Chapter 4: Ang Hari at ang Nagtaksil

1.2K 70 1
                                    

Kyo's Pov

Wala parin si Mayuka malapit na dumating ang teacher.Biglang bumukas ang pinto at nandun si Mayuka Kasama yung lalaki kanina na leader nung mga lalaki.

Naglakad si Mayuka papunta sa kanyang upuan at umalis na yung lalaki.

"Mayuka?Mayukaa?" -Kyo

Sinubukan ko syang kausapin pero hindi ako pinansin.

Mayuka Pov

Sinubukan akong kausapin ni Kyo pero hindi ko sya pinansin .Para sayo din to..

SAMANTALA...

Sa isang tagong lugar sa mundo ng mga dragon.

King Kashizumo's POV

Ako nga pala si Kashizumo Ignis ang hari ng Kingdom of Fire, Hryujin.Binubuo ang mundo ng mga dragon sa limang kingdom.

(Authors note:
Hryujin -Kingdom of Fire
Chikyūjin -Kingdom of Earth
Kukinoto-Kingdom of wind
Mizoku-Kingdom of Water
Raijin-Kingdom of Lightning)

Nasa isang kulungan ako.Biglang bumukas ang pinto.

"Kamusta ang sinasabi nilang itinakda? Itinakdang walang magawa HAHAHA" -Shiryu

Shiryu Ignis ang kapatid ko.Ang tumakwil sa Kingdom.

"Ano ba ang binabalak mo bakit ka nagtaksil sa ating kaharian aking kapatid?!" -Kashizumo

"Kapatid?! Hahaha.Hindi kita itinuring na aking Kuya! Hindi kita kadugo!Isa kalang ampon.Nakita ka lang ng hari sa isang eskenita!"-Shiryu

"Alam ko na isa lang akong ampon pero itinuring parin kitang kapatid kahit na may galit ka sakin." -Kashizumo

"Pinulot ka lang ng Hari sapagkat akala nya na di na sya magkakaanak kay ina.Matapos ang dalawang taon ako ay ipinanganak.Kahit na dumating ako sa mundo parang wala lang ako sa hari.Sayo lang nakatuon ang oras ng hari at noong malaman mo na ampon ka at pumunta ka sa mundo ng mga mortal Alalang alala parin sya sayo kahit na nagkakagulo na sa ating mundo.Kahit na isa kang ampon mas itinuring kang anak kesa sa akin. "-Shiryu

"Pareho lang ang turing ng amang hari sa atin!Bakit mo nagawang ipapatay siya?!"-Kashizumo

"Bagay lang sakanya yun!Yun ang nararapat para sakanya at ganun din ang mangyayari sayo"-Shiryu

"Kahit na ipaptay moko alam kong may taong lalaban sa kasamaan mo!" -Kashizumo

"Ikaw nga walang magawa ng maglaban tayo kaya ka nga nasa kulungan na yan at ako ang nasa trono! Ako ang maghahari sa mundong ito!" -Shiryu

Sa mundo ng mga tao.

Dingdongdingdong*

Kyo's POV.
Labasan na :3 Hindi ako pinapansin ni Mayuka sa buong klase.

"Tara na Kyo!" -Kei

Sabay kaming umuuwi netong lokong bespren ko.Pareho ang dinadaan namin.

"Sandali lang"-Kyo

Lumabas nakami sa aming classroom at nandun parin si Mayuka

"Oi kyo may problema ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo.Ahah!Alam ko na di ka kase pinansin ni Mayuka simula kaninang lunch HAHAHAHAHA"- Kei

Tama sya yun iniisip ko pero syempre di ko sasabihin na yun nga.

"Sira hindi hindi yun"-Kyo

Naglakad kami hanggang sa nakarating kami sa isang kanto na dun kami magkakaiba ng daan

" Osiya kyo una nako" -kei

"Sige ingat" -Kyo

"Ingat din.Bukas nalang uli!"-Kei

Mag isa nalang akong naglalakad.

Parang may sumusunod sakin. Tumingin ako sa likod ko wala naman pero pagkaharap ko may isang lalaki na nasa harapan ko

"Ano kelangan mo?"-Kyo

"Ikaw" sagot nung lalaki.

-----

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon