Chapter 13: Confusion

22K 792 144
                                    

Smoke's POV

K

inilabutan talaga ako nang sabihin sa akin ni Trey na gusto niya ako. Nabigla ako, uo. Hindi ko kasi akalaing magkakagusto sa akin ang taong kinasusuklaman ako. Not totally, pero parang ganon na rin 'yon. Wala namang balak si Trey na paslangin ako eh. Pero sa tingin ko paulit-ulit niya akong pinapatay sa isip niya. I wonder kung paano niya ako tinotorture doon. Hahaha.

Balik tayo sa pagiging seryoso. When he said that--- na gusto niya ako, natameme ako that time. At sa huli, isang thank you lang ang nasabi ko.

Ewan ko, hindi ko kasi alam ang sasabihin. I never expected na aatras ang dila ko dahil lang sa may nagsabi sa akin na gusto niya ako. Sanay kasi akong makarinig ng ganyan.

Hindi sa pagiging mayabang ha, but I have the looks. Girls are keep on telling they like me. Natural na iyon dahil nga sa ehem... Gwapo nga ako at varsity player pa ng university namin. Sa'n ka pa diba?

There are also gays na nagsabi na gusto nila ako. Pero katulad sa mga babae, parehong hindi ko na pinapansin. As what I've said, I'm used to it.

Wait, parang nagiging mahangin na ata ako ah? Nalanghap ko marahil ang kahanginan ng bestfriend kong si Terrence. Hahaha.

So 'yon, sanay na ako. Wala akong reaksyon kapag may nagsasabi no'n sa 'kin. Pero kay Trey, ewan ko. Hindi ko matukoy kung anong naramdaman ko.

Hindi naman ako dapat magkakaganun, pero si Trey kasi ang nagsabi eh. Nagconfess ng nararamdaman ang taong nagpapagulo sa isip ko kung ano ang tingin ko sa sarili ko.

Hindi ko alam but I'm I think I'm confused. Confused ako sarili ko na ano ako... dahil parang may nararamdaman na ako sa kanya.

I don't want to admit it pero 'yong sarili ko na mismo ang magpapatunay.

After that conversation with Trey, hindi na ako nagpakita sa kanya for two weeks.

I have reasons.

Hindi ako nagpakita kasi I don't want to be like them. Open-minded naman ako pagdating sa gender nila pero ayoko maging isa sa kanila. Lalaki ako. Kaya umalis ako to know If I was wrong.

I don't know exactly but I think I like Trey. Hindi naman kasi ako mangmang para hindi malaman mismo sa sarili ko na gusto ko siya.

Hindi nga ba?

Mukhang effective nga na hindi ko nakikita si Trey sa mga panahong iyon. Hindi ko nga siya gusto. I was that happy nang mapatunayan ko. Sa tingin ko I see him as a younger brother lang. Diba nga, pinangarap ko magkaroon ng mas batang kapatid.

I'm happy na nasigurado ko nga ang nararamdaman at ang tingin ko sa sarili ko. Pero alam niyo 'yon, parang plastic ang pagiging masaya ko.

Hindi ko na pinansin. Basta hindi ako bakla. Lalaki ako.

Sa hindi pagpapakita kay Trey ay umuwi ako ng bahay. Sakto 'yon kasi sa mga araw na 'yon ay sunod-sunod ang occasion. Birthday nina mom at dad at anniversary din ng kasal nila. Tuwang-tuwa ako knowing that magsicelebrate sila but I was expecting too much. Again, wala na namang nangyari. Nagpromise sila pero hindi na naman natupad.

Damn with there excuses. Gano'n na lang parati. Nakakasawa na.

They spent those important days sa pagtatrabaho. Ano pa nga bang aasahan ko? Kasabay nang paglimot nila sa mga mahalagang araw na 'yon ay ang paglimot nila na meron pa silang anak.

Ilang occasions na ba ang hindi nila sinicelebrate? Christmas lang ata ang nasicelebrate namin na kompleto kami dahil nagrereunion ang pamilya sa side nina mommy. The Alegre family.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Where stories live. Discover now