Chapter 37: Wrong decision

13.8K 598 134
                                    

Ash's POV

Two weeks earlier...
  
   
Sunday, umuwi ako ng bahay. Ayaw ko nga sanang pumunta kung hindi lang ako pinilit ni mommy.

Nagulat ako nang madtnan ko sina Julia at ang parents niya sa bahay. They are already in the dining area.

I was about to walk away nang pigilan ako ni mommy at pinagbantaan.

Alam ko na kung bakit nasa bahay sila.

Wala akong nagawa kundi manatili at sumabay sa kanila. Tahimik lang si Julia at matamang nakatuon lang sa pagkain. Ako naman ay mariing kinukuyom ang kamay.

"Pagkatapos ng graduation ninyo na gaganapin ang engagement party. Alam ko namang aware kayong dalawa rito diba?" Panimula ni daddy.

"Yes po tito." Sagot ni Julia.

Inis na bumuntang hininga ako. Talaga bang payag siyang magpakasal kaming dalawa.

This arrange marriage is bullsh*t!

Uso pa ba ang ganito ngayon? Isa itong malaking kahibangan.

Argh! I'm starting to hate my life now. Ano bang akala nila sa amin? Pero ano pa bang aasahan ko. We're just a tool for business.

Kahit nga sila ipinagkasundo ng mga magulang nila. Look at them, I know they're not happy living together. Alam kong parehong miserable ang buhay nila ngayon.

"After a year ay ikaasal na kayo. But we allowed the two of you to live together." Dagdag pa ni mommy.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinampas ko ang mesa. Lahat sila ay nagulat sa inasal ko.

Mariing sinuway ako ni mommy. Tahimik lang si daddy pero alam kong galit na galit siya. Kitang-kita iyon sa pagtiim ng kanyang bagang at matalim na pagtitig ng kanyang mga mata sa akin.

Tahimik lang ang naging reaksyon ng mga magulang ni Julia. Habang siya ay nakayuko lang.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayoko. Ayokong magpakasal. Hindi ba ninyo naiintindihan 'yon! I have to go."

Padabog kong itinulak ang upuan at umalis. Dinig ko ang pagtawag sa akin ni mommy. Nahabol lang niya ako nang nasa labas na kami.

"What was that Smoke Ash Montecillo?! Don't you know kung gaano kami napahiya ng daddy mo! Pumasok ka sa loob at humingi ng tawad sa pamilyang Mondragon."

Galit na hinarap ko si mommy.

"Why would I do that mom? And how many time do I tell you na ayaw kong magpakasal."

"Whether you like or not. You and Julia will be married soon. Nagkaroon na ng agreement betwe----"

Hindi ko na pinatapos si mommy sa sasabihin niya. "I don't give a shit mom! Wala akong pakialam!"

*Pak!

Isang malutong na sampal ang natamo ko mula sa kanya. Napahawak ako sa aking pisngi.

"It's for your future kaya namin 'to ginagawa sayo."

"Future ko?" Mapait akong napatawa. "O baka future ng business niyo ni daddy. Ganyan naman kayo eh. Negosyo lang ninyo ang inaatupag niyo. Lahat sa inyo ay puro business niyo lang. Hindi man lang ninyo tinanong sa akin kung papayag ako. Kunsabagay, ano pang aasahan ko. Wala naman kayong pakialam sa nararamdaman ko."

"Matagal na naming napagdesisyunan ito. Iniisip lang namin ang kapakanan mo. You'll be marrying Julia and thats final."

"No mom! Hindi niyo ako mapipilit. Sa tingin niyo itutuloy pa ng parents ni Julia ang kasal namin kapag nalaman nilang bakla ako. I'm gay and I have a boyfriend."

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon