Chapter 93: Preliminary Round (Monster Hunting Battle Royale)

73 5 0
                                    

Third Person POV

Dumating na ang araw ng Event at magsisimula na ito.. Isang linggo bago pa magsimula ang event ay may lumitaw na isang napakalaking isla.. At sa itaas ng islang iyon ay mayroong isang malaking Colosseum kung saan kayang humawak ng isang libong kataong manonood live sa loob ng mismong game. Mapapanood parin naman ito sa labas ng laro ngunit mayroong mga player na gusto manood ng live.. Mayroon din itong isang napakalaking stadium kung saan maglalaban ang mga players.. Ang mga isang libong tao na makakapanood ng live ay bumili ng ticket sa Guild na napakamahal at ang ticket na iyon ay ang magteteleport sa mga player na manonood. Ang mga player din na maglalaro sa event ay mayroon din mga ticket para sila makapunta sa isla.. Ang ticket lang na iyon ang paraan para makapunta sa isla kaya walang ibang mga player ang maaring pumunta doon kundi ang mga player na nagbayad lang.. Sa islang nasa ibaba naman ay ang tinatawag na Sukaiterein.. Ang islang ito ay isang buong isla na kung saan ay may mga ibat-ibang klase ng lupain. May lugar kung saan mayroong Forest, Desert, River, at Grassland. Sa laki nito ay parang pinagdugtong-dugtong itong mga isla.. Ang Preliminary Round ay dito magaganap..

Nag- iingay na ang mga players na nanonood. Sa sobrang dami ng tao ay sobrang lakas ng sigawan ng mga tao..May mga ibat-ibang klase ng sigawan..

"Simulan na!!!"

"Ano pang ginagawa nyo?!"

"Dapat agad ng simulan!"

"Ano pang inaantay nyo!"

Gustong  gusto ng simulan ng mga manonood ang Event at lumipas ang ilang minuto biglang nagkaroon ng putukan ng mga fireworks...Nagsisigawan na muli ang mga players na manonood.. 

"Woooooooooooooo!"-Audience

"Lumipas na ang mga araw na inaatay ng lahat!"-Announcer

Biglang lumabas mula sa isang daanan ang magiging announcer ng tournament. Isang lalaking elve ang magiging announcer ng tournament...  Lumipad ito papunta sa gitna ng Colliseum at itinuloy ang kanyang pagsasalita

"Magsisimula na ang ating Event! Ang Team Tournament! Ako si Z ang magiging Announcer ng ating Event! At ieexplain kona kung paano ang ating magiging mechanics sa ating Preliminary Rounds! Ang magiging tawag sa Preliminary Rounds ay Monster Hunting Battle Royale! Ang mga Players ay mateteleport sa loob ng isla ng  hiwa-hiwalay kasama ang kanilang team. Sa loob ng isla ay mayroong ibat-ibang klase ng terrains. Nasa mga players nalang kung paano gawing advantage para sa team ang terrain.. Kapag nasa loob na sila ng isla ay mayroong mga Monsters sa isla kung saan dapat nilang ihunt. Ang mga monster ay mayroong mga ibat-ibang klase at bawat isa nito ay mayroong ibat-ibang points. Magbibigay kami ng mga list kapag kayo ay nakapunta na sa islands.. At ang twist ay maari nyong atakihin ang kapwa player. Bawat leader ng  group ay may patong na points. Ang bawat leader ng mga players ay may mas mataas na points kumpara sa members lang.. Ang mga 16 teams na magkakaroon ng mataas na points o kaya ang 16 teams na matitira ay ang makakapasok  sa Main Tournament.. Nasa bawat team kung anong klaseng diskarteng gagawin.. Maaring mag ipon nalang ng points sa mga monster or ihunt nalang ang inyong kapwa players.. Reminder bawal gumamit ng items na dala-dala.. Maaring makakuha kayo ng mga items sa mismong island! Pero ang inyong mga naka equip na gamit sa inyong nga characters ay maaring gamitin!.. Pagkatapos ng limang minuto ay matatransfer na ang lahat ng  players sa Field! Kaya habang hindi pa nateteleport mag usap-usap nakayo.Ang limang minuto ay magsisimula na!"-Z

Pagkatapos na pagkatapos ng pagsasalita ni Z about sa Preliminary Rounds ay Nag usap-usap na nga ang mga players kasama ang  kanilang mga members.. Ang bawat teams ay mayroong mga sari-sariling rooms kung saan maari silang magmeeting..

Samantala sa loob ng meeting room nila Kyo at ng kanyang mga kasama ...

"So si Kyo ang magiging leader?"-Kei

"Teka pag-usapan muna ng maayos"-Kyo

"Ang magiging leader ay sigurado ang unang tatargetin nila"-Minako

"Oo pero di naman nila alam kung sino gagawin nating leader. So kung tayo mag aasume kung sino magiging leader.. Sino unang iisipin nyo na leader natin?"-Mayuka

Nagsituro sila ng kanilang naisip .. at sa ginawa nilang yon nakagawa sila ng isang plano.. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto.. At lumabas na nga ang lahat ng mga players mula sa kanilang kwarto at nagtipon-tipon sila sa stage..

"Malapit na matapos ang limang minuto na ibinigay! Mga players! Magsihanda nakayo!Sampung segundo nalang ang natitira!! 10!9!.."-Z

Nakisabay na sa pagsigaw ang mga players na nanonood sa pagbibilang..

"8!7!6!5!4!3!2!1! Preliminary Round! Monster Hunting Battle Royale Start!!"-Z

Biglang nagliwanag ang buong Colloseum at bigla ng nawala ang lahat ng mga teams at
nagsiteleport na ang mga players papunta sa isla ng Sukaiterein..

-------

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Where stories live. Discover now