Chapter 11: Just a human

24.3K 766 240
                                    

Trey's POV
   
Bakit gano'n? Kung kailan nagsisimula na akong masanay na hindi siya nakikita, doon pa siya babalik at sasabihin sa akin na namimiss niya ako. Ni hindi nga nagparamdam kahit tawag o text man lang.

Umiiwas siya. Wala akong makitamg ibang rason maliban dito. Tapos babalik at lilitaw lang siya na parang hindi niya ako na-offend?

Hindi na ako nakaangal nang hilahin niya ako papasok ng kanyang kotse. Kahit si Izzy na sinubukan akong agawin ay hindi nagwagi. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos dito.

I don't want to assume things again from what he's doing right now. Ikakadismaya ko lang iyon. Kapag kinumpronta ko siya't sasabihin niya lang nami-miss niya ako bilang kapatid. I don't want to hear that again.

"Where are we going?" Tanong ko. Napansin kong iba ang kalyeng tinatahak namin. Hindi ito ang patungo sa bahay.

"Magdidate tayo." Sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Mabilis ko siyang tiningnan. Teka, tama ba ang narinig ko? Nagharumentado ang puso ko sa kaba.

"D—Date?" Ang nauutal na tanong ko sa kanya. Natawa naman siya.

"We didn't have a normal convesation these past few weeks."

At sinong may kasalanan aber? Kung sinabi lang sana niya na hanggang kapatid lang ang turing sa akin ay wala sana magiging problema. But the fact na pinaabot pa niya ng lagpas dalawang linggo. Tapos nag-thank you pa siya dahil sa gusto ko siya kaya ang ibig-sabihin lang no'n ay pinapaasa niya ako. It's not actually my fault. He can talk to me again just like before.

Matatanggap ko pa siguro ang mga biro niya kaysa sa silent treatment na binigay niya.

"I just miss you kaya ididate kita. Treat, you know."

Pwedeng buksan ang sasakyan at bumaba roon kahit tumatakbo pa ito? Gusto kong mahulog at masagasaan nang nakasunod na mga sasakyan!

Hanggang kailan ba ako mag-aassume? Ito na lang ba ang laging ipaparamdam niya sa akin? Ito na lang ba ang kaya niyang ibigay sa akin?

He will never like me. Hindi talaga. Kaya dapat huwag na akong umasa. He's straighter than a pole. Mahirap baliin.

Kung putulin ko na lang kaya?

Gosh! Medyo na green ako do'n ah.

Natahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Sa utak ko ay ayaw kong pumayag pero iba naman ang sinasabi ng puso ko.

Alam kong aasa ako sa pagsama sa kanya pero paraan na marahil ito para itatak ko mismo sa puso ko na wala kaming pag-asa na dalawa. Sasanayain ko na lamang ang sarili. Baka bumalik pa kami sa dati.

"Hey, Bakit natahimik ka?"

"Ha? Ah eh, wala. Wala naman akong sasabihin." Nahihiyang sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. Kanina pa ako nakakaramdam ng ilang kaya tinutuon ko na lang ang atensyon sa labas.

Paano ko naman siya kakausapin ng matino matapos kong umamin sa kanya? Kahit pa pinaalahanan ko ang sarili na kausapin siya ng normal pero iba na kapag nasa harap na.

Maliban sa ilang, nasaktan din ako kahit paaano. Ang sakit kaya mag-assume.

"Don't you miss me?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Slight." Tanging nasagot ko na lang kahit ang totoo niyan ay miss na miss ko siya.

"Aw. Slight lang? Ang tagal nating hindi nagkita tapos hindi mo man lang ako namiss. It hurts." Aniya na kunwari'y nasasaktan. Napahawak pa siya sa dibdib niya at natawa ng mahina.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon