Chapter 79: Flower Garden Negative Floor 1 ( Monster Rabbit Family )

44 9 0
                                    

Third Person POV

Nagsimula na sila sa paglalakad papunta sa kabilang dako ng unang floor para pumunta sa ibang floors. At sa kanilang paglalakad ay may nakitang isang napakacute na monster si Kyo. Isa itong Baby White Rabbit kung saan may pula itong mata ay mayroong maliit na sungay sa kanyang noo. Binuhat nito ang monster at ang di alam ni Kyo ay isang pahamak ang dala nito.

"Kyo bitawan mo na agad yan.."-Mayuka
nginig na sabi ni Mayuka
"Bakit?!"-Kyo
"Tumingin ka sa likod mo!"-Kei
Sa kanyang likod ay naroon ang mama ng baby white rabbit. Kitang-kita sa itsura ng halimaw ang galit sapagkat hawak-hawal ni Kyo ang kanyang baby..
"Patay.."-Kyo

Binitawan ni Kyo ang baby rabbit ng dahan-dahan..

"Easy kalang po.."-Kyo

"Wag ka magmadali.Umatras ka ng dahan-dahan"-Minako
Kita padin ang galit ng Ina ng Baby White rabbit.. Sa tingin ng kanyang mga mata ay gusto nyang atekihin si Kyo.. Naglakad ng papalapit ang baby white rabbit papunta sa kanyang ina habang si Kyo naman ay paatras na.
"Kyo kapag ang kanyang baby ay nakarating na sakanya ay tumakbo kana!"-Minako
"Ha?! "-Kyo
"Pagkasigurado ng ina ng rabbit na ligtas na ang kanyang anak ay aatake siya!"-Minako
"Eh?!"-Kyo
Inilabas ni Kyo ang kanyang espada para siya ay ready..
"Nako naman ayoko pa naman sana sila patayin"-Kyo
"Oy Kyo Bat mo nilabas ang espada mo?!"-Minako
"Bakit anong mangyayari?!"-Mayuka
Pagkadating na pagkadating ng Baby White Rabbit sa pwesto ng ina ay tumakbo agad ang Mama White Rabbit papunta kay Kyo.
"Tumakbo kana! Dito!"-Minako
"Support kita sa likod!"-Kei
"Huwag!"-Minako
"Eh anong magagawa natin?!"-Mayuka

Tumakbo na nga si Kyo papunta kina Minako kung saan handa na ang kanyang shield habang hinahabol parin siya ng Mama White Rabbit.

"Bat pala ako tumatakbo?! Kung pede ko naman siya sabayan?!"-Kyo

Tumigil siya sa pagtakbo at hinarapan ang humahabol sakanya. at biglang tumakbo si Minako buhat buhat ang kanyang shield.

"Mayuka sumunod ka sakin! Kei standby!"-Minako

Sumunod nga sa pagtakbo si Mayuka kay Minako. At papalapit na nga ang Mama White Rabbit kay Kyo.

"Mayuka lagay ka ng Barrier pag sinabi ko!"-Minako

"Okay!"-Mayuka

niready na nga agad ni Mayuka ang kanyang spell. At ng tumalon na ang Mama White Rabbit kay Kyo ay aatakehin na nya sana ito ngunit tumalon sa kanyang harapan si Minako.

"Mayuka Barrier!!"-Minako
"Barrier!!"-Mayuka
Nalagyan ng Barrier si Minako at sinalo nya ang atake ni Kyo ang ng Mama White Rabbit. At nablock naman nya ito ng maayos.Napaatras ang halimaw sa ginawa ni Minako at humarap siya kay Kyo.
"Huh?! Bat mo binlock yon?"-Kyo
Kinotongan ni Mayuka si Kyo
"Makinig kana muna kasi!"-Mayuka
"Kapag ang Mama White Rabbit ay nadamage kahit na 1/8 lang ng kanyang life ay mag eenrage ito. Kapag mangyari iyon ay maririnig ng kanyang Papa Black Rabbit ang kanyang sigaw at.."-Minako

(Note: Ang mga species ng mga Rabbit Monsters na ito ay mayroong ibang kulay nakadepende sa kanilang gender. Ang mga babae ay kulay puti at ang mga lalaki ay kulay itim. Ang mga lalaki din ay mayroong mas malaking sungay kumpara sa babae. Isa pang bagay tungkol sakanila. Kapag ang mga rabbit na ito ay mayroong anak ay mas malakas sila kumpara sa normal na rabbit. Kaya sila Tinawag na Mama at Papa sapagkat ay parang evolved species na sila)

Di paman tapos ang pag eexplain ni Minako na maaring mangyari ay naibaba ng tatlo ang kanilang depensa. Mabuti nalang ay naka standby nga si Kei at nakaready na pumana. Ngunit di nga alam ni Kei ang kanilang pinag uusapan.. Ng dahil sa kanilang pag-uusap ay di na napansin ng tatlo na aatake muli ang Mama White Rabbit. Inilabas nito ang kanyang mamalim na kuko at umatake sa tatlo.

"Bow Arts: Focus Shot!"-Kei

Pinapatamaan ni Kei sa ulo ang Halimaw para isang tirahan nalang sana ito ngunit itinigil nito ang kanyang atake at umatras ito para hindi matamaan ang kanyang ulo. Ngunit tumama parin ito sa kanyang tenga..
"Huh?!"-Kyo,Mayuka,Minako
Tulad ng sabi ni Minako ay kahit 1/8 lamang ang damage na makukuha ay mag eenrage ito. Ng dahil sa atake ni Kei ay Umiyak ito ng napakalakas..Lumapit naman si Kei sa tatlo upang itanong kung anong nangyari..

"Anong nagyari?!"-Kei
"Uhm. Kei magready ka. Kung gusto mo makatama sa kalaban lumayo ka na ng kaunti.."-Minako
Tila yumanig ang kinatatayuan nilang apat..
"Unang floor palang ang hirap na."-Mayuka
"Paano pa kaya yung natitirang 9floors pa?"-Kyo

Tumigil ang pagyanig at nagpakita na nga ang Papa Black Rabbit.. Halos nadoble ang laki neto kumpara sa babae. Halos kasingtangkad na nila Kyo. Pulang-pula din ang kanyang mga mata at mayroong mahabang sungay na mukhang napakatalim..
"Kung gusto nyo bumaba sa ibang floors kelangan muna natin tong lagpasan.."-Minako

---------

The Dragonist (Hiatus Currently Rewriting at Webkomph)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora