Chapter 40: Revelation

21.7K 689 146
                                    

Trey's POV

"Happy Birthday bunso!" Sabay na bati sa akin ni mommy at daddy at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Ilang beses na ata nila ako binati.

Mabuti na lang at December ang birth month ko, 10th day, dahil ito ang panahon kung saan nagbabakasyon silang dalawa kaya masayang-masaya ako na nandito sila parati kapag nagcecelebrate ako ng birthday.

Minsan nga naiinggit sa akin si kuya pero okay lang naman daw iyon sa kanya.

Hindi magarbo ang celebration. Kumain lang kami sa labas na mag-anak. Ako nagpumilit na simple lang. Seventeen naman na ako eh.

Ang importante ay kumpleto kami lalo na papalapit ang pasko. Once in a blue moon lang kung umuwi ang parents ko rito.

Naging maayos na ulit kami ng parents ko dahil hindi ko pinilit ang relasyon namin ni Ash. Okay daw sa kanila na magboyfriend ako basta hindi lang maapektuhan ang pag-aaral at ang pamilya namin. Kaya nga sumuko na ako para sa kapakanan ng pamilya ko.

My parents are the most amazing people in the whole world. I don't want to see them suffer because of me. Isa man akong duwag pero mahal ko kasi ang pamilya ko. Sa kanila pa rin ako babalik at babalik.

It's been one month simula ng tapusin ko ang relasyon namin ni Ash. I have regrets and what ifs. Normal lang naman siguro iyon dahil mahal mo ang isang tao.

Isinakripisyo ko ang sariling kaligayahan para sa kapakanan niya at ng mga taong nakapaligid sa amin.

Pinagsisihan ko man, pero alam kong tama ang ginawa ko. Makakamove-on din ako. Sariwa pa ang mga sugat pero alam kong maghihilom din ito balang araw.

Lahat naman ng sugat ay naghihilom, diba?

Kusa itong gagaling o may ginamit na gamot upang maghilom ito. Sa tao kapag nasusugatan, panahon ang kailangan upang maghilom ito ng kusa o may taong handang gamutin ang sugat na natamo.

For now, I need time. Hindi pa ako handang magmahal pang muli. May takot na ako dahil sa naranasan ko.

Sabi nga ni mommy, normal lang daw iyon kapag nagmamahal. Hindi lahat ay puro saya lang. Mararanasan mo rin ang masaktan. Tutal bata pa raw ako. Mag-aral na lang daw muna. Huwag daw akong feeling babae.

Alam mo ba 'yong seryoso ang pag-uusap tapos sisirain lang. Well, sanay naman ako kay Mommy. Ganyan talaga siya. Minsan nga nauubusan na ng pasensya si Daddy pero dahil sa mahal niya, iniintindi na lamang niya.

Ang sweet nila no. Kailan kaya ako makakahanap ng tulad ni Daddy? Maunawain. Sa kanya ko ata namana ang pagiging maunawain.

"O ba't ganyan ang mukha ni bunso? Birthday mo oh. Smile ka nga." Lumapit sa akin si kuya at hinawakan ang pisngi ko. Napanguso ako. Ang sakit kaya. "Smile na."

Ngumiti ako ng napipilitan. Pinisil ulit niya ang pisngi.

"Mom oh!" Sumbong ko kina Mommy. Tumawa lang sila. Mas lalo akong napasimangot.

"Kyut pa rin ng baby ko." Si Daddy naman ang pumisil ng pisngi ko. Bakit ba ang hilig nilang gawin ito sa akin? Nakakainis na.

"Daddy naman eh!" Reklamo ko. Tinawanan lang din ako ni Daddy.

"Asan na pala ang mga kaibigan mo?" Pag-iiba ni Mommy.

"Nagtext na malapit na raw sila 'mmy. Dinaanan pa kasi ni Summer si Mikael."

"Gano'n ba. We can still wait for them tutal wala pa naman ang inorder namin."

Nginitian ko si Mommy at tiningnan ang phone. Nasa labas na raw sila at papasok na ng restaurant na kinaroroonan namin.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon