ulan at ligtas ng bumiyahe. Gusto sana niyang manatili ako sa condo niya ng isa pang gabi pero hindi na ako pumayag kaya pinilit kong magpahatid.

I don't know how long I can avoid him at this rate. Iniisip ko rin na dapat ko na siyang harapin. Kailangang pag-usapan namin ang nangyari.

I need to prepare myself. I think ako na lang din ang hinihintay ni Ash na makipag-usap sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ba ang ibig-sabihin ng halik na iyon. Ang pagseselos kuno niya kay JB. Ayaw kong mag-aasume ng mga bagay-bagay hanggat hindi pa niya binibigyan ng linaw. At the end of the day, ako lang din ang masasaktan.

"Lalim ng iniisip natin ah."

Nabalik naman ako sa kasalukuyan nang biglang may nagsalita at umupo sa tabi ko. Nang mapagsino ko ito, literal na nanlaki ang mga mata ko.

"J—JB." Nauutal na sambit ko sa pangalan niya. Hindi ko inaasahan na ang ultimate crush ko ay nasa tabi ko na ngayon.

Dapat nagtatalun-talon na ang puso ko dahil sa labis na saya. Though I feel a bit of excitement pero parang hanggang doon lang iyon. Ganito ba talaga ang epekto sa akin ni Ash? Na kahit ang crush ko simula pa ng first year ay kausap ko na at hindi man lang ako nakaramdam ng kasiyahan.

Deretso lang ang tingin niya. Para rin siyang may dinadala. Nakaupo kami ngayon sa bleachers ng football field. Paborito kong tambayan ang lugar na ito sa tuwing gusto kong mapag-isa.

I look at the same way. Wala na rin akong maapuhap na sasabihin dahil naging tahimik din siya. Ang awkward ng atmosphere. Well, maybe only for me.

Ang panget talaga ng timing. I've been waiting for this moment for years. This is my chance to make him noticed me. Pero anong gagawin ko? Gulong-gulo rin ang isipan ko pati na ang puso ko dahil kay Ash. It's a total mess right now.

Mayamaya siya rin ang bumasag ng katahimikan. "Ah, Trey."

I look at him. Nasalo ko agad ang singkit niyang mga mata. Ang gwapo talaga niya. Even the photos of him don't give justice of how handsome he is.

"Can we be friends?"

Teka, sandali. Tama ba ang pagkakarinig ko? Gusto niyang makipagkaibigan sa akin? Humalik na ba ang langit sa lupa?

Hindi kami magkaklase pero matagal na kaming magkakakilala. Hindi naman marami ang bilang ng estudyante sa school na ito dahil sa pribadong paaralan kay hindi malabong makilala namin ang isa't-isa. Pero ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap na kaming dalawa lang. Kaya nakakapagtaka.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon