Chapter 32: For the first time

17.9K 569 88
                                    

Trey's POV

Masaya akong pumasok kinabukasan. Of course, sinong bang hindi gaganahan kung inihatid ka ng boyfriend mo sa school at hanggang sa classroom ay inihatid ka rin.

Medyo nainis lang ako dahil sa tilian ng malalandi kong mga kaklase. Nakita kasi nila si Ash at dahil isa ngang varsity player, plus gwapo pa malamang pinagpapantasyahan 'yan ng mga kababaihan. Parang gusto ko ngang sigawan 'yong mga kaklase ko na "Huwag kayong malandi! Boyfriend ko 'yan."

Hays! Masarap sana sa feeling na gawin 'yon kaso hindi pwede. Masisira ang reputasyon ni Ash.

Napakahirap talagang pumasok sa ganitong relasyon. Mahal namin ang isa't-isa ngunit kailangan naming itago. And you know the reason behind.

I know hindi lang ako ang nasa ganitong sitwasyon. Kailangang ikubli sa mga taong mapangmata at mapanghusga.

We can fight, pero hanggang saan?

We both know na hindi madali ang pumasok sa ganitong relasyon. But it's our choice. Dito kami masaya.

Ash mouthed na mauuna na raw siya. For the first time rito sa school, ningitian niya ako. Of course, kinilig ang lola niyo kaso, agad ulit 'yon napalitan ng inis nang tumili na naman ang mga kaklase kong babae. Akala mo sila ang nginitian. Hala! Ang lalandi ha!

Nang makaalis si Ash ay pumasok na ako ng classroom. Agad akong nilapitan ng mga ito. Wow ha! First time nilang lumapit sa akin. For sure it's about Ash.

"Ihhh Anderson, close ba kayo ni Montecillo? My Gee! Inihatid ka ba niya? Waaaah! Ang swerte mo!" Kinabahan ako sa naging tanong ng isa sa kanila. Baka bigyan nila ng meaning ang paghatid sa akin ni Ash.

"Ah eh. H-Humingi kasi ng favor ang K-Kuya Rence ko na ihatid ako ni Ash since magbestfriend sila."

"Talaga? Waaaaah! Ang swerte mo naman. Oh wait! Did you said Rence? Terrence Anderson? Oh my Gee! Magkapatid kayo ni Terrence? Ang team captain ng basketball team?" Ani ng isa.

Gulat ang rumehistro sa mga mukha nito. Ayan kasi, hindi nagtatanong. Saka lang mamamansin kung may kailangan. Mga tao talaga ngayon.

Tumango lang ako bilang tugon sa kanila.

"Talaga! Bakit ngayon mo lang sinabi edi sana nahingi namin ang number ng kuya mo. Waaah! Here, can you save his number." Sabi ng supalda kong kaklase na ngayon ay naging mabait sabay lahad ng cellphone niya sa akin.

"Ako rin."

"Me too! Ihhh. Magkakaroon na ako ng number ng mga isa sa mga varsity player natin. Bilis na Trey. Bigay mo na sa amin."

Ayaw kong ibigay sa kanila ang number ni kuya dahil baka guluhin nila ito. Pero ayaw ko rin na pagdamutan ang mga ito dahil baka mas lalo silang magiging rude sa akin. So binigay ko 'yong lumang number ko. Ako na lang magtitext sa mga ito at magpapakilalang kuya ko.

I would text them "Sorry , I'm taken" kapag nagtext sila. Alam na nga nilang may girlfriend na 'yong tao lalandiin pa nila.

"Eh 'yong kay Smoke Ash Montecillo? Pwede mo bang ibigay?" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng isa sa kanila.

"Nasira daw ang cellphone niya at tinatamad siyang bumili ng bago kaya hindi rin siya makakareply sa inyo." Mataray na wika ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko silang sabunutan isa-isa.

Pagkadismaya ang sunod na rumehistro sa mga mukha nito.

"Okay na 'yong sa kuya mo atleast meron. Diyan ka na nga. Itetext pa namin ang kuya mo." Sabay-sabay silang umirap at umalis lahat sa harapan ko.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon