Chapter 4: Drowned

28.4K 912 99
                                    

Trey's POV
   
Naabutan kami ni Ash ng malakas na ulan habang nasa biyahe. Mabuti na lang kamo at malapit kami sa area kung saan ang condominium niya. Doon na agad kami dumeretso.

Ngayon ko lang din nalaman na may condo unit pala siya. Atsaka hindi lang basta-basta ang gusali na kinaroroonan nito. It's very huge and luxurios. Hindi ko na dapat ipinagtaka iyon dahil alam kong mayaman naman ang pamilya ni Ash. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha

"You have to take shower para hindi ka magkasakit."

Kinuha niya ang bag ko at pati na si Abo nang makapasok kami sa loob ng condo unit niya.

Ayaw ko pa sanang sumama rito at nagsuhestiyon na lang na magtataksi pauwi pero hindi siya pumayag. Masyadong malakas ang ulan. Mukhang mahihirapan din akong kumuha ng taksi pagnagkataon. Isa pa't basang-basa na ako at nakakaramdam na ng lamig. Mabuti na lang kamo waterproof ang bag ko at hindi nabasa ang mga gamit ko sa school. The most important thing than my soaked clothes.

Ang ganda sa loob. Sobrang lawak at linis. Mas maganda pa ang living room nito kumpara sa bahay namin. Mukhang mamahalin din ang mga gamit. Napatingin ako sa pader na salamin. Nasa magkabilang gilid ang kurtinang puti na lumagpas sa sahig. From that, you can see the view of the whole city soaking in rain.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Ash. May hawak siyang maliit na tuwalya at inalahad niya iyon sa akin. Napatitig lang ako rito.

"You have to take shower before you catch a cold."

"Ah—oh." Bigla akong kinabahan. Mali atang pumayag akong sumama rito. Tila nagkaroon ako ng kutob na may hindi magandang mangyayari. At kung ano iyon? Hindi ko alam!

Napabuntong-hininga siya at pinunasan ang basa kong buhok. Nakatitig siya sa mga mata ko at ganoon din ako.

Bakit hindi ko man lang siya pinigilan? What's happenning to me? Saan na ang Trey na ma-pride at galit na galit sa lalaking ito? I should be annoyed and bad mouthing him right now. Tuluyan na ba akong ipinagkanulo ng aking sarili?

"The bathroom is inside my room." Aniya at tinuro ang pinto kung saan ang kwarto. "There's another towel there. Nilagay ko na rin sa kama ang pampalit mo. I will just make something hot to make you warm. Go now."

Tumango ako bilang tugon at pumasok na sa kwarto niya. Kung namangha na ako nang makita kanina ang sala, mas lalo pa nang makita ko ngayon ang kwarto.

Iba talaga ang nagagawa kapag mayaman. You can easily get the things you wanted. Pero in fairness kay Ash ha, malinis din sa kwarto. Nakaayos lahat ng gamit lalo na ang bed covers ng kama.

Napatingin ako sa damit at padiyama na nakalatag roon. Nagtaka ako. Sa kanya ba ang mga ito? Kung ikukumpara kasi sa laki niya, mukhang hindi kakasya.

"Mag-shower ka na. Why are you still standing there?" Napalingon ako sa pintong hindi ko naisara. Nasa labas si Ash na may hawak na baso. Nagtataka siyang nakatingin sa akin.

"Ah—Okay." Nauutal na sagot ko. Kinuha ko na ang mga pampalit at dumeretso ng banyo.

Hindi agad ako nakaligo dahil sa pagiging mapang-usisa ko. Isa-isa kong tiningnan at binabasa ang mga pangalan ng produktong naroroon. From the shampoo, shower gel, tootpaste, moisturizer and many more. Napapasinghap pa ako kapag nakikita ko iyong mga brand na hindi ko afford bilhin online.

Nakakainggit. Kaya pala ang kinis at bango ng abong 'yon dahil hindi pala basta-basta ang mga brand na ginagamit niya.

Nasa kaligitnaan ako ng pagshower nang makarining ng katok mula sa pinto. Si Ash.

"Hindi ka pa ba tapos diyan? Baka lumamig na ang ginawa kong tsokalate para sa 'yo."

"I'll be done in a minute!"

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon