Chapter 33: Awkward

16.1K 606 97
                                    

Trey's POV
  
"Babe."

"Hhmm?"

"You keep on smiling? Ako ba ang dahilan ng pag-ngiti mo?"

Mas lumapad ang ngiti ko. "Oo."

"Talaga? So kapag iniisip mo 'ko, napapangiti ka?"

Wow, assuming ha. Pero tama rin siya dahil napapangiti talaga ako sa tuwing iniisip ko siya. Of course, mahal ko siya.  But not all the time ganoon ako. There are times na nagagalit, naiinis at nasasaktan din ako. At iyon ay kapag may ginawa siya na maaring ikaramdam ko ng mga ito.

"Hindi nu! Kapal nito. Minsan kaya parang gusto kitang patayin."

"A-Ano? Grabe ka naman babe. Kikiligin na sana ako eh. So pa'no 'yan, delikado pala ako sayo?"

"I'm not done speaking. You're too excited. May karugtong pa 'yon but I don't want to tell it. Nahihiya na tuloy ako."

"What is it babe? Go on, tell me. I want to hear it. Parang gusto ko 'yan. Dali, sabihin mo na."

Para siyang babaeng kinikilig sa inaakto niya.

"Ayaw nga sabi eh. Basta akin na lang 'yon. Korni eh. Maiba na nga lang tayo." Nag-pout ang mokong. Sarap hilahin ng nguso niya. Gwapo na nga, nagpapakyut pa. Gosh! Can he get enough. Hindi pa rin ako sanay sa presensya niya. I'm not like this before. It suddenly change when I fell in love with him.

Bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya. "Tama ka sa sinabi mong dahilan kanina kung bakit ako nakangiti. Pero may isa pang dahilan 'yon."

"Ano?" Tanong niya.

"Na natutuwa akong hindi ka pumayag na sumama sa atin si Julia." Sagot ko na ikanaseryoso ng mukha niya.

Yes, Julia is not here in the restaurant where Ash brought me. Obviously! Mabuti na hindi pumayag si Ash dahil kung oo, naku, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Babawi na nga lang siya, kasama pa si Julia na siyang dahilan ng pag-aaway naming dalawa.

Ramdam ko na nagi-guilty siya sa pagrefuse niya kay Julia. They're friends. Sasama rin ang loob no'ng isa dahil hindi siya pumayag. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay pagbibigyan mo ang kaibigan mo. May mga sandali na pwede kang tumanggi sa kung anong hilingin o pakiusap nila.

"Sorry." Napayuko rin ako. Kahit papano nakokonsensya pa rin ako. I have my friends too. Gano'n din marahil ang mararamdaman ko.

"I-It's okay. Don't be sorry. Offcourse I have to refused dahil date natin 'tong dalawa. Kailangan ko pang bumawi sayo. Kung nakasama siya edi mas lalo kang magagalit sa akin."

Bigla akong nakaramdam ng guilt.

"A-Ash. I want to tell you something, I want to be honest. Sana hindi ka magalit."

"Go on. Tell it. Promise. I won't be mad."

"Promise?"

He raised his left hand. Napaismid tuloy ako. "Hindi ganyan ang nagpapromise. Dapat right hand 'yan."

Napatingin siya sa kamay niya na ikagulat niya rin. "Ow!" Mabilis niyang pinalitan ng kanyang kanang kamay iyon. Napatawa tuloy ako.

"Oh ayan! Promise. I won't be mad. Basta huwag mo lang sabihin na iiwan mo ako."

"Hindi kita iiwan. Baka ikaw pa nga ang mang-iwan eh."

"No! I will never leave you. Hindi ko kakayanin kapag mawala ka sa buhay ko."

Muli akong ngumiti. Sana nga Ash. Hindi mo ako iiwan dahil hindi ko rin kakayanin kapag umalis ka. Pero kung hihilingin mong aalis ka dahil may mahal ka ng iba, tatanggapin ko iyon. Huwag ka lang aalis ng hindi nagpapaalam. And when that happens, sana handa at kaya ko nang pakawalan ka.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon